PROLOGUE

523 12 0
                                    

PROLOGUE

"Ako na ang bahala sa lahat. Libreng bahay, Pagkain, Damit, at ang pag aaral mo ako na ang bahalang mag paaral sayo"

Mga salitang nag pagulat sa 15 years old na si zyra. Punong puno ng pag tataka ang kanyang mukha habang nakatitig sa 20 anyos na si Marvin acosta.

"Ano po bang pinagsasabi mo kuya?" naguguluhang tanong sakanya ni zyra.

Kahit na 15 anyos palang sya ay naiintindihan na nya ang mga sinabi ng taong kaharap nya pero ang hindi nya maintindihan ay kung bakit iyon sinabi ng lalaking ngayon lang naman nya nakilala.

"Lahat ng sinabi ko ay kaya kong gawin. kaya kung ibigay lahat ng gusto mo but in one condition" tumigil sa pag sasalita si marvin at tinitigan sa mata si zyra bago ngimiti.

"Be my secretary pag katapos mong grumaduate" nanlaki ang mata nya.

"Secretary po?" tanong nya. Tumango naman ang lalaki.

Kung iisipin ay napaka gandang offer ang sinabi ng kaharap nya ngunit hindi nya alam kung tatanggapin nya dahil hindi naman nya alam kung mapag kakatiwalaan ba nya ang lalaki lalo na at hindi naman nya ito lubusang kilala maliban nalang sa alam nyang ang lalaki ay CEO ng M&Z Interprise na isa sa mga pinaka sikat na kompanya sa buong bansa.

Gusto nyang tanggapin ang offer ng lalaking kausap pero nag dadalawang isip nya dahil hindi naman niya ito kilala at isa pa nag kita at nag kakilala lang naman sila sa daan kanina tapos ngayon andito sa harapan nya ang lalaki at inaalok syang maging secretary neto kapalit ng pag papa aral sa kanya at iba pa.

"P-Pero bakit po ako?" tanong nya. Isang ngiti naman ang pinakawalan ng binata at ginulo ang buhok ni zyra.

"Malalaman mo din yan pag dating ng tamang panahon" ani ng binata.

"P-Pero kuy–" hindi na naituloy ni zyra ang sasabihin dahil pinigalan sya sa pag sasalita ni marvin.

"Don't call me kuya. My name is marvin so call me marvin" sabi ng binata at tumayo na mula sa pag kakaupo na ginawa din ni zyra.

"Ihahatid na kita sa inyo delikado na mag lakad bagay gantong mag didilim na" walang ibang nagawa kundi pumayag si zyra na ihatid sya ni marvin dahil natatakot syang umuwi mag isa lalo na ngayon at laganap ang krimen sa lugar nila.

Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na sila sa bahay ni zyra kaya naman nag paalam at nag pasalamat na si zyra kay marvin bago bumama sa kotse.

"Pag isipan mong mabuti ang mga sinabi ko zyra. Goodnight" nginitian lang ni zyra si marvin at nag lakad na papunta sa bahay nila pero habang palapit sya ng palapit sa bahay nila ay palakas ng palakas ang tibok ng puso nya sa hindi malamang dahilan.

Kunot noo syang napatigil sa pag lalakas ng makitang bukas ang pinto ng bahay nila pero patay naman ang ilaw. Nag mamadali sya pumasok sa bahay nila at binuhay ang ilaw.

Pag kabukas nya ng ilaw ay tumambad sakanya ang mga magulang nya na walang buhay at naliligo sa mga sarili nilang dugo.

Mabilis syang lumapit sa mga magulang at pilit ginigising ang mga ito.

"Ma, Pa gumising kayo parang awa nyo na wag nyo akong iwan" umiiyak na sabi nya habang yakap yakap ang duguang katawan ng mga magulang nya.

Isang kalabog mula sa kwarto ang naka pukaw sa kanyang pansin kaya napa tayo sya.

"S-Sino yan?" kinakabahang tanong nya.

Halos mapa sigaw sya sa gulat ng isang lalaking punong puno ng dugo ang damit ang lumabas mula sa kwarto. Hindi nya maaninaw ang mukha ng lalaki dahil naka mask at cap ito pero isa lang ang sigurado nya ang lalaking nasa harapan nya ang pumatay sa mga magulang nya.

Dahan Dahang lumapit sakanya ang lalaki at nag labas ng kutsilyo na ikina takot ni zyra. Tumakbo palapit sakanya ang lalaki at walang pag dadalawang isip nyang sinaksak sa tiyan na ikina hiyaw nya.



Bubuksan na sana ni marvin ang makina ng kanyang sasakyan ng marinig nya ang sigaw ni zyra kaya walang pag dadalawang isip syang bumaba sa kotse nya at tumakbo papunta sa bahay nila zyra.

Naabutan nya ang isang lalaki na akmang sasaksakin pa sana si zyra kaya agad nyang sinugod ang lalaki at sinipa ang kamay nito dahilan kung kaya nabitawan ng lalaki ang kutsilyong hawak.

Mabilis na tumakbo paalis ang lalaki hahabolin pa sana sya ni marvin pero hindi na nya nagawa dahil nakitang nyang nahihirapan na si zyra dahil sa saksak neto.

Agad na nilapitan ni marvin si zyra at pinigilan ang pag durugo ng sugat nito saka kinuha ang cellphone nya para tumawag ng pulis at ambulansya.

"Wag kang pipikit zyra padating na ang ambulansya" mahinang sabi nya sa dalaga tumango tango naman ang dalaga.

Pagkalipas ng limang minuto ay dumating na ang mga pulis at ang ambulansya. Agad na isinakay sa ambulansya si zyra at sumama naman si marvin dahil hindi nya kayang iwan ang dalaga.

"K-Kuya si m-mama at pa-papa" mga huling salitang binanggit ni zyra bago sya tuluyang mawalan ng malay.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now