CHAPTER 3

342 8 0
                                    

CHAPTER 3

"Mag papakasal na ako"

Natahimik ako dahil sa sinabi nya. Tila nag blanko ang utak ko kaya hindi ko manlang magawang mag salita o kumilos manlang mula sa kinauupuan ko.

"Hey faye what's wrong?" napatingin ako sakanya dahil sa tanong nya. Dahan dahan akong tumango at inaayos ang sarili ko.

"Nagulat lang ako dahil gusto mo na mag pakasal ngayon" mahinang ani ko.

"I have no choice"

Sagot nya na ikatango tango ko. Alam ko ang ibig nyang sabihin dahil halos taon taon naman na syang pinipilit ng mga magulang nya na mag pakasal at ang panakot nila ay tatanggalan ng kompanya si sir.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari 3 years ago kung saan pumunta din dito ang parents nya para pilitin syang mag pakasal.

"Maam zyra code red po si CEO hindi na namin alam kung anong gagawi–"

"Nasan sya?" tanong ko kay andy sa kabilang linya. Agad naman nyang sinabi kung nasaan si sir marvin kaya pinatay ko na ang tawag at nag mamadaling pinaandar ang kotse ko papunta sa address na sinabi ni andy.

Mabuti nalang at kakagaling ko lang sa mall kaya malapit lang ako sa bar kung nasaan si sir.

Nang maka rating ako sa bar ay naabutan kong nag kakagulo na ang lahat ng tao don kaya naki singit na ako sa mga taong naka harang.

Bumungad sakin si sir marvin na binubugbog ang isang lalaking duguan na ngayon at walang malay.

Napatingin din ako sa paligid may apat na mga lalaking naka tumba na din na tingin ko ay mga gwardyang sumubok pigilan sya.

Hindi ko malaman gagawin ko kaya naman nilapitan ko nalang si sir para pigilan dahil kung hindi ko sya pipigilan ay mapapatay na nya ang lalaking binubugbog nya.

"Sir tama na yan" bulong ko sa tenga nya. Agad naman syang napa tingin sakin at mukhang nakilala nya ako dahil binitawan nya ang lalaki at humarap sakin.

"Z-Zyra ikaw ba yan?" tanong nya. Tumango tango naman ako at ngumiti. Nawala ang galit sa mga mata nya at napalitan yon ng pag aalala. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Akala ko kung napaano ka na" mahinang ani nya habang nakayakap padin sakin.

Napahiwalay ako sa pag kakayakap nya nang makita kong may mga pulis sa likod namin. Napahawak ako sa ulo ko nang pinosasan nila si sir marvin.

"Sir hindi ba natin to pwedeng pag usapan" tanong ko sa pulis na umaresto kay sir marvin. Tiningnan nya ako na parang nag tatanong kung sino ako.

"I'm his lawyer and secretary Zyra Faye Castilo" pag papakilala ko at iniabot sakanya ang business card ko na agad naman nyang tinanggap.

"Mabuti pa ho sumama nalang kayo saamin sa presinto" ani ng pulis na ikina buntong hininga nalang ako ng wala sa oras dahil sa sinabi mg pulis.

Hinarap ko si sir marvin at tinapik tapik ang balikat nya at pilit na ngumiti.

"Ako na ang bahala sa lahat just tell them everything they need to know but remember you have a rights to remain silent lalo na kung hindi na konektado sa nangyari ngayon ang tinatanong nila" mahabang sabi ko sakanya.

"Hindi ka sasama sakin?" tanong nya.

"Sasama" mabilis na sagot ko. tumango tango naman sya at nag lakad na kasama ng mga pulis kaya sumunod na ako sa kanila.

Hindi ako ngayon pwedeng humingi ng tulong sa agency dahil baka makarating yon sa mga magulang ni sir at hindi yon pwedeng mangyari dahil siguradong malalagot si sir.

Nandito kami ngayon sa prisento at kung ano anong sunasabi ng mga pulis pero hindi ko naman maintindihan dahil sa sakit ng ulo ko.

"Ano ho ba ang nangyari at binugbog nyo si joseph lee?" tanong ng pulis na nag iimbestiga kay sir marvin.

Mag sasalita na sana si sir marvin pero pinigilan ko sya dahil alam ko na ang isasagot nya.

"Yan ang cctv camera nong nangyari ang gulo hindi na siguro kailangang mag paliwanag ng boss ko. Naka usap ko na rin si joseph lee at hindi na sya mag sasampa ng reklamo pati ang mga guard na nadamay ay naka usap na. Pwede naman na siguro kaming umalis ano?" Walang prenong pag sasalita ko.

Aangal pa sana ang pulis na nag iimbestiga pero tumonog na ang cellphone nya at maya maya lang ay pinaalis na nya kami.

Nang maka labas kami ni boss sa prisento ay malakas ko syang sinapak na ikina nga nga nya.

"Alam mo bang halos lumuhod na ako sa harapan nong joseph lee na yon para lang wag kang sampahan ng kaso ha" inis na sabi ko at sumakay sa kotse ko. Sumunod naman sya sakin sumakay din.

"I'm sorry, Naubos lang ang pasensya ko galit na galit ako dahil pinipilit ako nina mom and dad na mag pakasal na kaya pumunta ako sa bar para maglasing at makalimut pero ang gagong joseph lee na 'yon ay kung ano anong mga pinag sasabi kaya nag dilim ang paningin ko" mahabang paliwanag nya na ikina iling iling ko.

Simula non ay ginagawa ko na ang lahat para hindu maulit ang ganong pangyayari dahil sa oras na maulit yon ay baka hindi na namin malusotan. Nong araw na yon ay humingi ako ng tulong sa kakilala kong malakas ang kapit sa chief of police para paalisin na kami ni sir.

Hindi pwedeng madungisan ang image ni sir kaya lahat ay ginagawa ko para mapag takpan ang mga kalokohan nya.

"Zyra nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?" napabalik ako sa katinuan ng may tumapik sa pisnge ko at pag tingin ko ay si sir marvin pala.

Taka ko syang tiningnan. "Anong sinasabi mo?" tanong ko na ikina nganga nya.

"Ang sinasabi ko mag hanap ka ng babaeng pwedeng mag panggap na peke kong asawa hanggang sa bumalik sila mom and dad sa states" medyo tumaas na ang boses nya na ikina kamot ko sa ulo.

"Sa mga babae bang naka date mo o hahanap ako ng mga bagong babaeng na pwede mong pag pilian?" tanong ko.

"Ikaw na ang bahala basta mag hanap ka, kapag wala kang nahanap ikaw ang papakasalan ko."

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now