CHAPTER 26
Sana sinabi ko agad kung gaano ko sya kamahal bilang kaibigan. Sana sinabi ko agad na sobrang thankful ako dahil naging kaibigan ko sya.
Napaka rami kong sana pero wala eh. Iniwan na nya kami. Sobrang bait ng babaeng 'yon kaya siguro kinuha agad siya ni god. Sabi ko naman sakanya wag masyadong mag paka bait kase baka maagap syang kunin pero wala masyado syang pasaway.
Isang linggo na simula nong mawala silang dalawa pero hanggang ngayon nandito parin sa puso ko yong sakit. Isang linggo na rin nong nahuli ng mga pulis ang gumawa sakanila non but sadly hindi manlang kami naka ganti pero at least nakuha namin ang hustisya para sa dalawa.
Masakit ang nangyari pero hindi naman pwedeng mag mukmok ako dito sa bahay at umiyak mag hapon dahil buntis ako at baka kung mapaano si baby.
"Baby, Do you want something?" lahat ng iniisip ko ay nawala ng marinig ko ang boses ng asawa ko. Itinigil ko ang pag huhugas ng pinggan para harapin sana siya pero bigla nya akong niyakap mula sa likuran.
"Are you okay?" tanong pa nya habang naka yakap parin sakin. Ito na ang pang labing walong beses na tanong nya sakin ngayong araw. Minu minuto yata ay tinatanong nya kung maayos lang ba ako.
Humarap ako sakanya at hinalikan sya ng mabilis sa labi. "I'm okay, baby. Sigurado akong hindi matutuwa sakin si Carren kung mag mumukmok lang ako" ani ko.
"So may gusto ka bang puntahan?" tanong nya. Sandali naman akong napaisip at nang maisip ko ang lugar na gusto kong puntahan ay agad akong tumango tango habang nakangiti.
"Baby Planet" masayang sabi ko. Napatitig naman sya sakin at bigla nalang akong hinalikan sa labi na malugod ko namang tinugon.
Nang mag hiwalay naman ang labi naming dalawa ay bigla nalang syang lumuhod sa harapan ko at idinikit ang tenga sa tiyan ko habang hinahimas yon.
"Baby, Bibili tayo ng gamit mo. Daddy will buy everything you need at kapag lumabas kana bibilhin at ibibigay ni daddy kahit anong gusto mo" ramdam ko ang saya sa boses niya habang sinasabi ang mga 'yon.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti habang pinag mamasdan sya sa ginagawa nya. I'm so lucky to have him.
Parang dati iniimagine ko lang na mag kasana kami at masaya pero ngayon heto na at masaya kaming dalawa.
"Mag bihis kana ako na ang mag tatapos nyang ginagawa mo" ani nya na ngayon ay naka tayo na at naka harap sakin.
Nakaniti lang akong tumango at hinalikan sya sa labi saka nag lakad na paakyat sa kwarto namin para mag bihis.
Nang matapos naman akong mag bihis aya agad akong bumaba at naabutan ko si Marvin na nakaupo sa sofa na abalang abala sa cellphone nya. Napansin ko rin ang pag kunot ng noo nya. Mukhang may problema sya.
"What's wrong?" tanong ko. Napunta naman sakin ang atensyon nya at mabilis na inilagay ang cellphone sa bulsa nya at nilapitan ako.
"I'll tell you later but for now let's enjoy this day." nakangiting sabi nya na sinangayunan ko. Sigurado naman akong kung ano man yon ay sasabihin nya saakin.
Mag kasabay kaming lumabas ng bahay at sumakay sa kotse nya saka pinaandar 'yon papunta sa mall.
Ilang minutong byahe lang ay naka rating na agad kami sa mall at dumeretso agad kami sa Baby Planet.
Nilukob ng kasiyahan ang buong sistema ko habang naka tingin sa mga gamit na pang baby. May maliit na damit, maliit na sapatos at marami pang iba.
Napatingin naman ako sa asawa ko na sobrang lapad ng ngiti habang tinitingnan ang mga damit na pang baby.
"Let's buy everything" masayang sabi nya na ikina tawa ko ng sobra. Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa kamay.
"Baby, Yong magagamit lang ni baby pag labas ang bilhin muna natin then the rest is sa susunod na muna" malumanay na sabi ko. Naging malungkot naman ang ekspresyon nya.
"Why? I can buy him or her everything naman ah." nakasimangot na sabi nya na ikina tawa ko habang umiiling iling.
"Okay, fine. We'll buy everything you want to buy for our baby" ani ko. Bigla namang naging masaya ang ekspresyon nya at bigla akong niyakap.
Ako na ang unang humiwalay sa pag kakayakap at nginitian sya. "Go on ikaw na ang mamili ng bibilhin natin" sabi ko.
Tumango naman sya at nag lakad papalapit sa mga damit na pang baby at ako naman ay umupo lang sa sofa na nandon habang pinapanood sya sa ginagawa nya.
ILANG ORAS NA KAMI dito sa baby planet at hanggang ngayon ay hindi parin tapos mamili ng mga gamit ng baby namin si Marvin.
Sobrang laki ng ngiti nya habang pumipili ng mga laruan na pang baby. Hindi ko tuloy maiwasang mahawa sa mga ngiti nya.
Mukhang nag eenjoy sya sa pag pili ng kung ano ano kaya hindi ko sya inaabala. Nakaupo lang ako dito sa sofa habang umiinom ng shake na nabili ko lang sa kabilang store.
"Look at this dress cute dress, baby"
"This is cute, We'll buy every color"
"This is also cute"
"Let's buy a crib"
"Let's also buy him or her a baby bottle"
Nakangiti lang ako habang pinapanood at pinapakinggan ang asawa ko na ipinapakita saakin ang mga napili nyang gamit.
Baby Clothes with different colors, Maliliit na sapatos, Medyas for baby, Baby Milk bottles, Crib and stuff toys.
May kung ano ano pa syang binili na hindi ko malaman ang tawag at nang bayaran nya yon ay halos mapanganga ako ng umabot sa
200 thousand pesos At nang ilagay ipack yon ay limang box ang ginamit para mag kasya ang mga pinamili niya.
"Pwede bang ipadeliver nalang yan sa bahay namin?" tanong ni Marvin sa sales lady habang naka akbay sakin.
"Pwede naman sir, makikisulat nalang po dito ang address nyo" ani ng sales lady at inabutan kami ng ballpen at papel.
Kinuha naman yon ni marvin at isinulat ang address namin. Matapos nyang mag sulat ay lumabas na kami ng Baby Planet at nag lakad papunta sa restaurant dahil kakain daw muna kami bago umuwi.
"You look so happy, baby" nakangiting ani ko kay Marvin. Tumingin naman sya sakin at mahinang pinisil ang mag kabilang pisngi ko.
"Thanks to you, You made my life complete and happy" sabi nya at hinalikan ako sa labi na ikina pamula ng mukha ko dahil sa sobrang kilig.
Natigilan naman ako ng tumunog ang cellphone ko.
"Who's calling?" tanong ni marvin.
"Andy" maiksing sagot ko at sinagot ang tawag.
"Sorry to interrupt your date and happy day but we have a big problem" bakas sa boses ni andy ang pag papanic na ikina kunot ng ko.
Mag tatanong pa sana ako pero namatay nalang bigla ang cellphone ko kaya Mabilis kaming pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse saka pinaandar yon papunta sa HQ ng security agency.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomansaAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...