CHAPTER 14

267 4 0
                                    

CHAPTER 14


"Milady, Wala ka ba talagang balak kausapin si master?" tanong ni mharco habang nag dadrive ng kotse.

Nakasalubong ko sya kanina pag labas ko ng hospital at nag volunteer sya na ihahatid na ako dahil butler ko daw sya at tungkulin daw nyang panatilihin akong ligtas.

"Matagal na ba kayong mag kakilala ni Marvin?" balik na tanong ko sakanya.

"12 years" sagot nya.

"Then dapat alam mo ng hindi nya tatanggapin ang batang nasa sinapupunan ko dahil hanggang ngayon ay hinihintay padin nya ang pag balik ng first love nya na muntik ng ikasal sakanya" walang ganang sabi ko at sumandal nalang sa bintana ng kotse.

Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga nangyari 5 years ako. Muntik ng ikasal si marvin sa girlfriend nya for 8 years pero nong nasa simbahan na ay hindi sya sinipot nong babae at nong nag kita sila na kinabukasan ay naaalala ko pa kung paano sya iyakan ni marvin. Naaalala ko padin ang pag luhod ni marvin at ang pag mamakaawang wag syang iwan nong babaeng 'yon pero iniwan padin sya.

Iniwan na sya at lahat pero alam kong hanggang ngayon ay hinihintay padin nya ang pag babalik nong babaeng 'yon. Kaya nga sya naging babaero e dahil sa babaeng 'yon.

Ang babaeng nangiwan at nanakit sakanya pero mahal parin nya. Isang beses ko lang nakita ang babaeng yon dahil hindi naman sya dinadala sa office ni marvin.

"Nandito na po tayo"

Napabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Mhico. Pinagbukasan pa nya ako ng pinto ng kotse at inalalayan sa paglabas.

"Wag mong sasabihin sa master mo na nandito ako and bumalik kana sa master mo at itanong mo sakanya kung anong unang gagawin" sabi ko kay mhico.

Tumango naman sya kaya nag lakad na papasok sa loob ng bahay ko at dumeretso sa kwarto ko.

Inilock ko ang pinto at humiga sa kama saka tinawagan si Andy kahit na alam kong nasa secret room lang naman sya netong bahay.

"Find out who's the police in charge sa kaso ng mga magulang ko" utos ko kay andy naka rinig naman ako ng tunog ng keyboard at ilang segundo lang ay sumagot na siya.

"Arthor Lee chief of police sya 10 years ago pero ngayon ay namatay na sya sa sakit sa puso at naiwang unsolved case ang kaso ng mga magulang mo." sagot nya sa kabilang linya.

"Kailangan ko ng ebidensya na sya ang pumatay sa mga magulang ko, andy and also find the cctv footage sa moonlitnight resort baka nahagip ng cctv ang pag saksak nya sakin, pwede natin yong gamitin para maipakulong sya habang hindi pa tayo nakaka hanap ng ebidensya sa gjnawa nya sa mga magulang ko." mahabang sabi ko.

"Copy. Isesend ko nakang sayo mamaya lahat ng mahahanap ko." sagot nya sa kabilang linya.

"Okay, thanks" ani ko at ini-end na ang tawag.

Kailangan ko munang maipakulong ang hayop na'yon para hindi nya ako maka magalaw habang nag hahanap kami ng ebidensya.

Sana lang makuha ni andy ang cctv footage ng nangyaring pagsaksak sakin.

Well si andy ay ang namumuno sa security agency sa buong kompanya ni marvin. Sila rin ang umaayos sa lahat ng gulo na nagagawa ni marvin. Sila rin ang humaharang sa masasamang balita tungkol kay marvin.

At dahil matagal na akong secretary ni marvin ay alam ko na ang tungkol sa security agency nya. Naging malapit na din ako kila andy dahil palagi nalang kaming dalawa ang umaayos sa ginagawang gulo ng boss namin.

Sila andy rin ang tumutulong sakin sa pag iimbestiga sa nangyari sa mga magulang ko pero until now ay wala parin kaming nahahanap dahil ang suspect ay umalis ng bansa at itinatago ng mga magulang.

Pero ngayon na bumalik na dito sa pilipinas ang hayop na 'yon ay maiimbestigahan na namin sya. Kung kinakailangang ipa-in ko ang sarili ko para mahuli sya. Gagawin ko.

Muntik naman na akong mapatalon sa gulat nang makarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril at kasunod non ay ang pag bukas ng pinto at pumasok ang apat na lalaking may mga dalang baril.

"Anong kailangan nyo?" tanong ko sakanila at pilit itinatago ang kabang nararamdaman.

"Asawa mo ang kailangan namin at sigurado akong pag kinuha ka namin ay kusa syang mag papakita" nakangising sabi nong isa.

Ano ba yan..

Unang araw palang kaming mag asawa pero heto may gusto na agad pumatay saakin. Pakiramdam ko tuloy ay maling desisyon ang mag pakasal sakanya para maging ligtas ako sa hayop na pumatay sa mga magulang ko.

Ligtas nga ako mula sa hayop na yon pero hindi naman ako ligtas sa kalaban ng asawa ko

Napabuntong hininga naman ako ini handa ang sarili para labanan ang apat na lalaking nasa harapan ko.

Pare-parehong naka tutok saakin ang mga baril nila na talagang ikina bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba pero hindi ko ipinahalata 'yon.

Nagulat naman ako ng bigla akong paputukan ng baril nong isa. Mabuti nalang at nailagan ko agad yon kaya hindi ako natamaan.

Hindi ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot ako dahil baka kung mapa ano ang batang nasa sinapupununan ko.

Nginisian ko lang ang apat na lalaki at mabilis silang inatake isa isa. At isa isang minuto lang ay nakuha ko na ang mga hawak nilang baril.

Mabuti nalang at naturuan ako nila andy kung paano makipag laban sa taong may hawak na baril kaya naman madali sakin ang ginawa ko.

Gulat namang napatingin sakin yong apat at akmang aatakehin ako pero bigla nalang akong naka rinig ng apat na putok ng baril at kasabay non ay ang pag tumba ng apat na lalaking nasa harapan ko.

May tama ng baril sa ulo ang apat na lalaki. Nakita ko ang pag daloy ng napakaraming dugo sa sahig na ikina lunok ko.

Gulat naman akong napatingin sa likod kung saan nanggaling ang putok ng baril pero hindi pa ako tuluyang nakaka lingon ng maramdaman ko ang panghihina ng buong katawan ko.

"Marvin..."



VICEKATE|V.K

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now