CHAPTER 1
"Wala akong pakealam kung busy ka boss kailangan mo ng permahan ang mga yan ngayon" inis na ibinagsak ko ang mga folder na hawal ko sa mesa ng boss ko na ngayon ay naka tulala lang sa hangin.
Mukang problemado nanaman sya at tingin ko may babae nanaman syang pinaasa at ngayon ay hinahabol habol na sya.
Napairap nalang ako sa hangin at malakas na pinalo ang mesa nya gamit ang kamay ko na ikina gulat nya ng sobra dahil sa sobrang sama ng tingin nya saakin.
"Permahan mo ang mga 'yan at ako na bahala sa pino-problema mo" bored na ani ko at inabutan sya ng ballpen. Agad naman nyang kinuha yon at penermahan na ikina ngiti ko.
Matapos nyang permahan yon ay agad ko ng kinuha at kinindatan sya bago lumabas ng kanyang opisina.
Nang maka labas na ako ay kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ng kakilala ko.
"Give me the list. Lahat ng babaeng nakadate nya ng isang buong linggo pati ang address nila at lahat ng tungkol sakanila na mapapakinabangan para hindi na guluhin si acosta."
Dere-Deretsong pag sasalita ko ng sagutin nya ang tawag ko. Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya pero rinig ko ang pag tipa nya sa keyboard ng kanyang computer. It means he's doing his job.
"Done, Nasend ko na din sayo" matapos ang isang minuto ay saka lang sya nag
salita. Lumawak ang ngiti ko at iniend na ang call.Napailing iling nalang ako habang binabasa ang mga impormasyon tungkol sa mga babaeng naka date ng boss ko sa loob ng isang linggo.
Pitong babae ibig sabihin ay isa sa isang araw lang. Himala ata samantalang dati ay umaabot ng dalawampo ang mga babaeng binablackmail ko para tigilan ang boss ko.
Sobrang babaero kase ng boss ko na yon kaya bilang secretary nya ako ang umaayos ng mga gulo na ginawa nya hindi yon parte ng trabaho ko pero malaki ang utang na loob ko sakanya kaya ginagawa ko ang mga ito.
Since that day hindi na nya ako iniwan. Sya ang nag paaral at nag bigay ng lahat na kailangan ko para mabuhay. Katulad nong sinabi nya 10years ago.
Pinag aral nya ako at nang maka tapos ako ng highschool ay pinag intern na nya agad ako sa kompanya nya at pag katapos ng dalawang taon ay nag apply ako bilang secretary nya tulad ng usapan namin and now walong taon nya akong secretary kaya naman kilalang kilala ko na sya.
Siya rin ang tumayong magulang ko simula nong magyari ang bagay na iyon at higit sa lahat. Siya rin ang tumutulong sakin upang hanapin ang taong yon. Ang taong nag dulot ng malaking butas sa puso ko at ang taong dahilan ng pag hihirap ko.
"Zyra nandiyan ang mommy at daddy ni CEO marvin" napabalik ako wisyo dahil sa sinalubong sakin ni mae na isa sa mga empleyado dito sa kompanya.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumakbo pabalik sa office ni sir para makapag ayos sya.
Walang katok katok akong pumasok sa office nya. Naabutan ko syang naka tulala lang kaya naman agad ko syang hinila at inabutan ng suit saka pinapasok sa banyo.
Nag tataka nya akong tiningnan saka pinanlisikan ng mata pero hindi ko nalang pinansin yon dahil sanay na ako.
"Maligo ka ang parent mo padat–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinara na nya ang pinto ng banyo.
Ako naman ay agad pinulot ang mga basura na nag kalat sa loob ng office nya at inayos ang mga gamit nya para maganda tingnan dahil siguradong pag naabutang madumi ng mga magulang nya ang office nya ay mapapagalitan sya.
Isang beses ko palang nameet ang parents nya at masasabi ko nang nakakatakot sila.
Saktong labas ng banyo ni sir ay tapos na din akong mag linis. Kumuha ako ng necktie sa cabinet nya at hinagis yon sa kanya na agad naman nyang nasalo.
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng may kumatok sa pinto ng office nya.
"Calm down woman they won't bite you" nakangising ani ni sir. Napansin siguro nya na kinakabahan ako.
Mag sasalita sana ako ng bumukas na ang pinto at iniluwa non ang mag asawang acosta na nasa 50 plus na.
Yumuko ako bilang pag galang at nag paalam na sakanila para lumabas. Ayaw ko namang maki chismis sa mga pag uusapan nila.
"Mag pakasal ka na" apat na salita mula sa daddy ni sir marvin na ikina tigil ko sa pag labas. Kitang kita ako ang gulat sa mga mata ni sir na ikina tawa ko ng mahina pero mukhang narinig yon ng parents nya dahil sa biglang pag tingin kaya naman mabilis akong lumabas dahil sa kahihiyan.
Gosh bat kase tumawa ako?
Pero sino ba namang hindi matatawa ay gusto na nilang ipakasal si sir marvin ay takot na takot ata ang lalaking yon sa salitang kasal dahil natrauma na.
Oppss
Dapat na ata akong tumahimik napapa daldal na ako.
Napailing iling nalang ako at nag lakad palabas ng kompanya ni sir. Mukhang matagal tagal na usapan ang mangyayari sa pagitan nya at ng parents nya kaya naman gagawin ko muna ang dapat kong gawin.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang number na pag mamayari ng isa sa mga babaeng naka date ni sir.
"Who's this?" mataray na tanong ng babae sa kabilang linya na ikina ngisi ko.
"This is Marvin Acosta's wife nakita ko kase ang number mo sa cellphone nya so assume you're one of his bitches" mas tinarayan ko ang boses ko.
Sanay na ako sa mga ganto dahil ilang taon ko na din itong ginagawa at ang palaging sinasabi ko ay asawa ako ni sir para tigilan na sya ng mga babaeng naka date nya.
"Hindi ako naniniwala" napatawa ako ng mahina dahil sa isinagot ng babaeng kausap ko sa kabilang linya.
"M&Z Restaurant now" maawtoridad na ani ko at binabaan sya ng tawag. Sigurado akong pupunta sya.
Sumakay na ako sa kotse ko at mabilis na pinaandar yon papunta sa restaurant na pag mamayari ni sir marvin.
"Goodmorning maam may babae pong nag iintay sainyo sa table 10" tinanguan ko lang ang isa sa mga waiter at nag lakad na papunta sa table 10 habang naka ngisi.
And the show begins now
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...