CHAPTER 12
No nightmares. I guess hugs really can chase away nightmares. Dahil buong gabi na naka yakap lang sya sakin ay hindi ako nanaginip ng kahit ano.
Sobrang gaan at saya sa pakiramdam ang magising na hindi nanaginip ng masama pero nang makitang wala na siya sa katabi ko ay nawala lahat ng saya ko.
Mukhang maagap syang pumasok sa kompanya ngayon. Napatitig naman ako sa wedding ring namin. Parang nong isang araw lang fake na wedding ring ang suot ko habang nag papakilalang asawa nya tapos ngayon totoo na.
Napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa banyo para maligo dahil kailangan ko pang pumasok sa kompanya.
I'm still his secretary.
Matapos ang ilang oras ay nakaligo na ako at naka bihis na din kaya lumabas na ako ng kwarto at bumababa.
Napatigil lang ako nang makita ko ang asawa ko slash boss na nasa kusina at nag luluto. Akala ko ba pumasok na sya?
Mukhang naramdaman nya ang presensya ko dahil bigla syang lumingon sa direksyon ko at nginitian ako.
Naninibago tuloy ako. Bakit parang napaka bait nya ngayon?
"Akala ko pumasok kana sa trabaho" walang emosyong sabi ko at lumapit sakanya.
"Going somewhere?" tanong nya.
"Work" maiksing sagot ko na ikinatingin nya sakin.
"You're my wife now, so you don't need to work. You can stay here in the house and do what ever you want."
Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Ano namang gagawin ko dito sa bahay mo?" walang ganang tanong ko at umupo sa upuan.
"Bahay natin, faye" Pag tatama nya sa sinabi ko na ikina irap ko sa hangin.
"The deal will start today right?" tanong ko sakanya. Sandali naman syang tumingin sakin at binalik din ang atensyon sa niluluto.
"Yes, I can teach you how to fight but before that i need to tell you everything you need to know since you are now my wife." seryosong sabi nya habang inilalagay na sa pinggan ang niluto
.
"Like what?" tanong ko.
"Mafia Organization" sagot nya.
Nanlalaki naman ang mata akong tumingin sakanya na ngayon ay nag hahain na ng pag kain sa harapan ko.
"What do they do?" kinakabahang tanong ko habang umiinom ng tubig. Ewan ba basta bigla nalang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi nya.
"We kill those who needs to be kill"
Natigilan naman at ako muntik nang masamid dahil sa sinabi nya. Takte. Hindi maprocess ng utak ko ang sinasabi nya.
"Care to explain please"
"Later, Eat first" sagot nya.
Tumango lang ako at itinuon ang atensyon sa pag kain na niluto nya. Adobong manok, Fried Chicken, Fried rice at pinakbet na talagang ikina nganga ko.
Lahat kase 'yon ay paborito ko at hindi ko din alam na marunong pala sya mag luto.
Napatingin naman ako sakanya ng abutan nya ako ng pinggan na may kanin na.
"Thank You" nakangiting sabi ko at saka kumuha ng ulam. Una kong tinikman ang adobong manok at isa lang ang masasabi ko.
Masarap...
Sunod kong tinikman ang fried chicken at pinakbet at tulad ng adobo ay napaka sarap din ng mga 'yon.
"Masarap ba?" tanong nya. Nakangiti naman akong tumango at nag simula ng kumain at ganon din sya.
Nang matapos kaming kumain ay nag volunteer sya na sya na ang mag huhugas ng pinag kainan namin kaya naman pumayag na ako. Sinubukan ko pa syang pilitin na papasok ako sa trabaho pero ayaw nya dahil pupunta pa daw kami sa Head Quarters nila.
Ngayon ay nandito na kami sa tinatawag nyang Head Quarters. At ibang iba ito sa iniimagine ko. Naparaming tao dito at lahat sila ay mga seryoso ang mukha at may nga dalang baril na talagang ikina panlaki ng mata ko.
Hindi ko tuloy maiwasang mapahawak kay marvin na ngayon ay walang emosyon ang mukha. Lahat ng nakaka salubong namin ay binabati sya o di kaya ay yumuyuko bilang pag galang pero hindi manlang sila pinansin ng kasama ko.
"Uwi na tayo" mahinang sabi ko sakanya pero tinawanan nya lang ako habang umiling iling.
Tumigil lang kami sa pag lalakad nang makarating kami sa opisina nya. Well i conclude that it's his office dahil kung saan saan lang naka lagay ang papel at napaka gulo ng table.
"Ang kalat naman dito" mahinang reklamo ko pero mukhang narinig niya dahil sinamaan nya ako ng tingin at maya maya lang ay may tinawagan sa cellphone nya.
Umupo naman ako sa sofa na malapit sa table nya at tiningnan ang mga papel na naka lagay lang sa maliit na table.
"So anong gagawin natin dito?" tanong ko sa asawa ko na inaayos ang mga papel na naka kalat sa table nya.
Tumingin naman sya sakin at nginisian ako.
"Have sex maybe" ani nya na ikina panlaki ng mata ko. Kinuha mo ang unan na nasa katabi ko lang at ibinato 'yon kay Acosta.
"Tigil tigilan mo nga ako, boss" inis na sabi ko sakanya. Nakita ko namang natigilan sya habang nakatingin sakin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan.
"What?" tanong ko pero hindi naman sya nag salita para sumagot kaya nanahimik nalang ako.
Bigla namang bumukas ang pinto ng office kaya napatingin ako don. Dalawang lalaking naka black suit ang pumasok. Hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil mga walang emosyon ang mukha nila O matutuwa dahil pareho silang gwapo–mas gwapo parin boss ko–Wait what?
Gosh! Niyakap ka lang kagabi gwapo na? Tinabihan ka lang sa pag tulog gwapo na?
Napailing iling nalang ako sa mga pinag sasabi ko. Kaloka. Bumalik nalang ako sa pag babasa ng mga papel na nasa harapan ko habang pasimpleng nakikinig sa pinag uusapan ni marvin at nong dalawang bagong dating.
"Need anything master?" rinig kong tanong nong isa don pumasok.
"Starting today you will be the butler of
my wife." sagot naman ni Marvin na ikina tingin ko sa kanila.Butler? Butler ko?
Mabilis naman akong tumayo at lumapit kay marvin. "Aanhin ko ang butler?" bulong ko sakanya.
"For safety purposes. Asawa na kita ngayon kaya maraming mag tatangka sa buhay mo kaya mas magandang may nag babantay sayo" sagot nya.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang sumangayon dahil mukhang kailangan ko talaga ng protection ngayon lalo na at hindi ako tinitigilan nang hayop na lalaking 'yon.
Nakangiti akong humarap sa dalawang lalaki. "I'm Zyra Faye Castillo–Acosta" nakangiting pag papakilala ko sakanila.
"Mharco Andrado"
"Justine Henderson"
Sabay na pag papakilala nilang dalawa at sabay din na inilahad ang kamay para mag pakilala. Tatanggapin ko na sana 'yon pero bigla nalang umikot ang paningin ko then everything went black.
VICEKATE|V.K
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...