CHAPTER 8
Naka tulala lang ako sa campfire na nasa harapan ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko at hindi ako mapakali dahil katabi ko lang naman ngayon ang boss kong walang hiya.
Nakabilog kami ngayon sa dalampasigan habang naka bilog. Ako ang mga kaibigan ko ang mga boss namin na bigla bigla nalang nag si sulputan mula sa kung saan.
Nag lalaro ngayon ng truth or dare ang mga kasama ko pero hindi ko magawang mag fucos sa laro nila dahil sa sinabi sakin kaganina ng boss ko.
"Marry me to keep your self safe from that jerk and i will marry you to keep my self safe from marrying someone i don't even know It's a win win situation. You just need my last name beside your name and you will be powerful enough to do everything you want to that guy."
Iyon ang mga sinabi nya na talagang nag pa gulo sa utak ko. Yes, ayaw kong mag pakasal sa kanya dahil bukod sa hindi ko naman sya mahal. Wala pa akong balak mag pa tali pero dahil sa mga sinabi nya nag dadalawang isip ako.
What he said is true. Ang kailangan ko lang naman talaga para maging makapangyarihan at para maparusan ang taong yon ay ang pag lalagay ng apelyido ng boss ko katabi ng pangalan ko.
Kahit anong gawin ko alam kung walang mangyayari dahil hindi ako maka pangyarihan, walang maniniwala sakin dahil isa lang akong simpleng babae na secretary ng isang Marvin Acosta
Pero kung magiging asawa ko sya magiging Mrs. Acosta ako ay mag kakaroon na ako ng kapangyarihan na mapa bagsak ang taong yon at mapapaniwalaan na ako ng ibang tao lalo na ng mga pulis dahil isa na akong Acosta.
Ang mga Acosta ay pamilyang tinitingala ng lahat ng tao dahil isa sila sa pinaka makapangyarihang pamilya sa buong mundo. Sila ang pumapangalawa sa mga Villamerious na pinaka makapangyarihan sa buong mundo.
Hanggang ngayon ay hindi ko padin alam kung ano pang trabahong meron ang mga Acosta pero isa lang ang alam ko may iba pa silang pinag kakaabalahan maliban sa pag nenegosyo.
Kaya naman kung magiging isa akong Acosta ay magagawa ko lahat ng gusto ko sigurado yon.
Pero ang pag papakasal ay hindi biro. Hindi ko naman mahal ang boss ko para pakasalan ko sya pero sinabi din naman nya sakin na mag papanggap lang kaming mag asawa sa loob ng 20 days pero totoo kaming ikakasal.
"Bakla ka ba?"
Lahat ng mga iniisip ko ay biglang nag laho dahil sa narinig ko. Inilibot ko ang tingin ko para hanapin kung sino ang nag salita at nang malaman kong si gab yon napatawa ako ng wala sa oras.
Ang isang Lorenzo Necio bakla?
I think my bestfriend is out of her mind. Sino namang matino ang sasabihing bakla si lorenzo ay sya yata ang pinaka lalaking kumilos at mag salita sa kanilang mag kakaibigan.
Pitong taon ko nang kilala ang mga boss ng mga kaibigan ko dahil halos araw araw sila sa opisina ng boss ko kaya naman kilala ko na silang lahat pati kwento ng buhay nila alam ko na dahil masyado sila madadaldal.
"What the fvck? Who the hell told that i'm a gay? Ofcourse i'm a man infact i can impregnate you" nakangising sabi ni lorenzo na muling ikinatawa naming lahat maliban kay gab na ngayon ay namumula na ang buong mukha.
Napailing iling nalang ako dahil sa kanilang dalawa. Kunwari nalang ay walang akong alam tungkol sa namamagitan sa kanila. Total mukhang gusto naman nila parehong isekreto yon dahil pati sa isa't isa ay gusto nilang isekreto.
"Nako tigilan nyo na yan paikotin mo na yong bote gab" pag singit ko sa pag tititigan nilang dalawa. sinunod naman ni gab ang sinabi ko at pinaikot na ang bote.
Tumapat ang bote kay Drake at V na ikina tahimik ng lahat. Seriously, pinag lalaruan ba kami nong bote? Alam naman naming lahat na hindi maayos si Drave at V.
