CHAPTER 16

232 5 0
                                    

CHAPTER 16

"Mahal kita, matagal na"

Anim na taon kong itinago. Anim na taong kong itinanggi. Anim na taon kong pinigilan.

Tapos ngayon ay masasabi ko rin pala sakanya. Ang mga salitang ni minsan ay hindi ko sinubukang sabihin sa kanya.


"Faye.." rinig kong pag tawag nya sa pangalan ko. Matapang kong hinarap at sinalubong ang mga tingin nya at tulad nga ng inaasahan ko. Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.


"Mahal kita. Mahal kita marvin pero hindi ako papayag na matali ka saakin. Hindi ako papayag na mag sisi ka na pinakasalan mo ako dahil lang may anak tayo. Itong nararamdaman ko kaya ko pa namang pigilan 'to o kung hindi ko man mapipigilan, kaya ko naman itong sarilihin nalang. Matagal kong itinago at itinanggi sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman pero ngayon pagod na akong mag sinungaling sa sarili ko. Gusto kong maging selfish. Gusto ko akin ka lang. Gusto kong tingnan mo rin ako tulad ng pag tingin mo sakanya. Gusto kong maging mahalaga rin ako sayo. At higit sa lahat Gusto kong mahalin mo rin ako tulad ng pag mamahal mo sakanya. Kaso ano ba namang magagawa ko? Ano ba namang laban ko sa babaeng matagal mo ng mahal? Kahit ano naman kase ang gawin ko wala ring mangyayari dahil alam ko sa sarili ko na sya lang ang mahal at mamahalin mo." mahabang sabi ko na mukhang ikina gulat nya.


Nakatingin lang sya sakin na para bang hindi maka paniwala sa mga sinabi ko. Umiiyak parin sya at ngayon ay mas lalong lumakas ang hikbi nya. Para syang batang nag iiyak ngayon habang naka tingin saakin kaya naman walang pag dadalawang isip ko syang niyakap.


Hindi ko maiwasang mapangiti ng maramdaman kong kalmado na sya at tumitigil na sa pag iyak. Sa loob ng sampung taon na mag kasama kami at nawawala sya sa sarili nya o umiiyak ay isang yakap ko lang ay kumakalma na sya at nakaka tuwa na hanggang ngayon ay kaya ko parin syang pakalmahin gamit ang yakap ko.


Ilang segundo rin kaming mag kayakap at ako ang unang kumalas. Muli namang nag tagpo ang mata naming dalawa at ngumiti ako.



"Let's stop the deal. Mag pafile na rin ako ng annulment at ako na ang mag papaliwanag sa mga magulang mo kung ano ang totoo." nakangiting sabi ko kahit na sa loob ko ay parang pinapatay na ako sakit.


Hindi naman sya nag salita at nanatiling nakatingin lang saakin habang umiiyak.


"About the baby.." tumigil ako sa pag sasalita at hinimas ang tiyan ko.


"I will keep him." nakangiting paring sabi ko. Hindi parin sya nag salita at patuloy lang sa pag iyak kaya naman mabilis kong hinawakan ang mag kabilang pisngi nya at hinalikan sya sa labi at pag katapos ay tumayo na mula sa pag kakaluhod.


"Tatanggalin ko lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon at mag papahangin and don't worry mag papasama ako kay Mhico para hindi ka mag alala."


Pag katapos kong sabihin yon ay nag lakad na ako palabas ng kwarto at sakto namang naabutan ko si Mhico na nakaupo sa sofa habang nag lalaptop.


"Milady, Ano pong maipag lilingkod ko?" magalang na sabi nya.


"Pwede mo ba akong samahan sa bahay ng kaibigan ko?" tanong ko sakanya. Mabilis naman syang tumango at pinatay ang laptop nya pag katapos ay nag lakad na palabas.


Walang imik naman akong sumunod sakanya hanggang sa makarating kami sa kotse ko. Tahimik lang akong pumasok don at nang makapasok na si Mhico ay walang imik nya iyong pinaandar.


