CHAPTER 10

346 6 2
                                    

CHAPTER 10

Pag kagising gising ko kinabukasan ay inayos ko kaagad ang sarili ko para makalabas na ako sa hospital dahil tulad ng usapan namin ng boss ko ngayong araw kami ikakasal.

Nandito ako ngayon sa bahay ng boss ko sa loob ng kwarto nya. Inaayusan ako ng tatlong make up artist at dalawang tao naman ang nga aayos sa buhok ko samantalang may mga tao ding nag aayos sa wedding gown na isusuot ko.

Napatingin ako sa orasan. 8:45am na ang kasal ay 9:00am kaya may ilang minuto nalang sakto naman dahil matatapos na ang mga nag aayos saakin isusuot ko nalang ang wedding gown at pupunta sa simbahan.

"You look so beautiful maam now it's time to wear your beautiful wedding gown" nakangiting ani ng isa sa make up artist ko nginitian ko lang sya at kinuha ang gown para isuot yon pero bago ko isuot yon ay tiningnan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin na nasa harapan ko..

This is it zyra...

Ikakasal kana ilang minuto nalang ay magiging mrs. acosta kana.

Napailing iling nalang ako at nag simulang isuot ang wedding gown ko. Simpleng gown lang yon pero sinong mag aakala na milyon milyon ang halaga.

The gown is worth 100million  and the heels is 15million at ang nga alahas na pinasuot sakin ng mga magulang ni sir ay siguradong milyon din ang halaga.

Lahat ng suot ko mula ulo hanggang paa ay mamahalin but this is not the wedding i want.

Ang kasal na gusto ko ay simple lang yong hindi ako mag iisip ng masyado dahil sobrang mahal ng mga suot ko at higit sa lahat ang gusto kong kasal ay yong kasal na ikakasal ako ay sa taong mahal ko.

Pero wala akong magagawa naka pag desisyon na ako at kailangan ko iyong panindigan dahil para rin naman ito sa ikakabuti ko.

Kailangan ko lang mahanap ang lalaking yon na pumatay sa mga magulang at kailangan lang makuha ng boss ko ang mana nya at pag katapos non mag didivorse na kaming dalawa.

Gagamitin namin ang isa't isa para sa mga sarili naming kagustohan dahil yon lang naman ang tanging paraan.

"Maam tara na po, nag hihintay na po sila sa simbahan" napabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi ng driver ni boss.

Tumango lang ako at nag lakad na papunta sa sasakyan. Hindi naman ako nahirapaang sumakay sa kotse dahil may mga naka alalay sakin.

Mag papakasal ako sa taong matagal ko ng kasama. Mag papakasal ako sa lalaking nakaka alam ng lahat ng sekreto ko pero ang nakakatawa sobrang tagal na naming mag kakilala pero hindi ko manlang sya nagustohan kahit minsan.

Siguro dahil babaero sya at siguro dahil alam ko din sa sarili ko na hindi ko sya pwedeng mahalin o magustohan dahil naka tali padin ang puso at kaluluwa nya sa isang babaeng dahilan ng lahat ng pag hihirap nya.

Habang umaandar ang kotse ay naka tingin lang ako sa labas ng bintana para tingnan ang magandang tanawin.

Sigurado pag nalaman ng mga kaibigan ko na ikakasal na ako at hindi ko sila inimbita at magagalit sila sakin pero hindi ko muna iisipin ang galit nila. Hindi ko sila inimbita dahil alam kong magagalit sila sa naging desisyon ko at isa pa alam kong abala sila sa pag aasikaso sa kasal ni almera at steven na kaibigan ni carren.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng tumigil ang kotse na sinasakyan ko sa harap ng simbahan siguro dahil sa kaba.

Ilang minuto nalang ay kasal na ako kaya hindi ko maiwasang kabahan ng sobra.

Bumukas ang malaking pintuan ng simbahan at bumungad sakin ang napaka raming tao at lahat sila ay saakin nakatingin pero ang mga mata ko at naka fucos lang sa iisang tao na nasa pinaka dulo.

Naka suot sya ng napaka gandang suit na bagay na bagay sakanya naka ngiti din sya ng sobra na para bang inlove inlove sya saakin kahit na alam kong hindi naman talaga.

Pinilit kong ngumiti ng salubungin ako ng parents ni sir marvin dahil sila ang mag hahatid saakin sa altar papunta sa anak nila.

"Napaka ganda mo iha sana ay maging masaya kayo ng anak ko" nakangiting ani ni mrs. acosta habang nag papahid ng luha sa mata.

"Alagaan nyo ang isa't isa" si mr. acosta naman ang nag salita tumango tango lang ako habang nakangiti dahil sa sinabi nila.

Medyo nakokonsensya ako dahil ang alam nila ay mahal namin ng anak nila ang isa't isa kahit na hindi naman. Magagalit kaya sila pag nalaman nilang mag papakasal lang kami ng anak nila dahil may kailangan kami sa isa't isa hindi dahil mahal namin ang isa't isa.

Ilang hakbang nalang ay malapit na kaming makarating kay sir marvin na ngayon ay sobrang lawak ng ngiti.

Ngayon ko lang din narealize na tumutugtog pala ang paborito kong kanta na 'A Thousand years'

Hindi ko mapigilang matuwa at malungkot ng mag masabay natutuwa ako dahil naranasan kong mag lakad sa simbahan at ikasal pero malungkot dahil hindi ko naman mahal ang lalaking papakasalan ko pero hindi nga ba? O 'yon lang ang gusto kong paniwalaan na wala akong feelings para sakanya kahit na alam kong mayroon.

Hindi nya nagagawang patibukin ng mabilis ang puso ko tulad ng sinasabi nilang sign na inlove ka pero kaya nya akong pakalmahin at kaya nyang tanggalin lahat ng pagod at sakit na nararamdaman ko gamit lang ang isang yakap.

Mahal ko ba talaga sya?

Hindi ko alam!

Pero kung may nararamdaman man ako para sa kanya satingin ko ay kailangan ko na ring itigil agad 'yon dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan non lalo na at dalawampong araw lang namin kaming magiging mag asawa at pag katapos non ay babalik na kami sa dati.

O kung hindi man kami babalik sa dati ay kakalimutan na namin ang isa't isa na para bang hindi kami mag kakilala o nag kakilala kahit kailan.

Sa oras na matapos ang 20days ay tapos na din ang ugnayan naming dalawa. Ang mahigit sampung taon na pag sasama namin ay malapit ng matapos iyon lamang ang tanging alam ko.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now