"Ang aking galit ay napapalitan na ng pagngiti.
Pagbuhatan ng palad noon ay maari na ng labi."'Pagbuhatan ng Palad Noon ay Maari na ng Labi.'
Isang babaeng may mapangahas na dila ang naligaw sa aming bayan.
Ang kanyang pananalita at kilos ay tila taga-ibang lunan.Siya'y mahilig makipagtalo at palaging ipinaglalaban ang kanyang ideya't kuro-kuro. Siya palagi ang tampulan ng gulo.
Hindi ko nais ang kanyang magaspang na pag-uugali, Binibining tila may sapi. Mabuti na lang at ako'y nakapagtimpi.
Siya'y kinupkop ng aking mabuting kaibigan, sapagka't tila hiwaga ang nakikita niya sa pagkatao ng naturan. Ngunit kung ang pananaw ko ang susundan, isa siyang babaeng mangkukulam.
Ngunit sino nga bang mag-aakalang sa tinagal-tagal ng pamamalagi niya roon, sa puso ko na siya pumaparoon.
Ang kanyang magaspang na pag-uugali ay sakin ay naging katangi-tangi.
Tila ako ngayo'y tinamaan na ng kanyang salamangka, isang mangkukulam na gumagamit ng kakaibang majika.
Ang aking galit ay napapalitan na ng pagngiti.
Pagbuhatan ng palad noon ay maari na ng labi.
Babaeng natatangi na hindi maikukubli.Hindi pana ni Kupido ang sa puso ko'y nagpagulo,
Kundi ang iyong libangang pagpasok sa gulo.
Na nagdudulot sa akin ng kakaibang pananaw sa iyo.Oh binibining tila taga-ibang mundo, halika't manahan na lang sa aking puso.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoesíaWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...