Ang mabigat na pagbuhos ng ulan, nagpapakita ng aking kalooban.
Lungkot, lumbay, at pighati, sakit na hindi ko mahawi.
Alam kong hindi kita pagmamay-ari, ngunit ang puso ko'y patuloy na napipighati.
Bagaman hindi ka akin, ayoko ng may kahati.
Ikaw ang aking naging tibay ng loob, ngunit ikaw rin ang sa akin na nagbibigay ng labis na lungkot.Alam kong hindi kita pagmamay-ari, ngunit bakit ganito kahigpit ang lungkot? Ang malamang may tao na sa iyo'y makakaabot.
Ang puso ko ay parang pinagpipira-piraso. Sa sakit, tila gustong sumuko.
Ano ang aking gagawin? Paano ko aalisin ang sakit na lumulunod sa akin?Alam kong hindi ka akin at hinding-hindi mapapasaakin.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...