"Maam Truth or Dare?" tanong ni drake kay V na ngayon ay kinakabahan dahil sa pag kagat nya sa sariling labi.
"Truth" sagot naman ni V
"Bakit mo kami tinutulungan diba tinanggal mo na ako sa trabaho?" Mukha namang nagulat si V sa tanong ni drake pero nagawa padin nyang ngumiti.
"Nakokonsensya ako dahil sa mga sinabi ko sayo non" tumango tango lang si drake sa naging sagot ni V at muli nang pinaikot ang bote.
Napairap ako sa hangin dahil tumapat ang bote sa boss ko at ang masama pa sya ang mag tatanong sakin.
"Truth or Dare?" tanong nya.
"Dare" mabilis na sagot ko dahil baka pag nag truth ako kung ano pang itanong nya.
Ngumisi naman sya na parang may masamang binabalak na ikina kunot ng noo ko.
"I Dare you to accept my offer, pretend to be my wife for just 20 days"
Napanganga ako dahil sa sinabi ni boss.
Crap! bakit ba hindi ko naisip na pwede nyang sabihin yon?
Inis ko syang tiningnan dahil sa sinabi nya. Gago ba sya? Sa harap pa talaga ng mga kaibigan namin
"Hoy gago ka baw–" hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pag lapit ng kanyang mukha saakin at sa isang iglap lang ay mag kalapat na ang labi naming dalawa na ikina panlaki ng mata ko.
"Hoy! Hoy may bata dito tigilan nyo yan" napabalik ako sa katinuan nang marinig ang sinabi ni carren tiningnan ko si emoji na ngayon ay tinatakpan ang kanyang mata.
Muli kong ibinalik kay marvin ang tingin ko at tiningnan sya ng sobrang sama.
"Gago ka mapapatay kitang marvin ka" galit na sigaw ko sakanya pero tinawanan lang ako ng gago kaya nag tawanan din ang mga kasama namin.
"Mag si tahimik nga kayo"
Tiningnan ko silang lahat isa ng masama kaya natigil sila maliban nalang sa boss ko na may sira ata ang utak dahil nag tatawa padin.
Inis kung ginulo ang buhok ko at itinuon nalang ang buong atensyon sa dagat, Samantalang ituloy naman nila ang pag lalaro ng truth or dare.
"Zyra let's go ihahatid na kita" napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko dahil sa sinabi nya. Inilibot ko ang paningin ko para tingnan ang mga kaibigan ko, lahat sila ay nag aayos na para maka alis maliban kay carren at owen na pareho lang naka titig sa langit.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba ang lumipas dahil naka tulala lang naman ako kanina pa simula nong nakawan ako ng halik ng lalaking kaharap ko ngayon.
"Carren uuwi na ako. Take care and Goodnight" pag papaalam ko kay carren pero mukhang malalim talaga ang iniisip nya dahil parang hindi nya narinig ang mga sinabi ko.
Pinabayaan ko nalang sya at sumunod na sa boss ko na napaka bilis mag lakad. May tiwala naman ako kay owen siguradong babantayan nya ang kaibigan ko.
Inis kong tiningnan ang lalaking nauuna unang mag lakad sakin na kala mo ay walang ginawang kasalan saakin.
"Stay there, Kukunin ko lang ang kotse ko" ani nya nang maka rating kami sa gate ng resort. Tinanguan ko lang sya at sumandal sa puno na malapit sa gate upang don sya hintayin.
Bigla akong nanginig sa kinatatayuan ko dahil sa malamig na bagay na naka tutok sa leeg ko. Dahan dahan kong tiningnan kung ano yon at halos himatayin ako dahil isa yong kutsilyo na alam kong sobrang talas.
"S-Sino ka?" utal kong tanong sa taong nag tutok sakin non. Hindi ko makita ang kanyang itsura dahil nasa likod ko sya.
"Nakalimutan mo na agad ako?"
Napako ako sa kinatatayuan ko nang makilala ko ang boses nya.
"Kung ganon ipapaalala ko sayo kung sino ako" kasabay ng pag sabi nya non ay ang pag baon ng kutsilyo sa tagiliran ko.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...