CHAPTER 37

215 5 0
                                    

CHAPTER 37

"Stop that joke, ty. Matutulog na ako" walang ganang ani ko at akmang tatayo na pero muli syang nag salita.


"2 years old ka non. Carmen Castillo is our maid and Lance Castillo is our family driver. Isang araw nagising nalang kami na wala ka na. Hinanap ka namin pero wala eh. Wala talaga. Then nalaman nalang namin na ang kumuha pala sayo ay ang dati nating maid at driver at parte sila ng isang organisasyon na kaaway ng pamilya natin. Walang araw na hindi ka namin hinanap. Hindi ako sumuko sa pag hahanap sa'yo lalo na nong nag karon ako ng lead kung nasaan kana kaso bigla ka nalang nawala na parang bula at para bang may taong ayaw na makita ka namin. Then nakita kita nong namatay si carren. Malakas ang pakiramdam ko na ikaw 'yon kaya pinaimbestigahan kita pero wala akong makuhang kahit anong impormasyon tungkol sayo. As in wala tanging pangalan mo lang na Zyra ang nakuha ko at nang malaman ko na mag asawa kayo ni Marvin Acosta alam k–"


"STOP" pag papatigil ko sakanya na ikina tigil naman nya. Kunot noo syang tumingin sakin.


Masyadong marami syang sinasabi at hindi yon maiprocess ng utak ko. Ang tanging naintindihan ko lang ay na kidnap ako nong bata pa ako at ang kinalakihan ko ng mga magulang ay hindi ko pala talaga magulang.

Pinipigilan kong mag isip ng sobra dahil hindi ako pwedeng mastress baka kung mapa ano ang baby ko.

Hindi ako maka paniwala sa mga narinig ko dahil parang imposible ang mga 'yon.

"Ano namang kinalaman dito ng asawa ko?" tanong ko kay tyron.

"He knows that you're my sister. Since you're 15 years old. He approached you for a reason. Ang pamilya nya at pamilya natin ay mag kaaway. Tinago ka nya saamin kaya wala kaming kahit anong makuhang impormasyon tungkol sayo."

"Ano bang gusto mong iparating? Na matagal na akong niluluko ni marvin?" inis na tanong ko.

"Gusto kong sabihin na baka niluluko ka lang nya para matalo ang pamilya nati–"

"Mahal nya ako" maiksing sagot ko at tumayo na. Humarap ako sakanya at tipid syang nginitian.


"Hindi pa kayang iprocess ng utak ko ang mga sinabi mo. Let's talk tomorrow kapag kaya na kitang intindihan." walang emosyong sabi ko.


Nakita ko naman ang pag daan ng sakit sa mga mata nya pero agad ding nawala 'yon kay nag lakad na ako paakyat sa hagdan.


"Can you at least call me kuya?" tanong nya na ikina tigil ko sa pag akyat sa hagdan. Nilingon ko sya at nginitian.

"Goodnight, Kuya ty" nakangiting ani ko sa kanya. Nagulat nalang ako ng mabilis syang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"I want to tell you everything but I can't and i won't because i don't want to put you in danger" bulong nya sakin at kumalas na sa pag kakayakap sakin.

"Go and talk to your husband. I'll see you tomorrow" nakangiting sabi nya at nag lakad na paalis kaya dumeretso nadin ako sa pag akyat sa hagdan at pumunta sa kwarto namin ni marvin.

Naabutan ko naman sa kwarto si marvin na naka upo lang sa kama habang hinahaplos haplos ang buhok ni raze. Hindi naman naka takas sa mga mata ko ang pag tulo ng luha nya.

Nanatili lang ako dito sa pinto at pinanood sya.

"Baby, do you think your mama angel will stay with us if she found out everything?" rinig kong sabi nya na parang kinakausap ang tulog na tulog na si raze.

"What if she decides to leave us? What if she don't want to love me anymore?" sabi pa nya.

"I love her soo much, raze. She's my everything. I want to be with her until my last breath." naging mahina ang boses nya pero naririnig ko parin ang sinasabi nya.

Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko habang pinapakinggan ang sinasabi nya.

"I don't think i can live without her. I hope she won't hate me because it my heart hurts everytime she's mad at me."

Nag sisimula na ring gumaralgal ang boses nya at hindi ko kayang panoorin lang sya.

Dahan dahan akong nag lakad palapit sakanya at niyakap sya. "Baby" rinig kong bulong nya.

Humiwalay naman ako sa pag kakayakap sakanya at pinunasan ang luha nya na palagi kong ginagawa.

"I'm not leaving so don't cry" mahina kong sabi.

"Do you mean that?"

"Yes naman" nakangiting sabi ko sakanya at hinawakan sya sa kamay.
               

"But i know tyron already told you everythin–"

"He din't. Maybe he knows that i won't listen to him no matter what he says about you." pag puputol ko sa sasabihin nya.

"Mama angel ko"

Parehong napunta kay raze ang atensyon ng bigla syang nag salita pero mahimbing parin na natutulog.

Nilapitan ko naman sya at inayos ang pag kaka kumot sakanya at saka hinalikan sa noo.

"Nagising sya kanina. He keeps saying na gusto ka nyang maging mommy. Hanggang maka tulog ulit sya ay sinasabi nyang sana ikaw nalang ang mommy nya"

Para namang may kumirot sa puso ko dahil sa sinabi ni marvin. Hindi ko inalis ang paningin kay raze at hinaplos haplos lang ang buhok nya.

"What will happen to irish now?" tanong ko sakanya.

"Ibabalik sya sa england at doon ikukulong. Nag imbestiga ang mga pulis at nalamang may iba pa syang kaso sa england."

"How about raze?" tanong ko ulit.

"He will stay with us. I hope it's okay with you, baby." agad naman akong lumingon sakanya dahil sa sinabi nya.

"Of course it's okay with me. He's your son that's why i will also treat him as my son. I know raze will be happy with us lalo ngayon at mag kakaron na sya ng kapatid" nakangiti kong ani at umalis na sa kama.

Mabuti naman at dito na si raze dahil hindi rin ako mapapanatag kung mag estay si raze sa mga kamag anak ni irish. Who knows baka saktan din nila si raze.

Huminga muna ako ng malalim at hinarap ang asawa ko  na ngayon ay napaka lawak ng ngiti habang naka tingin sakin.

"I knew it. I married the right girl" ani nya at hinalikan ako sa labi na agad ko namang tinugon.

"I want you to tell me everything i need to know. Maniniwala lang ako kung ikaw mismo ang mag sasabi sakin." nakangiting ani ko ng mag hiwalay ang mga labi namin.

"Where should i start?" tanong nya.

"The day when you first meet me" sagot ko.

Nakangiti naman syang tumago at nag simula ng mag salita.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now