CHAPTER 30

195 5 0
                                    

CHAPTER 30


"Baby, he's your real dad and starting today we will live here with him"

Muli nanamang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Irish. Hindi nya ata alam na kasal na ang ex-fiance nya na iniwan nya.

Gusto kong mainis at magalit pero pinigilan ko ang sarili ko dahil masyado akong nanghihina ngayon.

At paano ko naman magagawang magalit eh kitang kita ko kung gaano sumaya ang mga mata ni marvin habang nakatingin sa anak nya.

Ang daming katanungan sa isip ko tulad ng kung hindi kaya ako nakunan at nanganak ako magiging masaya rin kaya sya? makikilag balikan ba sya kay irish? paano na ako? iiwan na ba nya ako?

Nandito ako ngayon sa bahay ni tyron. Yes, Bahay ni tyron dahil wala naman akong ibang mapupuntahan ngayon kaya sya ang tinawagan ko para mag pasundo.

Alam ko naman kaseng marami ring problema ang mga kaibigan ko kaya hindi ako pwedeng dumagdag pa sa mga suliranin nila.

Umalis ako sa bahay kanina nang dumating si irish at hindi ko alam kung napansin ba ni marvin na wala ako dahil masyado syang abala sa pakikipag usap kay irish at sa pakikipag laro sa anak nya.

"Baka hinahanap kana nya" rinig kong sabi ni tyron kaya napatingin ako sakanya.

"He's busy. Bumalik na ex-fiance nya na mahal na mahal nya at kasama pa ang anak nila. Kaya hindi ako non hahanapin" mahinang sagot ko. Napaawang naman ang labi nya habang nakatingin saakin na para bang hindi sya maka paniwala.

"You know what you can stay here anytime you want" nakangiting sabi nya at tumango lang ako saka humiga na sa malambot na sofa.

Hindi parin mawala sa isip ko ang pag tawag saakin ni irish na secretary at dahil don narealize ko na secretary nga lang pala ako na pinag panggap ng boss nyang maging asawa nya sa loob ng 20 days.

Ngayong wala na ang anak namin pakiramdam ko ay wala na akong karapatan sakanya lalo ngayon na bumalik na ang babaeng mahal nya at may anak na sila.

Imposibleng hindi sya makipag divorce saakim para makipag balikan kay Irish lalo at wala naman na ang anak namin na dahilan kung bakit sya nag istay saakin.

pero kahit ganon ay gusto ko paring makita at makasama ang asawa ko.

Nangako ako noon na hindi ko sya iiwan maliban nalang kung sya ang mangiiwan saakin at babalik sa ex nya.

Ang mga magulang ko. Ang bestfriend ko at ang baby ko ay iniwan na ako kaya hindi ako papayag na pati ang asawa ko ay mawawala saakin.

Mahal ko sya at mahal nya rin at yan ang pang hahawakan ko ngayon.

"I want to see him, ty" mahinang ani ko tyron. Agad namang nag liwanag ang mukha nya at mabilis na tumayo.

"Ilang oras ko ng hinihintay na sabihin mo yan kaya tara na" nakangiting sabi nya at inalalayan ako sa pag tayo.

Nang maka sakay kami sa kotse nya ay agad nya 'yong pinaandar papunta sa bahay namin ni marvin.

"I'll stay here. Just call me if you need something" ani ni tyron ng maka rating kami sa bahay. Tinanguan ko lang sya at bumaba na sa kotse nya saka pumasok sa loob ng bahay.

Nangunot naman ang noo ko ng ang maabutan ko lang sa sala ay ang anak ni marvin na nag lalaro ng car toys.

"Baby, Where's your mommy and daddy?" tanong ko ng makalapit ako sakanya.

Lumuhod pa ako para mapantayan sya.

Nag angat naman ang tingin nya saakin at nagulat nalang ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit.

"Mama Angel is that you po ba?" tanong ng bata ng humiwalay sa pag kakayakap sakin.

Taka ko naman syang tiningnan. "Tita angel?" tanong ko sakanya. Tumango tango naman sya.

"Ikaw po yong nag save saakin sa dreams ko. I always saw your face po in my dream mama angel" sabi nya habang pinipisil pisil ang pisngi ko.

Napangiti nalang ako habang pinapanood sya sa ginagawa nya. Ang cute nya. Pero nawala agad ang mga ngiti ko sa labi ng makita ko ang mga pasa nya sa braso na natatakpan ng long sleeves nyang damit.

Hindi naman ako tanga para isiping paso lang yon o simpleng pasa na nakuha lang sa pag lalaro dahil ang pasa na mayroon ang bata ay pasa na tanda na sinasaktan sya.

"Baby stay here ha mag laro ka nalang po ulit" ani ko sa. Nginitian nya lang naman ako at bumalik na sa pag lalaro kaya umakyat na ako sa taas.

Nang maka akyat ako sa taas ay agad kong binuksan ang pinto ng kwarto naming mag asawa na agad ko namang pinag sisihan dahil sa nakita ko.

Ang lahat ng sakit ay bumalik saakin. Ang sakit ng pag kawala ng mga magulang ko. Ang sakit ng pag kawala ni carren at ang sakit ng pag kawala ng baby ko.

Parang nag sama sama ang lahat ng sakit na naramdaman ko non habang nakatingin kay Irish at sa asawa ko na mag katabi sa kama at parehong walang mga saplot.

Putangina.

Kahit na nanginginig na ang buong katawan ko sa pinag samang sakit at galit ay nagawa ko paring mag lakad pababa ng hagdan pero nang makababa na ako ay hindi ko na kinaya at natumba na ako sa sahig at doon umiyak.

"Mama angel okay ka lang po ba?" nag aalalang tanong ng bata at pilit akong inaalalayan sa pag tayo.

Sobrang sakit ng pakiramdam ko pero nagawa ko paring ngumiti habang naka tingin sa batang nasa harapan ko.

"Baby, Can you call the guy outside?" nanghihinang tanong ko sakanya. Hindi naman sya nag salita pero mabilis syang tumakbo papunta sa labas at maka lipas lang ang ilang minuto ay kasama na nya si tyron.

At nang makita ako ni tyron ay mabilis syang lumapit sakin at inalalayan ako sa pag tayo.

"What happened, Zy?" nag aalalang tanong nya.

Muli namang bumalik sa utak ko ang mga nakita ko kaya mas lalo akong napa iyak.

"Ty, I saw him and irish naked while sleeping on our bed" umiiyak paring sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata nya pero hindi na sya nag salita at inalalayan nalang ako sa pag lalakad.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now