"Magugunita ko na lamang siya sa aking isip at maghihintay na lamang na dalawin niya ako sa aking panaginip."
Nais kong mayakap ang kanyang katawan kahit na wala ng init.
Nais kong mahagkan ang kanyang bibig kahit ang hinga na bumubuhay sa kanya ay wala na rin. Ano ang aking gagawin?
Akoy tila nagbalik-tanaw sa nakaraan, mga kasiyahang dinulot niya sa aking buhay.
Mga ala-alang pumawi sa aking kalungkutan.
At ang pag-ibig niyang nagdulot sa akin ng galak at kapayapaan.
Hindi ko na muling masisilayan ang kanyang ngiti.
Hindi ko na muling maririnig ang kanyang tinig.
At hindi ko na muling mararanasan ang kanyang yakap at halik.
Magugunita ko na lamang siya sa aking isip at maghihintay na lamang na dalawin niya ako sa aking panaginip.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PuisiWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...