CHAPTER 7
Naka tulala lang ako sa kung saan habang iniisip kung paano ako napunta sa sitwasyon na 'to. Parang kailan lang sobrang saya ko dahil makaka pag resign na ako pero ngayon hindi ko na malaman ang gagawin.
Dalawang araw na ang nakalipas simula nong ipakilala akong girlfriend nya ng baliw kong boss at ngayon nandito ako sa isang sikat na bilihan ng mga wedding gowns dahil ang sabi ng mommy ni sir marvin ay kailangan daw habang maagap pa ay maka pili na ako ng isusuot sa kasal.
Kasal na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na inoohan ko. Nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa sobrang inis.
Sa loob ng dalawang araw ay wala pa namang ibang nangyayari maliban sa alam na ng lahat ng empleyado sa kompanya na ikakasal kami ng boss ko at dahil yon sa mommy ni boss na ipinag sigawan pa na magiging daughter in law na nya ako.
"Maam nakapili na po ba kayo?" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat ng biglang sumulpot sa harapan ko ang babaeng staff netong shop.
"Ha?" lutang kong tanong.
"Kung may napili kana po ba?" ulit na tanong nya. Tumango lang ako at nag turo ng kahit anong design ng gown. Ang totoo nyan hindi ko talaga alam kung alin ang pipiliin ko dahil hindi ko naman gustong ikasal ngayon.
Yes, pangarap ko namang maikasal, sinong babae ba ang ayaw ikasal? but not now.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla yong tumunog. Kinuha ko yon at agad na sinagot ang tawag nang makita kong si emoji yon one of my bestfriends.
"Girl buti naman sumagot kana. Birthday ngayon ni carren mag pahinga ka naman sa trabaho mo. Tara sa beach" mahabang bungad nya sakin sa kabilang linya, Sobrang lakas pa ng boses nya na para bang hindi ko sya maririnig.
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Mukhang kailangan ko nga ng pahinga sa trabaho masyado na kaseng nakaka stress at isa birthday ng paborito kong bestfriend.
"When? and Where?" tanong ko. Rinig ko naman ang pag tili nya sa kabilang linya na ikina iling iling ko.
"Mamaya 10am dito sa resort ko Moonlitnight resort and bring your swimsuit and extra dress overnight night us" sagot nya.
"Tatapusin ko lang mga ginagawa ko sunod ako jan" sabi ko at binabaan na sya ng tawag.
"Miss babalikan ko nalang yong gown" ani ko sa isang staff nakangiti naman syang tumango kaya umalis na ako.
Hindi ko naman na siguro kailangang mag paalam sa boss ko dahil naka leave naman ako ngayon.
Nang maka rating ako sa parking lot ay sumakay na agad ako sa kotse ko. Kotse na binili ng boss ko dahil lagi daw ako nalelate sa trabaho.
Pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa resort ni emoji. Dumaan din ako sa bilihan ng cake kanina para sa birthday ni carren ang plano ko kase talaga kanina ay puntahan sya sa bahay nila pero dahil nag set na ng outing si emoji ay dadalhin ko nalang, nag dala din ako ng mga swimsuit dahil siguradong hindi mag dadala si carren non.
Malapit lang ang resort ni emoji kaya mabilis lang akong nakarating don. Kilala na ako ng mga guard don kaya naka pasok agad ako.
Nang maka rating ako sa cottage na sinabi ni emoji ay nanlaki ang mga mata ko ng makitang kompleto ang squad namin si carren nalang ang wala. Well expected na yon dahil simula highschool pa lang lagi na syang late.
"Hi guyss" malakas na pag agaw ko sa atensyon nila.
Lahat naman sila ay napa tingin sakin at nag takbohan saka ako sinalubong ng yakap.
"So isa nalang ang kulang" sabi ni emoji ng humiwalay sa yakap.
"Ako na ang tatawag sa kanya" pag vo-volunteer ko. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si carren na agad naman nyang sinagot.
"ANO BA CARREN ASAN KANA?" sigaw ko sa kanya nang sagutin nya ang tawag. Rinig ko naman ang hagikhikan nila gab na parang tuwang tuwa sa pag sigaw ko kay carren.
"Papunta na ako nag ba-byahe na ako" sagot nya na ikina taas ng kilay ko. I'm sure naliligo palang ang babaeng yong ang OTW nya kase ay naliligo o nag bibihis palang.
"Mabuti pa mag bihis na muna tayo maya-maya pa 'yon si carren" sabi ko matapos babaan ng tawag ni carren, ang babaeng yon lagi nalang akong binabaan ng tawag pero kahit ganon mahal ko 'yon.
Isa isa nang nag sipasukan sa banyo sila gab para mag bihis nag pahuli na ako dahil namimili pa ako isusuot.
Tatlong swimsuit ang dala ko isang yellow at dalawang black, 'yong kulay black nalang ang pinili ko dahil para kay carren ang yellow i'm sure bagay sakanya yon.
Natapos ng mag bihis ang tatlo kaya sumunod na ako.
Nang matapos akong mag bihis ay sakto namang text ni carren na malapit na sya kaya nag mamadali kaming lumabas ng cottage para salubungin sya.
Nandito lang kami sa labas ng cottage nag kukwentohan, dito na namin nag pag pasyahang hintayin si carren dahil mainit kung pupunta pa kami sa labas.
Habang nag kukwentuhan kami ng tungkol sa mga buhay namin ay naka rinig kami ng mahinang tikhim kaya sabay sabay kaming lumingon sa pinanggalingan non.
Nang makita naming si carren yon ay sabay sabay kaming tumakbo at sinalubong sya ng yakap.
"Na-Miss ka namin Carren" naiiyak na sabi ni gab ng maka hiwalay kami sa pag kakayakap kay carren.
"Dalawang taon lang tayong hindi nag kita Gab Grabe ka naman" tumatawang sagot naman ni carren na ikina irap ko.
Dalawang taon lang? nilang-lang nya yon ay sobrang tagal non at miss na miss na namin sya.
"Wag mong lang- langin ang dalawang taon carren sobrang tagal kaya non. antagal ka naming hinintay" biglang singit ni emoji. Sinang ayunan naming lahat ang sinabi nya dahil totoo naman.
"Wag nyo ngang ganyanin ang baby natin" si V naman ang nag salita.
"Tara na don Carren maraming pag kain don sa cottage" ani ko at inakbayan si carren habang nag lalakad papunta sa cottage namin.
Mukhang mag eenjoy kami ngayong araw. Walang trabaho at wala ang mga boss namin na palaging abala sa mga gantong outing namin.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomantikAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...