25: Isang Kaakit-akit Na Nilalang

44 11 0
                                    



Sa kanyang harapan, ako'y tunay na nahuhumaling,
Parang gamu-gamo sa ningas, sa kanya'y nakabaling.

Sa kanyang liwanag na kanyang dala-dala,
Isang lakas na magnetiko, sa aki'y  patuloy na humihila.

Bawat tinging naglalantad ng kanyang kaakit-akit na kagandahan,
Isang nilalang na dinamitan ng tunay na karilagan.

Sa gabing madilim, lumiliwanag na parang buwan at mga bituin na nagpupuno sa kalangitan.

Isang kaakit-akit na nilalang, pinapangarap na mahawakan,
Mamasdan ang iyong kagandahan ng malapitan at walang pagitan.

Only My Heart KnowsWhere stories live. Discover now