50. Eros Pragma: Ang Pag-ibig Namin

36 11 0
                                    


Sino bang magdidikta kung ang pag-iibigan namin ay tama o mali?

Mali bang sundin namin ang aming damdamin?

Mali bang pagbigyan namin ang aming pag-ibig?

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ngunit tapat ako sa aking damdamin.

Ang pag-ibig ko kay Arceilla ay totoo at malalim, katulad ng balong natatago sa lilim.

Sino bang magsasabi kung ang aming ginagawa ay tama o mali?

Mali bang sundin namin ang aming damdamin sapagka't nagkakaisa naman ang aming puso't damdamin?

Dalawang katanungan ngayon ang sumasagi sa akin: Saan kami pupunta at paano kami makapupunta sa lugar na maitatago ang aming lihim?

Saan kami dadalhin ng pag-iibigan namin?

Para sa makapangyarihang kamay, hindi ko alam kung saan kami magtutungo.

Mayroon bang lugar na maaaring magkubli sa amin?

Makakatahan ba ang aming kaluluwa sa kaginhawaan?

May kulandong ba na maaaring mag-ingat sa amin sa lihim?

Nguni't nais kong makapagdalang-tapang ang aking puso.
Nais kong magpakalakas.

Ang pag-ibig ay mahirap tanggihan, kusa itong bumubukal sa kaibuturan.

Hindi ko babaguhin ang aking damdamin.
Naniniwala ako na hindi ito isang pagkakataon lamang kundi tadhana ang nagdala dito sa amin.

Mahal ko si Arceilla at nakahanda na akong harapin ang lahat para sa kanya.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now