CHAPTER 9
Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bumungad sakin ang puting kisame pag kamulat mulat ko.
Asan ako?
Inilibot ko ang paningin ko at nang makita ko ang mga kung ano anong naka kabit sa kamay ko ay saka ko lang nalaman na nasa ospital ako.
Teka! Ospital? Anong ginagawa ko dito?
Mabilis ako bumangon sa pag kakahiga pero agad din akong napabalik dahil sa biglang pag sakit ng tagiliran ko.
Bumalik sa utak ko lahat ng mga nangyari kagabi. 'yong lalaking yon sinaksak nya ako at pag katapos ay umalis sya yon lang ang huli kong naaalala dahil pag katapos non ay nag dilim na ang paningin ko at hindi ko manlang alam kung sino ang nag dala sakin dito sa ospital
'yong lalaking sumaksak sakin. I know him very well mukhang ako talaga ang target nya syempre nga naman he's a killer, he killed my parents at ako na papatayin din dapat nya non ay nabuhay kaya ngayon gusto nyang ituloy ang hindi nagawa noon.
Gusto ko syang mahuli pero masyado akong mahina. Hindi ko manlang magawang lumaban sa kanya dahil masyado akong mahina, Paano ko malalaman kung bakit nya pinatay ang mga magulang ko kung ganito ako kahina at ka walang kwenta.
Sinasabi ng lahat na nakakatakot daw ako dahil napaka tapang ko pero tingin ko ay mali silang lahat dahil napaka hina kong tao at napaka walang kwenta.
Naiyukom ko nalang ang kamao dahil sa sobrang galit muli ko ring naalala ang itsura ng mga magulang nong naabutan ko silang naliligo sa mga sarili nilang dugo at tadtad ng saksak.
Habang naiisip ko ang mga 'yon ay parang gusto kong wakasan ang buhay nya gamit ang sarili kong mga kamay.
Naka pag desisyon na ako. Tatanggapin ko ang offer ni boss, mag papakasal ako sa kanya para matulungan nya ako. All i need is his last name beside my name and everything will be alright at kung kinakailangang gawin ko ang lahat ng gusto nya gagawin ko.
"Mabuti naman at gising kana"
Napabalik ako sa wisyo nang may mag salita mula sa pintuan, kahit hindi ko sya tingnan ay alam kong si boss sya dahil kilalang kilala ko na ang boses nya.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?"
tanong nya at nag lakad papalapit saakin saka umupo sa sofa na katabi nang kama na kinahihigaan ko. May dala dala syang basket ng mga prutas, ini patong nya yon sa mesa na malapit samin at saka itinuon ang atensyon sakin.
"It's him right? The one who stab you and killed your parents years ago" pahina ng pahina ang boses nya pero narinig ko padin ang mga sinabi nya. Tumango tango lang ako na ikina buntong hininga nya.
"Gusto ko syang parusan, Gusto kong malaman kung bakit nya pinatay ang mga magulang ko" madiing ani ko at seryoso syang tiningnan sa mata.
"Sabi mo tutulungan mo ako kapag pinakasalan kita totoo ba yon?" paniniguradong tanong ko sakanya hindi sya nag salita pero tumango lang sya.
"Papakasalan at gagawin ko kahit anong sabihin tulungan mo lang ulit ako. Alam kong masyado ka nang madaming naitulong sakin, but please tulungan mo ulit ako at pag katapos non wala na akong pakialam kung anong gusto mong ipagawa sakin gagawin ko basta tulungan mo lang ako."
Mahabang sabi ko habang naka tingin padin sa kanya. Umiling iling lang sya na ikina kunot ng noo ko at mas lalong nangunot ang noo ko nang hawakan nya ang kamay ko at ngumiti.
"You don't need to do anything just be my wife and i will do the rest." nakangiti paring sabi nya.
"Don't stress your self ako na ang bahala sa taong 'yon pero kung gusto mo talagang ikaw ang mag parusa sakanya i will let you basta wag mo lang ilalagay sa kapahamakan ang sarili mo." Pag kasabi nya non ay ipinatong nya ang isang kamay nya sa ulo ko at ginulo gulo ang buhok ko habang ako ay naka tulala lang sakanya dahil naninibago sa inaakto nya.
"Be my wife yon lang you don't need to do me a favor or anything. Sa oras na ikasal tayo lahat nang saakin ay magiging sa'yo na rin 20 days lang, be my fake wife for 20 days at ipapangako ko sayo na makukuha mo ang hustisya para sa mga magulang mo na ipinag kait sayo ilang taon na ang nakaraan."
Hindi ko na nagawang mag salita pa dahil sa dami at haba ng mga sinabi nya, Naramdaman ko nalang ang pag tulo ng luha ko sa pisnge ko.
Pinahid ko ang luha ko at nakangiting tiningnan ang boss ko na ngayon ay naka titig lang sakin habang naka ngiti.
"Salamat" ani ko
"The wedding is tomorrow everything is ready my parents want us to ge married as long as possible but we can reschedule the wedding if you wan–"
"No need, kaya ko naman na" pag puputol ko sa sasabihin nya.
Mas maagap mas maganda.
"Are you sure?" paninigurado ko. Tumango lang ako bilang pag sagot.
"Nagugutom kana ba?" tanong pa ulit nya.
"Hindi pa naman" sagot ko.
"Kung ganon mag pahinga kana muna ulit tawagin mo nalang ako kapag gutom kana"
Nginitian ko lamang sya at bumalik na sa pag kakahiga. Ipinikit ko na rin ang akin mga mata dahil pakiramdam ko ay sobra akong pagod kahit na wala naman akong ginagawa.
Bago ko tuluyang maipikit ang mga mata ko para matulog ay naramdaman ko ang pag lapat ng labi ni sir marvin sa noo ko.
Mag sasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil sa sobrang antok na nararamdaman ko.
Bahala na, Pag gising ko saka ko nalang iintindihin kung ano man ang ginawa nyang iyon at bakit bakit nya ginawa.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...