Huwag nating pakahulugan na ang pagpapala ay karangyaan at maraming salapi, sapagkat ang magising ka lang sa umaga ay napakalaking pagpapala na.
Hindi ba?
Kaya naman sa Dios ay magpasalamat ka, sapagkat hindi lahat ng natutulog ay nagigising pa.
Kaya naman namumukod tangi ka, sapagkat binigyan ka ng panibagong umaga.
Ngunit huwag mo rin naman kaawaan ang mga nangatulog na, sapagkat sa iba'y ito'y pagpapahinga, upang mailayo sila sa matinding pahirap o sakuna.
Ngunit bumalik tayo sa panibagong umaga, lumingon ka sa kanan patungo sa kaliwa, may mga mahalagang bagay ka pang dapat magawa.
Nawa'y sa araw na ito, ngiti ang sisilang sa iyong mukha.
Pag-asa sa iyong mga mata ang makikita.
Iunat mo ang iyong kamay sa mga nangungulila.
Magsilbing puno ka sa mga nangangailangan ng masisilungan, panyo sa mga matang luhaan, lampara sa mga nadidiliman, at lakas sa mga napanghihinaan.
Nawa'y ang araw na ito ay gawin mong makabuluhan, na hindi lalampas ang araw na wala kang nagagawang kabutihan.
Magsilbi kang isang tauhan sa bawat librong iyong madadaanan, na kahit ang pananatili mo ay panandalian lang sa kanilang buhay, ngunit mag-iiwan ng isang butil na lalago sa kanilang isipan.
Na kapag maaalala ka nila, pag-asa ang larawang kanilang makikita, katulad ng panibagong umaga.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PuisiWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...