"Saan po ba ang punta natin, milady?" tanong ni Mhico.


"Gab's house" maiksing sagot ko.


Buong byahe namin ay tahimik lang kaming dalawa at walang nag salita hanggang sa maka rating kami sa bahay ni gab.


"I will stay here in the car, milady" tumango lang ako sa sinabi ni Mhico.


Bumaba na ako sa kotse at agad na nag doorbell. Dito ko naisipang pumunta dahil alam kong mag isa lang na nakatira dito si gab.


Bumukas naman ang pinto at lumabas doon si Gab na mukhang nagising mula sa pag kakatulog.


"It's 11pm in the evening, Zy, do you need somethi–" hindi na natapos ni gab ang sasabihin dahil niyakap ko na sya ng mahigpit at umiyak sa balikat nya.

"Hey. Tell me, what happened?" tanong nya habang hinahagod ang likod ko.


"I told him my feelings and I'm pregnant" umiiyak na sagot ko. Halata namang nagulat sya dahil napakalas agad sya sa pag kakayakap sakin at hinawakan ako sa mag kabilang balikat.


"You're pregnant?" nanlalaki ang matang tanong nya. Dahan dahan naman akong tumango.


"Oh God" sabi pa nya at hinila ako at pinaupo sa sofa.


"Do you want me to call the others?" tanong nya. Mabilis naman akong umiling.


"Ayaw ko silang maistorbo" mahinang sagot ko. Tumangi tango naman sya at saka tumabi sakin sa upuan.


"Tell me everything. Makikinig ako at wala akong pakialam kung gaano pa kahaba 'yang kwento mo"

Nang marinig ko ang sinabi niyang 'yon ay nag simula na akong mag kwento. Simula sa nangyari sa mga magulang ko. Ang tangkang pag patay sakin. Ang deal namin ni sir marvin at ang nangyari kanina.


Hindi ko nanaman tuloy maiwasang mapaiyak habang inaalala ang lahat ng nangyari kanina. Gusto kong malaman kung bakit sya umiiyak dahil hindi ko manlang sya natanong.


"I understand you Zy but i also understand Marvin. Wala akong sasabihin na kahit ano dahil relasyon nyo 'yan at wala akong karapatang mag salita. But i suggest na mag usap kayo ng maayos dahil mag kakaron na kayo ng anak."


Tumango lang ako sa sinabi ni Gab at pinunasan ang luha ko. "Wag ka mag pa stress, masama sa baby yan" dagdag pa nya.

"Dito kana ba matutulog?" tanong pa nya pero umiling lang ako.


"Mag aalala sya sakin kapag hindi ako umuwi. Gusto ko rin syang kausapin ngayon" sabi ko. Nakangiti naman syang tumango at ginulo ang buhok ko.


"Tama yan, Mahal ko." nakangiting sabi nya.


Nginitian ko lang sya at nag paalam na. Hinatid naman nya ako sa labas at saktong naabutan namin don si Mhico na mukhang inaantay na ako.


"Tumawag sakin si master. He's looking for you" ani ni mhico ng maka sakay ako sa sasakyan. Hindi naman ako nag salita at itinuon nalang ang atensyon sa labas ng bintana.


Bigla namang bumagsak ang malakas na ulan na ikina ngiti ko dahil ito ang pinaka gusto ko. Ang umulan ng gabi.


Nangunot naman ang noo ko ng may makita akong lalaking nag lalakad sa ulanan na para bang wala sa sarili at nang makilala ko kung sino 'yon ay agad kong inutusan si mhico na itigil ang sasakyan.


It's Marvin.


Nag lalakad sya sa gitna ng daan at naka tulala lang na para bang napaka lalim ng iniisip.


"Stay here, Mhico" ani ko kay mhico at mabilis na binuksan ang pinto saka lumabas at patakbong nilapitan si marvin.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now