102: Sa Landas ng Kabutihan o Kasamaan

6 2 0
                                    

Kahit sa landas ng kabutihan o kasamaan,
Isang katotohanan, ating paroroonan:
Kamatayan ang tadhana, di mapipigilan,
Sa bawat nilalang, maging hayop man o taong nilalang.

Ngunit sa anyo nito, may pagpipilian,
Dalawang landas, sa bawat isipan:
Isa'y mabuting kamatayan, payapa at malinaw, ang isa'y masamang kamatayan, madilim at walang maaaninaw.

Sa mabuting kamatayan, ang magandang kawakasan ay mananatili,
Bagaman buhay niya sa mundo ay maglaho, ngunit sa kabilang mundo ay di mawawala.
Sa pagdurusa, isang matamis na paglaya,
Awa ng tadhana, ang kaluluwa niya'y magpapahinga.

Ang isa pang landas, madilim at puno ng sakit,
Saan ang hapdi't lungkot, nag-uumapaw sa dibdib.
Parang kandila, nag-aalab, ngunit nagdurusa,
Sa dilim ng kamatayan, unti-unting bumabagsak.

Kaya't piliin ang landas, sa karunungan ng puso,
Yakapin ang kabutihan, at hanapin ang iyong paraiso.
Sa yakap ng kamatayan, bagaman tila malupit,
Dito'y may kaaliwan at kahihinatnan sa apoy na dagat na walang katapusang sakit.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now