CHAPTER 4

423 6 0
                                    

CHAPTER 4

"Ikaw na ang bahala basta mag hanap ka, kapag wala kang nahanap ikaw ang papakasalan ko."

Napailing iling ako ng muling pumasok sa utak ko ang sinabi ni sir. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa pag hahanap ng babaeng mag papanggap na asawa ng boss ko na 'yon dahil baka ako nanaman ang alukin nya ng kasal tulad ng lagi nyang ginagawa taon taon.

Ilang beses na nya akong inalok ng kasal para daw wala na syang problema sa mga magulang nya pero lagi kong tinatanggihan dahil wala akong balak mag asawa.

Lihim akong napangiti ng makita ko ang picture ng mga babaeng nahanap ko na pwedeng mag panggap na asawa ni sir.

Sigurado akong makakapili sakanila ang boss ko at kapag nangyari yon wala na kaming problema.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas sa opisina upang puntahan si sir. Nakangiti akong nag lakad ako papunta sa office ni sir.

Lahat ng mga nakaka salubong ko ay nginingitian ko. Masaya ako dahil sa wakas ay pwede na akong mag resign bilang secretary nya.

Iyong ang usapan naming dalawa ni boss. Sa oras na mag pakasal sya ay pwede na akong mag resign bilang secretary nya at mamuhay nalang bilang simpleng tao.

Hindi naman sa hindi ako masaya sa trabaho ko kaya gusto ko na mag resign, sadyang may kailangan lang akong gawin or should i say hanapin na tao.

Malaki ang utang na loob ko kay boss dahil sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay buhay ako pero mahalagang mahanap ko ang taong yon para maka pamuhay na ako ng maayos at tahimik.

Nang makarating ako sa office ni boss ay walang katok katok akong pumasok don. Bumungad sakin si boss na naka upo sa sofa na parang bored na bored. Mukhang kanina pa nya ako hinihintay.

"Finally" malakas nyang sabi nang makita na ako. Inirapan ko lang sya at iniabot sakanya ang folder na hawak ko, Agad nyang kinuha yon at tiningnan.

"Jessica Rie 30 may ari ng limang mall sa buong bans–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinenyasan na nya ako na  yong kasunod na.

"Gemelyn Chu 28 owner ng is–"

"I Don't like her name"

"Amethys Argosin–"

"Next"

"Phoebe Yoon 27 nag mamayari n–"

"Too young"

"Janna Cruz 33 CEO of–"

"Too old"

"Ashley Go 31–"

"Not my type"

"Themarie Tyler 29 CEO of Tyler paper comp–"

"Nex–"

Napahiyaw nalang ako sa inis kaya hindi nya natapos ang sasabihin. Tiningnan ko sya ng sobrang sama.

"Wala ka ba talagang nagustohan sakanila?" inis na tanong ko sakanya. Ngumisi naman sya at nag lakad palapit sakin.

Napasinghap ako nang bigla nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko. "Non of them is my type" sobrang lapit nya sakin kaya naamoy ko ang mabango nyang hininga nang mag salita sya.

Sinubukan kong umatras pero hindi ko magawa dahil hawak ng kanang kamay nya ang likod ko kaya hindi ako maka galaw.

"S-Sir pwede bang b-bitawan mo ako?" utal na ani ko. Mahina syang tumawa at imbes na gawin ang sinabi ko ay mas lalo pa nya akong inilapit sakanya na ikina lunok ko.

"I Already told you 3 years ago zyra faye that it's you i want to marry."

Mahina ko syang itinulak para maka alis sa pag kakahawak nya at saka tumawa ng malakas na para bang isang nakakatawang biro lamang ang sinabi nya.

"Sir wag mo nang uulitin yang biro mong yan" tumatawang sabi ko pa. Naka simangot naman syang umupo sa sofa at tinitigan ako.

"Hanapan mo nalang ako ng babaeng pwedeng mag panggap na asawa ko" naka simangot pading ani nya.

