CHAPTER 35

212 4 0
                                    

CHAPTER 35




"Mama angel, ano na po mangyayari sa mommy ko?" napatigil ako sa pag lalagay ng kumot kay raze dahil sa tinanong nya.

Hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwala na at the age of 4 ay tuwid na sya mag salita.

Nakangiti lang akong tumabi sakanya sa kama na kinahihigaan nya at inayos ang kumot.

"Your mommy will be punished for hurting you, baby" mahinang sabi ko sakanya habang hinahaplos haplos ang buhok nya.

Nakita ko naman ang pag lungkot ng mukha nya at parang kumurot sa puso ko dahil don. "Mama angel, Bad na po ba ako kung ayaw ko na po syang makasama?" tanong nya.

Huminga naman ako ng malalim at saka nag salita. "Baby, It's okay. Sinaktan ka nya kaya okay lang kung ayaw mo na syang maka sama but don't hate her too much. She's still your mom"

Yumakap naman sya sakin. "I wish po ikaw nalang ang mommy ko, mama angel. You're kind, pretty and you love my daddy." sabi nya pa.

Hindi naman ako naka pag salita at nanatili lang na tahimik habang yakap yakap sya hanggang sa maramdaman kong tulog na siya.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinag mamasdan syang matulog. Ganito ba ang pakiramdam ng mag kaanak?

Napahawak ako sa tiyan ko at pinakiramdam 'yon at tama ka si charm. I can still feel my baby.

Posible kayang totoo ang sinabi nya? Pero paano naman magiging posible yon kung doctor mismo ang nag sabi na nakunan ako dahil sa pag kakabaril sakin ni Maynard Cruz.

Dahan dahan kong inalis ang kamay nyang naka yakap sakin at bumangon sa pag kakahiga. Kinumutan ko din sya at nilagyan ng unan sa tig kabilang gilid nya.

Kailangan kong makausap ngayon si marvin.

Lumabas na ako ng kwarto pero hindi ko isinara ang pinto para kung hahanapin man kami ni raze ay makaka labas agad sya.

Nang makaka baba naman ako ay naabutan ko si marvin na naka upo sa sofa at naka tingin lang sa kung saan. Tulala lang sya.

"Hey" tawag pansin ko sakanya. Mabilis naman syang lumingon sakin at agad na tumayo.

"Tulog na si raze" ani ko ng makalapit sakanya. Umupo ako sa sofa at tumabi naman sya sakin.

"Should we talk about what happened?" tanong ko sakanya at sumandal sa balikat nya.

"Last last week I got a message from Irish saying that they will come back. Pero hindi ako naniwala sakanya kaya nagulat nalang ako nang mag pakita sya kasama ang anak namin. Nong nakita kitang umalis ay gustong gusto kitang sundan pero hindi ko nagawa dahil ayaw akong bitawan ni raze. At nang susundan na kita ay pinigilan naman ako ni irish at pinainom nya ako ng tubig na hindi ko naman alam na may drugs pala. Nakaramdam ako ng hilo non at kakaiba sa katawan ko. Sinubukan akong halikan at hawakan ni irish pero trust me itinula ko lang sya. Dahil hindi naman sya ikaw kaya wala syang karapatang hawakan ako. Nawalan ako ng malay at nang magising ako wala na akong damit and irish keep saying na may nangyari samin pero hindi ako naniwala dahil sigurado akong kahit anong klaseng drugs pa ang ilagay nya sa inumin ko ay hinding hindi ko na sya papatulan." tumigil sya sa pag papaliwanag at tiningnan ako sa mata.

Medyo na guilty tuloy ako dahil hindi ko manlang sya tinanong at nag assume agad ako. Bigla nanamang bumalik ang inis ko kay Irish dahil sa pag kukwento ngayon ni marvin.


"Then tyron called me and told me that you were kidnaped. Hindi ko alam ang gagawin ko non lalo na nong nalaman ko na hindi basta bastang mga tao ang kumidnap sayo. Iniwan ko si irish at raze dito sa bahay. Masyadong malakas at mahirap kalaban ang organization na yon na kaya humingi ako ng tulong kay Hestia Villamerious or charm dahil sya lang ang alam kong makaka tulong sakin na iligtas ka. Nandon ako sa building na pinagdalhan sayo pero hindi ako pinapasok ni Charm kung nasaan ka at wala akong magawa dahil maraming bantay. Then she texted me ang sabi nya ay makikita lang kita kung itatapon ko muna ang basurang nasa bahay ko kaya umuwi agad ako para paalisin si Irish pero ayaw nya at nag pupumilit syang mag balikan kami then you enter our room." muli syang tumigil sa pag papaliwanag at marahang pinisil ang kamay ko.


"You already know what happens next" ani nya at tumango naman ako.


"Alam mo bang natakot ako na baka iwan mo ako? Natakot akong iwan mo ako dahil nalaman ko kay raze na nakita mo kami ni irish sa ganong pwesto. Hindi ko alam ang gagawin ko kung iniwan mo ako. Baka mabaliw ako. Nawala na ang baby natin tapos ikaw mawawala pa sakin hindi ko na talaga kakayanin yon. Mamamatay ako kapag pati ikaw mawawala sakin" dagdag pa nya at naramdaman ko ang pag tulo ng mga luha nya sa kamay ko kaya agad syang niyakap.


At nang humiwalay ako sa pag kakayakap sakanya ay pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata nya.


"I'm sorry. Alam mo bang ilang beses kong inisip na iwan ka dahil akala ko mas magiging masaya ka kasama si raze at irish. Sorry kung naisip ko na hindi mo ako mahal. Sorry kung naisip kong iwanan ka at makipay divorce sayo" pag hingi ko nga tawad. Habang umiiyak.

Naramdaman ko namang natigilan sya at naka awang ang labi habang naka tingin saakin. "You tried to divorce me?" tanong nya at dahil hawak ko ang kamay nya ay ramdam na ramdam ko ang panginginig non.

"Iiwan mo ako? Hindi mo na ba ako mahal? makiki pag divorce kana sakin? ayaw mo na ba sakin?" sunod sunod na tanong habang umiiyak parin na mas lalong ikina bigat ng pakiramdam ko.

Sunod sunod narin ang pag tulo ng luha ko sa mga mata ko.

"No! I won't let you leave me, baby. You're mine. Hindi mo ako iiwan. Hindi ka makikipag divorce. Hindi ako papayag" ani nya habang panay ang iling.

Tinanggal nya ang pag kakahawak ko sa mga kamay nya at bigla nya akong hinila palapit sakanya at mahig na mahigpit akong niyapakap.

Rinig na rinig ko ang hikbi nya kaya mas lalong naiyak. Naninikip na ang dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

"I won't leave you because I love you so please stop crying na dahil naiiyak na din ako." bulong ko sakanya habang yakap yakap parin ako.

Naramdaman ko namang lumuwag na ang pag kakayakap nya sakin at sinapo ang mag kabilang pisngi ko at tiningnan ako sa mata na sinalubong ko naman.

"Hindi mo talaga ako iiwan?" tanong nya.

Tumango naman ako at mag sasalita pa sana pero bago ko pa maibuka ang bibig ko ay sinakop na nya ang labi ko at hinalikan ako na buong puso ko namang tinugon.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now