CHAPTER 24
"Ano bang nangyari?" tanong ko kay gab na nasa kabilang linya.
Nag luluto kase ako ng tanghalian namin ni Marvin ng bigla syang tumawag na para bang aligagang aligaga.
"Nawawala si carren" sabi nya sa kabilang linya na ikina kunot ng noo ko.
"Paanong nawawala? Baka naman kasama nya lang ang boss nya" ani ko.
"Hindi ko alam pareho silang hindi sumasagot sa tawag at ang huling balita ko sakanya ay nahimatay sya sa airport at dinala sa hospital pero pag dating namin don wala na sya" mahabang sabi ni gab.
"Hanapin natin sya. Pupunta ako jan sa bahay mo ngayon"
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Iba ang nararamdaman ko sa pag kawala nya.
Hindi naman basta bastang nawawala ang babaeng 'yon at kung aalis man sya ay nag sasabi yon samin dahil alam nyang mag aalala kami.
Carren sana okay ka lang dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sakanya.
Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Sana mali ang iniisip ko.
Ipinikit ko nalang ang mata ko para burahin ang iniisip ko at pumunta sa kwarto para mag bihis.
Nang matapos akong mag bihis ay agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko at pinaandar yon para pumunta sa bahay ni gab.
Wala ngayon sa banda si marvin. May business meeting sya sa Canada at si Mhico naman ay pumunta sa head quarters dahil nag ka problema daw don kaya mag isa lang talaga ako ngayon.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan ang number ni Carren pero hindi talaga sya sumasagot.
Nasaan kana ba carren?
Ilang minuto lang ay naka rating na ako sa bahay ni gab. Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa bahay ni gab na naka bukas ang pinto.
Bumungad naman saakin si gab na naka upo sa sofa habang nag cecellphone katabi naman nya si lorenzo na hinahagod ang likod nya.
Sa kabilang sofa naman ay nandon si Drake at V na mag kahawak kamay at pareho ding naka tutok sa cellphone nila.
Sa kabilang sofa naman ay nandon si eman at emoji na parehong naka tulala lang sa hangin na para bang malalim ang iniisip.
Gab and Lorenzo
V and Drake
Emoji and EmanAnd here i am alone.
Mahina akong tumikhim para kunin ang atensyon nila. Sabay sabay naman silang tumingin sakin at nag sitayuan.
"Ang dami na naming napag tanungan kanina pero wala talagang naka kita sakanya" ani ni emoji.
"Natanong nyo na ba si owen?" tanong ko sakanila at tiningnan sila lorenzo pero umiling lang din sila.
"Hindi rin sumasagot sa tawag si Owen sa mga tawag namin." ani ni drake.
Sabay sabay naman kaming napatingin sa pintuan ng may lalaking pumasok don. Hingal na hingal sya na para bang hinabol sya ng tigre sa daan.
"Sino ka?" tanong ko sakanya.
Ipinakita naman nya ang I.D nya ata agad ko syang nakilala.
"Tyron? Carren's boybestfriend?" tanong ko. Tumango naman sya kaya agad ko syang nilapitan at pinaupo sa sofa dahil mukhang pagod na pagod sya.
"Si carren, Tingin ko ay pinuntahan nya ang taong pumatay sa mga magulang nya at ngayon ay nawawala na sya. May hinila akong kinidnap sya ng taong yon." hinihingal paring sabi na ikina gulat naming lahat na nandito.
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng napaka lamig na tubig sa ulo dahil sa mga narinig ko. Alam kong matagal nya ng hinahanap ang pumatay sa mga magulang ko dahil mag katulad lang kami.
Pero tangina napaka delikado ng ginawa nya. "We tried tracing her phone pero wala talaga kaming mahanap" dagdag pa ni tyron.
May biglang pumasok naman sa utak ko na paraan para mahanap si carren. Nag mamadali akong lumabas ng bahay ni gab at sumakay sa kotse ko.
Narinig ko pang tinatawag ako nila gab pero hindi ko sila nilingon at pinaandar na ang sasakyan papunta sa bahay ko kung nasaan sila andy.
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong pumunta sa underground non para mapuntahan si andy.
"Zy, do you need anything?" tanong ni andy na bumungad sakin.
"I need to find Carren Angeles kanina pa sya nawawala at may hinala kaming nakidnap sya" nanginginig na sabi ko.
Hindi naman sya nag salita pero tumango lang sya at nag lakad kaya sinundan ko na sya.
Walang imik syang umupo sa upuan at nag simulang mag tipa ng kung ano ano sa keyboard.
"Everyone start looking for Carren Angeles We need to know where she is" malakas na sabi ni andy sa mga kasamahan.
Nanatili lang akong naka upo sa katabi ni andy habang pinapanood ang mga video na naka play sa malaking screen.
Nangunot naman ang noo ko ng makita ko mula sa cctv footages na nasa labas ng bahay ko sila Gab.
"Should we open the elevator?" tanong ni andy. Tumango naman sya at may pinindot na green na button sa remote at nakita ko sa screena ang gulat na gulat na mga kaibigan ko habang naka sakay sa elevator.
At nang maka labas sila sa elevator ay agad ko silang tinawag kaya nag puntahan sila sa kung nasaan kami.
"This place is cool" manghang sabi nila Gab na ikina iling iling ko.
"We already found her"
Sabay sabay kaming nag silapitan kay andy dahil sa sinabi nya. Lahat kami ay tumingin sa malaking screen at pinanood ang video ng pag labas ni carren sa hospital at ang kasunod na clip ay ang pag pasok ni carren sa loob ng isang bahay. Makikita din sa video ang pag pasok ni Owen sa loob nong bahay makalipas ang ilang minuto nong pumasok si Carren.
Mukhang sinundan nya talaga ang kaibigan ko. Ang kasunod naman na clip ay ang nag palaki ng mga mata ko sa gulat.
Buhat buhat ng isang babaeng naka cap and mask si carren na walang malay at inipasok sa loob ng kulay itim na van. Ganon din ang ginawa kay owen.
Don na tumingil ang video.
Naramdaman ko nalang na parang nag iinit ang buong katawan ko parang gusto ko ng manakit o pumatay ng tao.
Nanginginig na ang buong katawan at nanghihina nadin ako pero bago pa ako bumagsak ay may bisig ng sumalo saakin at niyakap ako. Itutulak ko na sana ang taong 'yon pero naamoy ko ang pamilyar na pabango nya.
"Mahal, Si Carren kinidnap sya at hindi ko na alam ang gagawin. Tulungan mo kami please" umiiyak kong sabi sakanya habang yakap yakap sya.
"I will help you find her but please don't cry, baby baka kung mapaano ang anak natin sa tiyan mo" punong puno ng pag aalala ang boses nya kaya napatigil ako sa pag iyak at humiwalay sa pag kakayakap nya.
Mag sasalita na sana ako pero biglang may tumunog na cellphone. Sabay sabay naman kaming tumingin kay Gab dahil cellphone nya ang tumunog.
Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nya habang naka tingin sa cellphone nya. Iniharap nya samin ang cellphone nya at tulad ng reaksyon ni Gab ay nagulat din kami.
It's a video call from owen.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...