Sa mundong dilim, kung saan ang mga panlilinlang ay nananatili,
Hindi ako natatakot sa huling hininga na naglalaho,
Ngunit ang ideya ng iyong pagkawala pagkatapos ng aking huling pintig,
Nagdudulot ng pangamba sa aking puso nang labis.
Nagnanais akong makasama ka sa bisig ng walang hanggan,
Ngunit paano ang kadiliman na kakain ng kagandahan?
Dapat ko bang pakinggan ang tinig ng aking puso,
O hayaan na ang kadiliman na ito ay magtagumpay laban sa liwanag ng hinaharap?
Sa sayaw ng liwanag at dilim, ako'y naglalakbay,
Iniisip ka sa labas ng kaguluhan,
Masarap sigurong maglakbay hawak ang iyong kamay, at makasalo ka sa iisang tahanan.
Ngunit tama bang ang isipin ko lang ay ang pansariling kasiyahan, samantalang ang aking kapwa'y sa kadiliman na nanahan?
Sa kalaliman ng gabi, ang kislap ng iyong buwan ay nagliliwanag, habang ang aking mga luha'y nasa ilalim ng iyong sinag. Hangad kong makasama ka sa bukas, ngunit ang isipan ko'y nagsasabi na hindi ito ang dapat.
Sa pagpikit ng aking mga mata, sa walang hanggan, ay nais kong makasama ka. Kahit sa walang hanggang panaginip na lang.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...