Sa kalangitan, naroon ang Panginoong Diyos,
Nakikita ang lahat, alam ang lahat.Maaaring sa mata ng mga tao, ang dilim, maaari kang ikubli at pagtakpan,
Ngunit sa Kanyang harapan, walang anino ang magtatagumpay.Ang Kanyang titig tumatagos sa kadiliman ng gabi,
Naglalantad ng katotohanan, at mga lihim na hindi isinasaysay ng labi.Sa kadiliman, ika'y mananatiling matatagpuan,
Sapagka't ang kadiliman at liwanag, parehong naghahayag ng katotohanan sa kanyang harapan.Walang kadiliman ang makakatago sa Kanyang banal na paningin,
Sa Kanyang mga mata, lahat ay ilalantad, lahat ay magiging maliwanag.Ang Panginoon, sa Kanyang walang hanggang kapangyarihan,
Nakasisiyasat ng puso at ng malalabong sabi ng isipan, maging sa sulok man ng liwanag o kadiliman.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoesíaWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...