CHAPTER 31

192 5 0
                                    

CHAPTER 31

Bakit pa nga ba ako nagulat? May anak silang dalawa at umabot sila ng 8 years at muntik pang ikasal. Imposibleng wala na silang nararamdaman para sa isa't isa.

Bakit nga ba ako umasa? Mas mabuti pa sigurong pabayaan ko nalang sila dahil mukhang magiging masaya naman sila.

At magiging kontrabida lang ako. Lalo sa buhay ng anak nila. Ayaw ko namang maging dahilan kung bakit hindi mabubuo ang pamilya nya.

Siguro mas makaka buti kong mag pafile ako ng divorce para maka laya na saakin si marvin dahil wala naman ng dahilan para manatili pa sya sakin dahil wala na ang anak namin.

"Ty, Can you help me file a divorce?" tanong ko kay tyron na abala sa pag cecellphone.

Nandito na ulit kami ss bahay nya dahil ang sabi nya ay hindi na nya ako ibabalik sa bahay ni marvin dahil gago naman daw pala ang asawa ko–na hindi sinangayunan.

"Kung nag paplano kang makipag divorce sakanya dahil lang sa nakita mo hindi kita tutulungan. At kung ang rason mo naman ay para maging masaya silang pamila mas lalong hindi kita tutulungan." mahabang sabi nya at inibaba ang cellphone saka tumingin sakin.

"Do you love him?" tanong nya at walang pag dadalawang isip naman akong tumango. At nagulat nalang ako ng bigla nya akong batukan.

"Tanga ka? Mahal mo naman pala tapos hahayaan mo lang may katabing ibang babae sa kama? Mukhang mali ang inikukwento sakin ni Carren tungkol sayo na napaka amazona at sama daw ng ugali mo. I remember her saying Zyra is not kind. She always fights for what's right at hindi sya pumapayag na may umaagaw ng sakanya."

Nakangising sabi nya. Para naman akong natauhan dahil sa mga sinabi nya. Biglang nag karoon ng lakas ang katawan kong kanina pa nanghihina. Ang mga luha ko ay tumigil na rin sa pag tulo.

Bakit nga ba ako pumayag na maging ganto kahina? Bakit nga ba ako pumayag na agawin ang saakin?

"Ty, Can i borrow your car?" tanong ko kay tyron. Tumango naman sya at nakangiting inihagis saakin ang susi ng kotse na agad ko namang sinalo.

Akmang lalabas na ako ng bahay nya ng tawagin nya ako kaya napatigil ako at tiningnan sya.

"May I know your full name and your parents name?" out of nowhere na tanong nya na ikina kunot ng noo ko pero agad ko rin namang sinagot.

"Zyra Faye Castillo is my name and my parents are Carmen Castillo and Lance Castillo" sagot ko.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nya. Nagulat nalang ako ng bigla nalang syang naupo sa sahig na para bang hinang hina.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sakanya at inalalayan sya paupo sa sofa.

"I'm fine. Puntahan mo na ang asawa mo" ani nya ng naka upo sa sofa.

Nag dadalawang isip pa akong iwan sya pero sinabi naman nyang maayos na sya kaya umalis na ako at sumakay sa kotse nya saka pinaandar yon papunta sa bahay namin.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang tumunog 'yon. Nakunot nalang ang noo ko dahil may nag send saakin ng picture.

At nang buksan ko yon ay agad kong naitigil ang sasakyan. Parang may sumaksak nanaman sa puso ko habang tinitingnan ang mga larawan.

Picture iyon ng dalawang taong nag hahalikan at pareho kong kitang kitang ang mga mukha nila.

It's Marvin and Irish

Lahat ng pag asa na nabuo sa puso ko kanina ay unti unting natupok. Pakiramdam ko ay nasu suffocate na ako sa loob ng kotse kaya mabilis akong lumabas don At nang maka labas ako ay hinihingal akong napaupo sa gilid ng kalsada.

Nanghihina na ako dahil sa halo halong nararamdaman ko pero nagawa ko paring tumayo at mag lakad ng hindi alam kung saan papunta.

Unti unti naring bumagsak ang luha sa dalawang mata ko at pinabayaan ko lang 'yon dahil wala rin naman akong magagawa para mapigilan ang luha mo.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong walang tigil na nag lalakad at napatigil lang ako ng may van na itim ang tumigil sa harapan ko at sa isang iglap lang ay napa palibutan na ako ng napaka raming lalaking naka maskara at lahat sila naka tutok saakin ang baril.

Napansin ko rin ang tatto sa kamay nong iba na kulay itim na ahas.

Hindi bago saakin ang palibutan ng mga lalaking may hawak na baril at hindi narin ako magugulat kong may hahawak sakin at tatakpan ang bibig at ilong ko ng panyo na may pampatulog.

At tama nga ako dahil may isang lalaking naka maskara ng papalapit saakin na may dalang panyo.

"Wait, Kuya" pag pigil ko sakanya ng lalapit na sana sya sakin.

"Sasama nalang ako sainyo wag nyo na akong patulugin dahil sumasakit na talaga ang ulo ko at ang puso ko." walang emosyong sabi ko at wang ganang pumasok sa van na sinakyan nila.

Mukhang nagulat naman sila sa ginawa ko pero agad din silang nag pasukan sa Van at may dalawang tumabi saakin.

Ang isa sakanila ay hawak na tali at alam ko na ang gagawin nila don kaya nag salita na agad ako. "Hindi nyo na ako kailangang itali dahil hindi naman ako papalag" wala paring emosyong ani ko.

Tumango naman ang lalaki at itinago na ang tali. Ako naman ay tahimik lang na naka tulala sa sa unahan at bumalik nanaman sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Isa isa namang lumabas sa mata ko ang mga luha ko at hindi ko na napigilan ang mapa hagulhol dahil sa sakit na nararamdaman ko. 

Nakita ko namang napatingin saakin ang mga lalaking kumidnap saakin. "Hoy anong ginawa nyo jan?" rinig kong tanong nong isa sa kanila.

"Tanga, hindi ko naman inaano yan" sagot naman nong isa.

Natigilan naman ako ng biglang tumigil ang van ay may pumasok don na nga lalaking naka maskarang itim din.

"Kami na raw ang mag dadala sakanya. May iba raw ba iuutos sainyo ang boss" sabi nong isang lalaki at ipinakita ang tatto nya sa mga kasama kong nasa loob ng van.

Agad namang nag babaan ng van ang mga kasama ko sa loob at pumalit sakanila ang mga bagong dating.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now