CHAPTER 15

267 5 0
                                    

CHAPTER 15



"Are you okay?"

Rinig kong tanong ni marvin pero nanatili lang akong tahimik habang naka tingin sa labas ng bintana.


Nandito na kami ngayon sa bahay nya. Hindi ko alam kung paano ako nakarating dito dahil sa sobrang gulat sa mga nasaksihan ko kanina.


Naramdaman ko namang may humawak sa nanlalamig at nanginginig kong kamay. Nag angat naman ako ng tingin at nakita ang nag aalalang mukha ni Marvin.


He looks scared and worried.

"I'm sorry" mahinang sabi nya na ikina titig ko sa kanya. Muli nanamang bumalik sa isipan ko ang mga dugong nag kalat kanina at ipinapaalala saakin non ang nangyari sa mga magulang ko.


"Teach me how to use guns" wala sa wisyong sabi ko na halata namang ikinagulat nya dahil sa panlalaki ng mata nya.

"No way!" malakas na sabi nang maka bawi sa gulat. Binitawan nya ang kamay ko at marahang hinaplos ang pisngi ko at muli yong hinawakan ang dalawang kamay ko.


"I will not let you hold a gun. Hindi ako papayag na malagyan ng dugo ang magaganda mong kamay" pahina ng pahina ang boses nya habang sinasabi ang mga salitang yon at nagulat pa ako ng bigla nyang halikan ang kamay ko.


"I will do the work. Ako na ang gagawa ng paraan para mahuli ang hayop na'yon. At kapag napatunayan na natin sya ang pumatay sa mga magulang mo sisiguraduhin kong mag babayad sya sa lahat ng ginawa nya sayo. Pero ngayon mas magandang mag pahinga ka nalang muna."


Mahabang sabi nya na ikina tahimik ko. Hindi ako nag salita ng kahit ano at naka titig lang sakanya.


Hindi ko malaman kung anong nangyayari saakin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang nakiki pag karera 'yon. At nakaka ramdam lang ako ng ganon kapag kasama ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon.


"You're pregnant. Take care of yourself. Ayaw kong may mangyaring masama sayo at sa anak mo" dagdag pa nya at tumimgin sa tiyan ko.


"It's also your child, Marvin. Alam ko namang ayaw mo sa bata pero sana naman wag mo munang ipamukha saakin na pag kakamali lang ang nangyari at ayaw mo sa anak–"



"SINO BA NAMAN KASE ANG NAG SABING AYAW KO SA ANAK NATIN?"


Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol nya yon sa malakas na pag sigaw na muntikan ko ng ikatalon dahil sa gulat. 


"What did you say?" gulat na tanong ko sakanya. Sinalubong naman nya ang tingin ko at pag katapos ay bigla akong niyakap na muli kong ikina gulat.



Mukhang masyado na akong magugulatin ngayon.



"Alam kong lasing din ako nong may nangyari sa'tin but trust me, Faye. Alam ko ang ginagawa ko nang gabi 'yon. Hindi ko tatakasan ang responsibilidad ko bilang ama ng dinadala mo at sana wag mo ring ipag kait saakin na maging ama ng anak ko"



Sampung taon ko na syang kilala at alam ko na kung nag sisinungaling ba sya o hindi pero ngayong kaharap ko sya ay hindi ko makitang nag sisinungaling sya.


He is telling the truth pero bakit ang hirap maniwala?


"I will take all the responsibility for the both of you. You are now my wife. Can we stay that way? You're my wife and I'm your husband. You're the mother of my child and I'm the father. Can we live like that?" Sabi pa nya. And this time na tulala na talaga ako dahil sa mga sinabi nya.



Hindi magawang iproseso ng utak ko ang mga sinabi nya. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napatawa nalang ako ng mahina.


"You can be the father of my child but I cannot be your wife. Alam ko namang ang babae padin na 'yon ang gusto mong pakasalan at maging asawa" walang ganang sabi ko at humiga nalang sa kama.


"But you're my wife now and I have no plans on divorcing you" malamig na sabi nya pero hindi ko yon pinansin at nag panggap nalang na natutulog.


"Hindi ako papayag na ang kakalakihang magulang ng anak ko ay hindi kasal. Kaya naman kung nag babalak kang makipag divorce ay wag mo ng gawin because i will not let you." dagdag pa nya na talagang nakakuha ng inis ko kaya mabilis akong bumangon at inis syang hinarap.


"We have a deal. I agreed to marry you because i need your help to catch that jerk and at pumayag ka rin naman na ikasal tayo dahil ayaw mong ipa arranged marriage ka ng magulang mo. We made a deal, Sir Marvin" malamig na ani ko. Walang emosyon naman syang tumingin saakin kaya sinalubong ko ang mga tingin nya.

Ilang segundo kaming nag titigan hanggang sya ang unang nag iwas ng tingin at tumayo. Akala ko ay aalis na sya pero nagulat nalang ako bigla nyang suntukin ang pader.


Mabilis naman akong tumayo at nilapitan sya para pigilan sa ginagawang pag suntok sa pader.


"FUCK THAT DEAL!" malakas na sabi nya habang sinusuntok padin ang pader.


Akmang susuntukin pa sana nya ang pader pero agad akong humarang at hinawakan ang kamay nyang ngayon ay nag durugo na.

"Calm down" mahinanong ani ko sa kanya. Dahan dahan naman syang tumago at nagulat nalang ako ng bigla syang mapa luhod.


Agad naman akong lumuhod para mapantayan sya. Umiiyak sya. Umiiyak sa harapan ko at hindi ko kayang makita 'yon dahil sobrang sakit at bigat sa pakiramdam.



Binitawan ko ang kamay nya at hiwakan ang mag kabilang pisnge nya para punasan ang luha nya.


"Wag ka nang umiyak. Papayag na ako sa kahit anong gusto mo basta wag ka lang umiyak. Ayaw ko lang naman na makulong ka saakin dahil hindi mo naman ako mahal"


Mahinang ani ko habang pinupunasan parin ang luha nya. Tumingin naman sya sa mga mata ko pero agad din akong nag iwas dahil sigurado akong sa oras na mag tagpo ang mga mata namin ay hindi ko na mapipigilan ang pag tulo ng luha sa mga mata ko.


"Mahal kita matagal na"


Apat na salitang kahit kailan ay hindi ko naisip na masasabi ko sakanya.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now