CHAPTER 32

197 5 0
                                    

CHAPTER 32

"Hoy ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ng lalaking naka maskara na tumabi saakin.

"Hindi, Paano ako magiging maayos kong ang lalaking mahal ko ay nakipag balikan sa Ex-fiance nya at may anak sila na 5 years old na. Tingin mo ba magiging maayos ako ha?" malakas na sabi ko sakanya. Mukhang nagulat naman sya sa pag sigaw ko.

"Cloud, Comfort her" rinig kong sabi nong lalaking nag dadrive.

"Masakit nga 'yon. Gusto mo ba ng yakap?" tanong ng katabi ko at nagulat pa ako ng bigla nyang tanggalin ang maskara nya at bigla nalang akong hinila at niyakap na mas lalo kong ikina iyak.


"MADAME, Pwede kana ba naming talian? kami kase ang malalagot" tanong nong isa nang maka baba kami sa van.

Tumango naman ako kaya tinalian na nya agad ako sa kamay pero ang pag kakatali naman ay yong mabilis lang matanggal.

Kidnapers ba talaga sila?

Napatigil naman ako sa pag iisip ng pumasok kami sa loob ng isang lumang gusali at napalunok nalang ako dahil sa sobrang damimg naka bantay don na may mga dalang baril.

Tangina bakit ba ako sumama sakanila?

Nagulat nalang ako ng biglang may humawak sa kamay ko at marahas akong hinila papasok sa loob ng isang kwarto.

Mahina akong napadaing sa sakit ng tumama ang paa ko sa isang kahoy dahil sa pag kakatuka sakin nong lalaki kanina.

Nang iangat ko naman ang tingin ko ay bumungad saakin ang mukha ng lalaking naka ngisi habang naka tingin saakin.

Lumuhod sya sa harapan ko at marahas akong hinawakan sa panga. "The Wife is already here. Ngayon ay hihintayin ko nalang ang pag dating ng asawa mo" nakangising ani nya.

Nakakatakot ang boses nya pero hindi ako nag patinag doon. Tinawanan ko lang sya ng mahina at kinalag ang tali sa kamay ko at kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko.

"Mali ka naman ng kinidnap mabuti pa ay patayin mo nalang ako dahil wala naman ng silbi ang buhay ko" walang emosyong sabi ko at ipinakita sakanya ang mga picture na inisend saakin ng kung sino.

Halata namang nagulat sya dahil sa nakita at bigla nalang nag mura ng paulit ulit.

Nagulat nalang ako ng bigla nya akong sampalin ng malakas na ikina tumba kong muli pag katapos ay iniwan na nya ako sa loob ng madilim at makalat na kwarto.

Nang maiwan na akong mag isa dito ay nanghihina lang akong napa sandal sa pader habang yakap yakap ang sarili.

Bigla nalang bumigat ang talukap ng mga mata ko at sa isang iglap lang ay naka tulog na agad ako.


HINDI KO ALAM kung ilang oras na ba akong naka tulog basta nagising nalang ako ng marinig kong bumukas ang pinto at pumasok don yong lalaking mukhang nag pakidnap saakin.

Napaka dilim ng mukha nya at sobrang sama ng tingin sya saakin.

"Wala ka naman palang silbi. Ilang oras ka ng nandito pero hindi parin dumadating ang asawa mo kaya papatayin nalang kita pero bago 'yon pag sasawaan muna kita" ngumiti sya ng nakakatakot at bigla nalang akong hinila at itinulak sa sofa na ikina hiyaw ko.

Tatayo na sana ako para tumakbo pero agad nya akong kinubabawan na ikina kabog ng puso ko sa takot at kaba.

Napapikit na lamang ako ng dahan dahan nyang ilapit saakin ang mukha nya at nagulat nalang ako ng maka rinig ako ng malakas na putok ng baril.

At nang mag mulat ako ay nakita ko ang lalaki na namimilipit na sa sakit habang hawak hawak ang paa nyang may tama ng baril.

Isang babae naman na mayroong mahabang Violet na buhok ang lumapit don sa lalaki.

"Bakit nyo sya kinuha?" ang malamig na boses nya ang nag pa lunok saakin.

"G-Gustong ma-makipag deal ng boss namin kay Acosta para labanan ang mga Villamerious" nanginginig na sabi ng lalaki.

Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ng babae pero ang tawa na yon ay nakaka takot.

"Tell me who's your boss?" napaka lamig ng boses nya at talagang nag hatid yon ng kakaibang takot sa buong sistema ko.

"Wala na sya dito–" hindi nagawang tapusin ng lalaki ang sasabihin nya dahil bigla nalang syang binaril sa ulo ng babae.

"Don't let anyone enter. I want to talk to Mrs. Acosta. Clear the building. Wala kayong ititirang buhay maliban nalang sa Dark Horizons at Black Knights. Wala na dito ang pinakang boss nila kaya kapag tapos na kayo ay makaka alis na kayo. And don't let Marvin Acosta Enter this room" malamig parin ang boses na sabi nya sa kausap nya sa cellphone.

Mahina naman akong napasinghap ng tumingin saakin ang babae habang naka ngisi.

"Do you really want to die with your child in your stomach?" nakangising tanong nya na ikina kunot ng noo ko.

"M-My ba-baby is already gone" utal kong sabi sa sobrang kaba.

Ngumisi naman sya at tiningnan ang tiyan ko. "Wala na nga ba?" nakangisi paring tanong nya na ikina tigil ko.

Dahan dahan naman akong tumingin sa tiyan ko at hinaplos yon. Ngayon ko lang din napansin na lumalaki ang tiyan ko.

No!

"Balita ko kusa kang sumama sa mga kidnaper" sabi pa nya. Ngayon ay naka upo na sya sa sofa na katapat ako.

"Alam mo bang asawa mo ang nag padala sakin dito para iligtas ka?" sabi pa nya na ikina gulat ko.

"Nasan sya?" mabilis na tanong ko.

"Nasa labas na siguro sya ngayon baka nag pupumilit ng pumasok dahil natatakot sa kung ano mang sasabihin ko sayo" nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"May dapat ba akong malaman?" tanong ko sakanya.

"Marami, Mrs. Acosta. Pero hindi ako ang mag sasabi sayo non kundi ang asawa mo mismo" sagot nya.

"Sino ka ba?" tanong ko sakanya habang pinipilit patapangin ang boses ko.

"I'm Mckenzie Charm Hestia France Villamerious but you can call me Charm. Kaibigan ng lalaking mahal mo at mahal na mahal ka rin" pag papakilala nya na wala paring emosyon ang mukha.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now