65. Mart Laurence Kasfer: Nasaan Ka na, Ehsher Gustafson?

38 9 0
                                    

'NASAAN KA NA, EHSHER GUSTAFSON?'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

'NASAAN KA NA, EHSHER GUSTAFSON?'

Inilibot ko ang aking paningin, at pinagmasdan ko ang kabuuan ng looban.

Ganito pala nagdiriwang ang mga mararangya't mayayaman.

Lubhang sila'y maluho sa mga kalayawan.

May mga musikero at mang-aawit na nagsasalimbay sa iba't-ibang mga kasangkapan at umaawit ng mga kantang may iba't-ibang himig.

Bawat sentro ay may pigingan, bawat sentro ay napapalibutan ng mamahaling alak at mga gintong sisidlan.

Sa bagay, walang mas mabuti sa tao o maigi kundi kumain at uminom, at magalak sa lahat ng kanyang gawa sa ilalim ng araw, sapagka't ito ang kanyang pinakabahagi.

Wala nang mas maiging gawin ang tao kundi magpakabusog at magpakalango sa lahat ng araw ng kanyang buhay, at gamitin ang kanyang salapi sa lahat ng bagay na layon ng kanyang puso't isipan.

Magpakagalak sa kanyang pinakapag-aari at kunin ang lahat ng kanyang nais habang siya'y nabubuhay, sapagka't ito ang kaniyang pinakabahagi.

Humiga ng may kasiyahan sa kanyang mga pinagpagalan.

Sa kanilang mararangyang kasuotan, nakikita ko ang aking karalitaan gayundin ang aking kadustuhan.

Bagamat ako rin ay nagagayakan ng marangyang kasuotan, ngunit para sa akin ito ay isang pansamantalang palamuti lamang na aking huhubarin pagkatapos nitong araw.

Bakit nga ba hindi ipinagkaloob sa akin ng buhay na ito ang karangyaan at kayamanan?

Bakit ipinagkait sa akin ng buhay na ito ang magkamit ng karangyaan at kayamanan?

Bakit maraming pinagkalooban, nguni't sa kanila'y bakit hindi ako nabilang?

Sa matandang kasabihan, naniniwala sila na ang maginhawang buhay ay maaaring maranasan ng bawat tao sa mundo, nguni't bakit kami ay pinagkaitan nito?

At sa paniniwala naman ng iba, kailangang tanggapin ang kahirapan habang nabubuhay upang matamasa ang kaginhawaan sa kabilang buhay.

Nguni't sino nga ba ang makapagpapatunay na may kabilang buhay at kaginhawaan sa kabilang buhay?

Sapagka't kung ang isang tao ay mamatay, mabubuhay pa ba siya?

Kung ang isang tao ay mamatay, may makapagbabalik ba sa kanya upang makita ang mangyayari pagkamatay niya?

At sa gayon din naman, sinong magbabalik sa patay upang saysayin ang nangyari pagkatapos niyang mamatay?

Mayroon na bang makapagpapatunay sa kabilang buhay?

May tao na bang namatay at pagkatapos ay nabuhay na nagsasaysay sa nakita niya sa kabilang buhay?

Kapag ang tao ay nabuwal, hindi na siya makakabangon pa hanggang sa ang langit ay mawala. Sila ay hindi na magsisibangon pa, ni mangagigising man sa kanilang pagkakahimlay.

Nguni't bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras na pag-isipan ang mga bagay na ito?

Ako'y naparito upang kumitil ng buhay, at hindi upang sumakabilang-buhay.

Isa lang ang aking pakay upang maranasan ko ang tunay na kasiyahan sa lupang ibabaw.

Nasaan ka na, Ehsher Gustafson?

Nakahanda ka na ba na salubungin ang kamatayan patungo sa kabilang buhay?

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now