Sa kaharian kung saan ang mga bulong ng sining ay umaawit,
Ako'y nagnanais na walang hangganang maitala ang kanyang kaluluwa, isang malalim na handog.
Bagaman maaaring tingnan ng iba ang aking layunin bilang banayad haplos,
Sa kababawang dahilan na iyon, ang aking ligaya'y hindi matatarok.
Maging isang bihasang alagad ng sining, upang maiguhit ng may kahusayan ang kanyang ningning, upang maipakita ang kanyang kagandahan bilang aking natatanging bituin.
Sa pamamagitan ng aking likhang sining, nais ko siyang akitin, at ang puso niya ay sakupin.
Isang siyang malalim na ligaya na patuloy lumalago sa aking isipan, kaya naman sa pamamagitan ng walang humpay na pagsisikap, sa aking mga likhang-sining nais ko siyang mahagkan at sa bisig ko'y mayakap.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...