Para sa Sinisinta Kong Arceilla,
Mahal na mahal kita, Arceilla. Mahal na mahal kita.
Hindi ko alam kung ano ang magiging dulo nitong ating pag-iibigan ngunit mahal na mahal kita. Mahal na mahal.
Kung hindi man para sa atin o para sa akin ang mundong ito, kahit para sa iyo na lamang.
Ipangako mo sa akin na kung ako'y mabigo, ay ikaw ay magpapatuloy. Ipangako mo sa akin na magiging masaya ka. Mabuhay ka at bumuo ng isang masayang pamilya.
Ipangako mo sa akin na magpapatuloy ka anuman ang mangyari, mawala man ako sa iyong tabi.
At huwag mo nang alalahanin ang pagkakautang ninyo, sapagka't binayaran ko na lahat ng ito.
Hangad ko ang kaginhawaan ng iyong puso. Nawa'y mabuhay ka ng masaya at mapayapa.
Mahal na mahal kita, Arceilla. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita sa tunay na kahulugan nito.
Nagmamahal,
Eros Pragma.
YOU ARE READING
Only My Heart Knows
PoetryWithin this anthology lies a tapestry of verses penned by Jcena Mortiff, each intricately woven around diverse manifestations of love. These words ache to break the shackles of confinement, the very letters thirst for emancipation, all plucked from...