'Kamatayang Kay Tamis'
Pinugpog ng marubdob na mga halik ang malungkot na labi,
At ang mga mata'y pilit tinutugunan ng pagngiti.
Ang pagpapaalam ay ginawang pagbati,
Sapagka't nasa hangganan na ng pag-ibig na minimithi.Ginugunita ang mga matatamis na sandali
sa isang araw na mapanganib at maigsi.
At sinasabing ang pag-ibig ay mananatili,
bawiin man ang buhay na dagli.Kamatayang kay tamis,
Maging sa huling hininga'y ikaw pa rin ang tinatangi.Mananatiling laman ng puso't isip,
At mamamatay sa iyong pag-ibig.Kamatayang kay tamis,
Dito'y hindi mapapatangis.Takasan man ng hininga't sa kamatayan tuluyan mabigkis,
Madadaig pa rin ng pusong may iisang nais.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...