CHAPTER 13

221 5 0
                                    

CHAPTER 13

Dahan dahan akong napamulat nang maramdaman ko ang pag tama ng sikat ng araw na tumatama sa mata ko.

Puting kisame at pamilyar na amoy ng paligid ang bumungad saakin.

Hospital...

Agad naman akong bumangon at hinilot ang ulo ko nang sumakit yon. Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina. Nawalan ako ng malay at mayroong bumuhat sakin.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas yon at pumasok si marvin na may kasamang doctor. Nang mag tagpu naman ang mata naming dalawa ni marvin ay agad syang lumapit sakin.

"Ayos kana ba?" tanong nya. Tumango naman ako.

"May sakit ba ako?" tanong ko sa doctor. Nakangiti naman syang umiling at nag salita.

"Congratulations Mr. and Mrs. Acosta" nangiting sabi ng doctor na ikina kunot ng noo ko. Pati si marvin ay parang naguguluhan sa sinabi ng doctor.

"You're 4 weeks pregnant" nakangiting sabi pa ng doctor na talagang ikina nganga ko sa gulat pati si marvin ay nakatulala lang kay doc dahil siguro sa gulat.

As in tangina!

"Joker ka doc? Pano ako mabubuntis e hindi naman ako nakikipag sex kahit kanin–" hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil sumakit nanaman ang ulo ko maya napa hawak ako don.

"Okay ka lang ba, Faye?" rinig kong tanong ni marvin at akmang hahawakan ang kamay ko na nasa ulo ko pero agad ko syang itinulak palayo sakin.

"Tangina" mahinang mura dahil mas lalong kumikirot ang ulo ko at napaka sakit non.

Then a memory flashed in mind.

"Party tayo" malakas na hiyaw ko habang sumasayaw sabay sa malakas na tugtog na nag mumula sa malaking speaker.

Nandito ako ngayon sa bar dahil inimbita ako ng mga dati kong kaklase na makipag party sakanila.

Nararamdaman kong umiikot na ang paningin ko pero tuloy lang ako sa pag inom ng alak at pag sayaw sa dance floor.

"Faye, let's go" kahit lasing na ako ay alam kong boses yon ng boss ko at nandito sya sa harapan ko.

"Boss, party tayo" pang aaya ko sakanya pero umiling lang sya.  hinawakan nya ako sa kamay at hinila palabas ng bar na ikina simangot ko.

Ngayon nga lang ako nag karon ng chance mag saya tapos pipigilan pa nya ako ako.

"Bad ka"

"Na party pa ko"

"Di tayo bati"

Sunod sunod na sabi ko sakanya pero tinawanan lang ako ng luko at inalalayan ako sa pag pasok sa kotse nya.

Nang maka pasok kami sa kotse ay sya ang nag suot sakin ng seatbelt at dahil don napaka lapit nalang ng mukha nya sa mukha ko.

Hindi ko alam kung gawa lang ba 'to ng alak pero parang gusto ko syang halikan at yon ang ginawa ko.

Hindi pa nya naiilagay ang seatbelt sakin kaya malaya ko syang nalapitan at hinalikan ss labi na ikina gulat nya.

Akala ko ay itutulak nya ako o pipigilan pero mali ako dahil mas lalo nyang pinailalim ang simulan kong halik.

Napahawak nalang ako sa batok nya nang mas naging mapusok ang pag hahalikan naming dalawa.

Naramdaman ko namang isa isa na nyang hinubad ang damit ko nang hindi padin pinuputol ang pag hahalikan namin.

Napanganga nalang ako nang maalala ang mga nangyari last month. Tangina! Hindi naman ako tanga para hindi malamang walang nangyari saming dalawa pero ang nakaka tangina ay bakit ko nagawang kalimutan ang bagay na'yon.

Siguro gawa nadin yon ng alak dahil napaka rami kong nainom ng gabing yon. Tangina!

Kaya pala sobrang sakit ng katawan ko kinabukasan nong gabing yon at halos isang araw din akong hindi makabangon dahil sa sobrang sakit ng nasa pagitan ng hita ko at hindi ko manlang narealize non na posibleng may nangyari.

Kaya rin siguro panay ang tanong sakin ni Marvin kung may naaalala daw ba ako. Hindi ko sya magets non pero ngayon alam ko na. Takte.

Gosh!

Ang bobo ko tangina!

Ano ng gagawin ko?

Teka.. Bakit naman ako nag iisip kung anong gagawin ko e kung ang ama ng dinadala ko ay asawa ko na ngayon?

Napatingin naman ako kay marvin na ngayon ay naka tulala padin. Nag paalam naman na si doc kaya kaming dalawa nalang ang nandito.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang first love nya na alam kong hanggang ngayon ay hinihintay nyang bumalik.

Sandali..

Kaya ba ganyan ang reaksyon nya?

Kung alam nyang sya ang ama ng dinadala ko siguradong aayawan nya ang batang nasa sinapupunan ko dahil may babae syang hinihintay at binabalak pakasalan.

Hindi ko alam pero naka ramdam ako ng kirot sa puso ko pero hindi ko nalang pinansin yon at hinimas ang tiyan ko.

Mukhang kailangan ko nang tanggapin ang katotohanang hindi nya pananagutan ang batang 'to. For sure sa utak nya ay one night stand lang ang nangyari samin tulad ng sa mga naging babae nya.

"I will keep the baby. After 20 days at natapos na ang deal natin ay ipapaayos ko na agad ang divorce natin at hindi na ako mag papakita sa'yo. Don't worry about the baby, kaya ko naman syang palakihin alam ko namang ayaw mo sakanya dahil hinihintay mo ang pag dating ng babaeng 'yon at sakanya mo balak bumuo ng pamilya diba." mahabang sabi ko sakanya.

Kunot noo naman syang tumingin sakin na para bang hindi maka paniwala sa mga sinabi ko. Akmang mag sasalita pa sana sya pero inunahan ko na sya.

"Just let me keep the baby habang ginagawa natin ang deal. I heard from your mother na babalik na sila sa ibang bansa sa isang linggo at sigurado din naman ako na bago pa matapos ang 20 days ay mahuhuli ko na ang hayop na lalaking 'yon at mapapatunayan ko rin na sya ang pumatay sa mga magulang ko. Then after that tapos na ang deal natin" dagdag ko pa.

"Ano bang pinagsasabi mo?" may bahid ng inis at galit ang boses nya na ikina buntong hininga ko.

"You don't want the baby right" ani ko at mahinang tumawa.

Bakit nga ba naman nya gugustohin ang anak namin diba? In love sya sa ibang babaeng at alam kong sa babaeng yon nya gustong bumuo ng pamilya at hindi saakin.

Hindi ko na hinintay na mag salita pa sya dahil bumaba na ako sa kama at kinuha ang bag ko sa lamesa saka walang imik na lumabas.


VICEKATE|V.K

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now