CHAPTER 25
"Omy gosh owen, buti naman at tumawag ka, si carren ba kasama mo?" tanong ni gab kay owen.
Ngumuti naman sa camera si owen at ibinigay kay carren ang cellphone. Dahan dahan namang inilayo ni gab sa mukhs nya ang cellphone kaya lahat kami ay nakikita na si Carren ngayon na para bang napaka saya.
"Deputa naman carren nasan ba
kayo ha?" natigilan naman ako ng biglang tumaas ang bosed ni gab. Siguro dahil sa sobrang pag aalala."Oum hindi ko alam kong nasan kami pero gab may ano kase eh.." tumigil si carren sa pag sasalita na ikina kunot ng noo ko.
"May bomba na naka kabit sa paa ko at kanina pa nag simula ang timer..." pag tutuloy nya na ikina tahimik naming lahat.
At nang maka recover kami sa pag kagulat ay agad na nag si tayuan ang mga kabigan namin at kinuha ang mga cellphone nila para siguro humingi ng tulong pero ako ay nanatili lang sa tabi ni marvin habang pinapanood si Owen at Carren sa screen ng cellphone.
"Andy can you track their location?" rinig kong tanong ni marvin kay andy.
"Tangina! open the location of your phone carren ita-track ka namin"
"Hahanapin namin kayo don't worry"
"Wait for us"
Nag kakagulo na ang lahat dito at pare pareho naming hindi alam ang gagawin.
"I Love You" biglang bumigat ang pakiramdam ko ng marinig ko ang sinabi ni owen kay carren.
Nakita ko naman ang pag ngiti sa camera ni Carren na para bang naka pag desisyon na sya sa mangyayari.
"Tanggap na namin kung ano man ang mangyayari ngayon kaya chill lang kayo jan"
Natigilan ako. Natigilan kaming lahat dahil sa sinabi ni Carren. Hindi ako maka pag salita kaya ang tanging nagawa ko lang ay yakapin ang asawa ko at umiyak sa balikat nya.
"baka hindi na kami maikasal sa simbahan maya pwede ba kayong mag papunta ng pari jan? baka pwede nya kaming ikasal at basbasan kahit sa cellphone lang pwede ba yon?" rinig kong tanong ni owen mula sa kabilang linya na mas lalo kong ikina iyak.
Ang sakit sakit. Ako ang nasasaktan para sakanilang dalawa.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakita kong may kasama ng pari si Drake.
"Father pwede nyo po ba kaming basbasan at ikasal netong babaeng to bago tuluyang sumabog ang bombang naka kabit samin ngayon limang minuto nalang po kase ang natitira at sasabog na tong bomba?"
Halata namang nagulat ang pari dahil sa sinabi ni owen pero tumango din agad ang parin.
"Ano bang pangalan nyong dalawa?" tanong ng pari sa dalawa.
"Carren Angeles po at Owen Oliveros" sagot ni carren na naka titig lang kay owen.
Mas lalo naman akong napa iyak ng marinig kong nag iiyakan na rin ang mga kasama namin.
"Father mag simula kana po" rinig kong sabay na sabi ni carren at owen sa kabilang linya.
Hindi mo alam kung ilang minuto na ba ang lumipas pero heto parin ako hindi matigil sa pag iyak habang pinapakinggan sa kabilang linya si Carren at Owen na mag palitan ng kanilang marriage vows.
Saksi kaming lahat ngayon na nandito kung paano ikinasal ang dalawang nag mamahalan na nasa bingit na ng kamatayan.
Tila tumigil naman ang mundo naming lahat ng biglang maend ang tawag. Sabay sabay kaming napatayo mula sa pag kakaupo sa sahig at hindi alam ang gagawin.
Napatingin naman kami kay tyron ng bigla syang tumakbo palabas. Susundan na sana namin sya pero biglang nag salita si andy na ikina tigil namin.
"We already found their location" ani ni andy.
"Where?" sabay sabay na tanong namin.
"Sa Abandonadong Building na katabi ng Moon's Bakery" sagot ni andy.
Agad naman kaming nag pasalamat sakanya at nag takbuhan na palabas. Kanya kanyang sakay kami sa mga kotse namin at saka pinaandar yon papunta sa lokasyon na sinabi ni andy.
"Baby, Please calm down for our baby" ang malambing na boses ng asawa ko ang nag pakalma sa buong sistema ko.
Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at tipid akong nginitian. Kitang kits ko din ang lungkot at pag aalala sa boses nya.
Sigurado naman akong nag aalala din sya para sa kaibigan nyang si owen pero nag papanggap lang syang malakas.
Nang maka rating kami sa sinabi ni andy na abandonadong building ay agad kaming lumabas sa kotse. Nakita ko namang lumabas din ang mga kaibigan namin at akmang papasok na kami sa loob ng gusali pero isang napaka lakad na pag sabog na nag patigil saamin.
Hindi ko nagawang igalaw ang mga paa ko dahil parang napako yon don. Napa tulala nalang ako sa lumang gusali ng makitang nilalamon na yon ng apoy.
"Si carren at owen nandon sila" mahina at paulit ulit kong ani habang umiiyak. Agad ko namang naramdaman ang pag yakap sakin ni marvin kaya mas lalo akong napaiyak.
Rinig ko naman ang paulit ulit na hiyaw ni tyron habang sinasabing papasukin sya sa loob ng nasusunog na gusali na mas lalong nag paiyak sakin.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko dahil sumasakit na ang ulo ko pero narinig ko pa ang sinabi nga mga kaibigan ko.
"Masaya na sila kung nasaan man sila ngayon, pareho silang masaya dahil mag kasama sila hanggang sa huling hininga nila. Sila talaga ang matatawag nating forever dahil sabay silang kinuha ni god. hindi pumayag si god na maiwang mag isa si carren dahil sa sakit ni owen.." boses yon ni Emoji at kahit hindi ko sya tingnan ay alam kong nakangiti sya.
"Masyado na silang nag hirap pero ngayon nasa heaven na sila don wala ng sakit at hirap" si V naman ang nag salita.
"Gagawin namin ang lahat para lang mabigyan kayo ng hustisya" malamig ang boses na ani ni Gab na sinangayunan naman naming lahat.
Tama 'yon. Sisiguradohin kong mabibigyan ng hustisya ang pag kamatay ng dalawa kong kaibigan at kung kinakailangang ako ang pumatay sa pumatay sakanila gagawin ko.
"Tangina. Papatayin ko ang taong gumawa sakanila nito" rinig kong sabi ni tyron na ngayon ay paulit ulit na sinusuntok ang kotse nya.
At kahit na nahihilo ay nagawa ko paring lapitan si tyron. Hinawakan ko sya sa balikat at binulungan.
"I can help you to kill her"
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...