Tumango lang ako at aalis na sana nang may idea na pumasok sa utak ko. Humarap ako kay boss at ngumiti ng nakaka luko.

"Bakit hindi ka nalang sumama sakin sa labas at ikaw na ang mamili ng babaeng gusto mo ng mag panggap na asawa mo" ani ko. Nangunot naman ang noo nya at umiling iling na ikina bagsak ng balikat ko.

"Sumama kana sakin please" pamimilit ko pero mukhang ayaw nya talaga kaya hinawakan ko na ang kamay nya at pwersahan syang hinila palabas sa opisina nya.


"Where are we going?" tanong ni sir ng maka rating kami sa parking lot. Nginitian ko lang sya at binuksan ang pinto ng kotse para pasakayin sya.

Tiningnan naman nya ako ng nag tataka bago sumakay. Nakangiti akong sumakay sa kotse at pinaandar yon papunta sa mall.

Kung wala syang nagustohan sa mga babaeng pinakita ko kanina well oras na siguro para sya mismo ang mag hanap ng babaeng magugustohan nya talaga para naman hindi na nya kailangan pag panggapin ang mapipili nya.

Para na rin hindi na ako kulitin na pakasalan sya para lang makuha ang iba pa nyang mana.

"Total matagal naman na tayong mag kasama at kilala na natin ang isa't isa bakit hindi nalang tayo mag pakasal para tapos ang problema"

Ang mga palagi nyang sinasabi tuwing pinipilit sya ng mga magulang nya na mag pakasal. Taon taon palagi nyang sinasabi ang mga iyon kaya sanay na ako.

Napailing iling nalang ako at itinuon ang atensyon sa pag mamananeho ng sasakyan.

Nang maka rating na kami sa mall ay agad kong pinark ang kotse at tiningnan ang lalaking katabi ko na naka tulog na pala.

"Boss gising na" tinapik tapik ko ang balikat nya para gisingin sya. Agad naman syang nag mulat at tiningnan ang paligid.

"Anong gagawin natin dito" tanong nya.

"Mag hahanap ng babaeng magugustohan mo" sagot ko at bumaba na sa sasakyan at ganon din ang ginawa nya.

Sabay kaming nag lakad papasok sa mall, nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mga taong naka tingin samin, siguro ay nakilala nila ang lalaking kasama ko ngayon.

Ofcourse sino bang hindi makaka kilala sa isang Marvin Acosta a multi-millioner.

Tumigil kami sa harap ng national book store. "Dito muna ako ikaw mag lakad lakad ka para maka hanap ka ng babaeng gusto mo" ani ko aangal pa sana sya pero itinulak ko na sya papunta sa grupo ng mga babaeng nag uusap usap.

Tiningnan nya ako ng masama pero nginitian ko lang sya at tumakbo na papasok sa national books store.

May libro akong gusto na matagal ng gustong bilhin pero wala akong oras bilhin yon dahil sa sobrang busy ko sa pag aasikaso sa boss ko na pati trabaho nya ay pinapagawa saakin.

Sana naman mag enjoy ang boss kong yon sa pakikipag usap sa mga babaeng yon.

Kukuhanin ko na sana ang librong bibilhin ko ng mapansin ko yong isang lalaking naka mask na kanina pa naka tingin saakin.

Naka titig sya sakin at kahit na naka mask sya ang alam kong naka ngisi sya. Ang mga mata nya ay pamilyar.

Nanlaki ang mga mata ko at nanginginig na napa atras. Sya yon! sya yong lalaking yon. Ang taong sumira sa buhay ko. Ang lalaking matagal ko ng hinahanap.

Nag lakad sya papalapit sakin na mas lalo kong ikina atras. Napahiyaw ako sa gulat ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw.

Nanginginig akong napaupo sa sahig at hindi malaman ang gagawin. Unti unting bumalik sa ala ala ko lahat ng nangyari nong gabing yon.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now