CHAPTER 38

203 3 0
                                    

CHAPTER 38

"Congrats Mrs. Acosta you are 2 months pregnant" nakangiting ani ng ob-gyne na tumingin sakin.

Nilukob ng kakaibang saya ang buong pag katao ko at alam kong ganon din ang asawa ko na katabi ko ngayon.

Naka tulala lang sya na para ini poproseso pa sa isip nya ang sinabi ng ob-gyne. Natatawa ko tuloy syang tiningnan dahil sa expresyon nya na hindi maipaliwanag.

"Does this mean I'm having a baby brother or sister, mama angel?" napunta naman kay raze ang atensyon ko dahil sa sinabi nya.

"Yes, baby" sagot ko. Nag titinalon naman sya sa tuwa na ikina tawa ko din. Mahina ko namang siniko si marvin kaya napatingin sya sakin.

"You're spacing" ani ko sakanya. Napakurap kurap naman sya at bigla akong niyakap pag katapos ay lumuhod sa harapan ko para mapantayan ang tiyan ko.

Hindi sya nag salita at hinaplos haplos lang ang tiyan ko at nang tumayo na sya ay inakbayan nya ako mag papaalam na sana kami sa ob-gyne pero may naalala ako.

"Doc, Is it possible kaya na mag kamali ang isang doctor sa pag tingin sa pasyente nya?" tanong ko sa kanya.

Nag tataka naman syang tumingin sakin. "What do you mean?" tanong nya.

"Month ago a doctor told me that I got miscarriage. Nabaril ako non sa tagiliran and when i woke up. They told me that my baby si gone pero hindi naman pala talaga ako nakunan kase hanggang ngayon buntis parin ako. My baby is still here in my stomach" mahabang sabi ko habang hawak  hawak ang tiyan ko.

"That's impossible. Unless sinadya nyang sabihin yon. Pwede ko bang malaman ang pangalan ng doctor na'yon?"

Sinadya? Teka.. Naguguluhan ang utak ko.

"Doc Agustine Delos Santos" sagot ko.

"I Don't know any doctor Agustine Delos Santos this hospital" nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

Mag sasalita pa sana ako pero narinig ko ang mahihinang mura ni marvin kaya agad ko syang hinawakan sa braso.

"What's wrong?" tanong ko.

"Agustine Delos Santos is my mommy's husband po." muli naman akong napatingin kay raze dahil sa sinabi nya.

"Asawa sya ni irish." si marvin naman ang nag salita.

Napa awang nalang ang labi ko dahil sa sobrang gulat. Kung sindya nga na sabihin saamin na wala na ang anak namin ano namang dahilan nya?

Oh hell!

Wala na akong pakealam kung ano man ang dahilan nya. I will let this slide for now. Ayaw kong stress dahil baka kung mapaano pa si baby.

I need to calm my self dahil kung hindi baka maka hawak nanaman ako ng baril at sya pa ang magamit kong target.

"I will kill him" rinig kong sabi ng asawa ko na nag pabalik sakin sa wisyo.

Mabilis kong kinarga si raze at nag paalam na sa ob-gyne na aalis na kami saka ko hinila si marvin palabas ng clinic ni Doc Jane.

Nang maka labas kami sa clinic ay ibinaba ko na si raze at hinarap si marvin na ngayon ay napa seryoso ng mukha at gumagalaw pa ang panga dahil sa sobrang galit.

"Calm down. Wala na akong pakealam kung anong rason nya ang mahalaga ngayon ay alam nating buhay at maayos ang lagay ni baby sa tiyan ko." pag papakalma ko sakanya.

Lumamlam naman ang mata nya at lumambot na din ang ekpresyon nya na ikina ngiti ko.

"Calm down and let's go and eat na dahil gutom na ako" nakangiting sabi ko at iniyakap sa braso nya ang isa kong kamay at ang isa naman ay naka hawak kay raze na naka ngiting nag lalakad.

"Where do you want to eat, baby?" tanong ko kay raze. Tumigil naman sya sa pag lalakad kaya napatigil din kami ni marvin at sabay na tumingin kay raze na parang nag iisip ng malalim kung saan kami kakain.

"Jollibee po pwede?" tanong nya. Sabay naman kaming tumango ni marvin na ikina hiyaw at talon talon pa nya sa tuwa.

Nag lakad na kami papasok sa kotse at nang maka pasok kami ay pinaandar na agad yon ni marvin patungo sa Jollibee.

Ilang minuto lang ay naka rating na kami sa Jollibee at umorder na din agad kami ng mga pag kain na gusto ni raze.

Habang naka upo naman kami at hinihintay si marvin na naorder ay hindi ko maiwasang mag tanong kay raze kung bakit parang sayang saya nya na pumayag kaming dito kumain. And his answer pained me.

"Hindi po kase lagi pumapayag si mommy na kumain kami sa jollibee. She always say po na gastos lang daw po at wag daw po akong maarte at buti nga daw po naiisipan nya pa akong pakainin. Naiinggit nga po ako sa mga kalaro ko kase palagi silang dinadala ng parents nila sa jollibee. Kapag naman po sinasabi ko kay mommy na gusto ko dito palagi nya po akong pinapalo at hinahampas ng kung ano ano. Then she will shout at me and call me useless."

Mahabang pag kukwento ni raze na para bang wala lang sakanya ang inikukwento nya samantalang ako ay nanginginig na ang kamay dahil gusto kong sampalin at saktan ang ina nya.

Wala syang puso para saktan ay sabihan ng kung ano ano ang anak nya. Nilapitan ko si raze at hinawakan sya sa kamay saka nginitian.

"May gusto ka pa bang puntahan? o baka may gusto kang bilhin? Toys? Clothes? Just tell me and i will buy it for you. We will buy everything you need." nakangiting sabi ko sakanya pero umiling iling lang sya na ikina kunot ng noo ko.

"Mama angel, Marami na po akong clothes and toys. And isa pa po hindi mo naman po talaga ako tunay na anak. Pinayagan mo na po akong tumira kasama nyo ni daddy and inaalagaan mo po ako for me po sobra sobra na yon." ani nya.


Napa awang nalang ang labi ko. kaka 5 years old palang nya pero kakaiba na sya mag isip at tuwid na tuwid na talaga syang mag salita.

"Then from now on I will be your mother and you will be my son." seryosong sabi ko sakanya.

Nag liwanag naman ang mukha nya at nginitian ako ng sobrang tamis. Sakto namang dumating na si marvin at may roong napaka lapad na ngiti sa labi nya.

Inilapag na nya sa table namin ang tray na may lamang pag kain kaya nag simula na kaming kumain.

"Thank you" bulong ni marvin sa tangina ko  na ikina tigil ko sa pag kain.

"For what?" tanong ko.

"For accepting and loving my son" nakangiting ani nya na ikinangiti ko rin.

"Of course. He's your son. He's your family and your family is also my family at ang mga mahal mo ay mahal ko rin." ani ko.

Hindi naman sya nag salita pero hinalikan nya ako sa noo at labi and for me sapat na 'yon para malaman ang nararamdaman nya.

Bumalik na kami pareho sa pag kain at hindi ko naman maiwasang mapatingin kay raze at marvin na ngayon ay nag tatawanan habang nag kukwentuhan.

And it makes me happy, seing them happy is my happiness. Kompleto na ako. I have a loving and caring husband. Cute son and a baby in my stomach.

We will never be happy if you continue to search for what happiness consists of. We will never live if you are looking for the meaning of life.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now