CHAPTER 11

241 5 0
                                    

CHAPTER 11

ZYRA FAYE'S POV

The wedding went well. Maraming kilalang tao ang umattend at kabilang na don ang mga Villamerious at Villamerial.

Umattend din ang mga kaibigan ko pero kinailangan din nilang umuwi agad dahil marami daw silang aasikasuhin.

Ngayon ay nandito ako sa bahay ng boss ko or should i say asawa ko. Sobrang bilis ng mga pangyayari at wala ako sa mood para alalahanin pa ang mga 'yon.

Buong reception ay in-game kaming dalawa sir acosta sa pag papanggap na mahal na mahal ang isa't isa kahit na alam namin na wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa. Kaming dalawa lang ang nakaka alam sa usapan namin and we will keep it like that.

"If you're not comfortable with me i will sleep in the guest room" boses yon ni sir acosta na kakalabas lang ng banyo.

Nag lakad sya palapit sakin at ginulo ang buhok ko. "Mag palit kana, masyadong mainit yang dress na suot mo." ani nya.

Tumango lang ako at nag lakad na papasok sa cr ng kwarto nya. Dahan dahan kong hinubad ang suot kong dress at tiningnan ang katawan ko sa malaking salamin.

Mapait akong tumawa nang makita ang peklat sa kanang bahagi ng tagiliran ko. Ito ang nag papaalala sakin kung gaano kasakit at kasama ang nangyari noon. At ngayon dalawa na ang peklat na nasa tagiliran ko at iisang tao lang ang gumawa non.

Napapikit nalang ako nang bumalik sa alaala ko ang lahat nang nangyari. Nanginginig na ang buong katawan ko pero nagawa ko pading tumubog sa bathtub at pinuno iyon ng tubig.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nandon at umiiyak basta naramdaman ko nalang ang pag buhat saakin ni sir acosta.

Wala akong kahit anong suot kaya agad na bumalik sa katinuan ang isip ko.

"Ibaba mo na ako" walang emosyong sabi ko sakanya. Mabuti nalang at nakinig sya sakin dahil binitawan nya ako at pinalibutan ng towel ang hubad kong katawan.

Agad naman akong bumalik sa banyo upang mag bihis ng damit na hiniram ko sakanya at nang matapos ako ay lumabas na ako saka tinuyo ang buhok.

"It's should be our honeymoon tonight but I think you need to take a rest now. Baka bumuka ang sugat mo"

Natigilan ako sa pag aayos ng buhok ko nang marinig ko ang sinabi ni sir acosta habang naka higa sya sa kama.

Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa sinabi nyang honeymoon. Damn Zyra!

Of course may honeymoon na mangyayari dahil mag asawa na kayo ng boss mo ngayon. Well hindi naman na ako bata para mag inarte or what. I mean pumayag ako sa kasal na'to kaya kung hihilingin nyang gawin namin ang bagay na'yon ay hindi ako tatanggi dahil ginusto ko naman ang maikasal sakanya.

Huminga lang ako ng malalim at nag lakad palapit sa boss ko na ngayon ay asawa ko na. Nakahiga sya sa kama habang nakapikit na parang may malalim na iniisip.

Wala syang suot na damit kaya naman kitang kita ko ang katawan nya. Gustohin ko mang titigan yon ay hindi ko na ginawa.

Humiga ako sa katabi nya at nag salita.

"Do we really need to do that?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang honeymoon. Hindi ko alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa kaba.

"I really want to but i won't force if you dob't want to at isa pa baka bumuka ang tahi mo." sagot nya. Kahit papano ay nawala naman ang kabang naratamdaman ko pero mabilis padin ang tibok ng puso ko. Siguro dahil katabi ko sya ngayon sa kama at sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa.

Nakaramdam na ako ng antok kaya dahan dahan na akong pumikit para matulog.

"Papatayin din kita tulad ng pag patay ko sa mga magulang mo" nakangising sabi ng isang lalaking kilalang kilala ko.

May dala dala syang kutsilyo at hinahabol ako kaya wala akong nagawa kundi ang tumakbo ng tumakbo.

Nanginginig na ang katawan ko habang tumatakbo dahil sa takot at mas lalong nilukob ng takot ang buong pag katao ko nang wala na akong matakbuhan.

Dead end!

"Pano ba yan wala ka ng matatakbuhan ngayon" nakangising sabi pa nya at tumawa ng malakas at mabilis na lumapit sa'kin.

At sa isang iglap lang ay naramdaman ko na ang paulit ulit na pag saksak nya saakin gamit ang kutsilyo.

"Hey faye wake up" isang tinig ang nag pagising sa buong sistema ko.

Mabilis akong napabangon mula sa pag kakahiga at nanghihinang tiningnan ang taong gumising saakin.

Bumungad saakin ang nag aalalang mukha ng asawa ko. Gustohin ko mang mag salita pero walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko at tanging pag iyak lang ang nagawa ko.

Then a warm hug from him made me stoped crying and for some reasons his hug makes me calm.

Nang humiwalay sya sa pag kakayakap sakin ay hinawakan nya ang pisnge ko at tinuyo ang luhang tumulo galing sa mga mata ko.

Pero wala sakanya ang atensyon ko kundi nasa latag sa ibaba ng kama. May dalawang unan don at isang kumot at may isa padin na kumot na naka latag. Mukhang napansin naman nyang nakatingin ako don dahil bigla syang nag salita.

"Baka kase hindi ka komportableng may katabi sa kama kaya sa baba nalang ako" mahinang sabi nya na ikina tahimik ko.

"Matulog ka na ulit" nakangiting sabi nya at inalalayan ako sa pag higa at pag katapos at humiga nadin sya sa higaan nya nasa ibaba ng kama.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko para matulog pero hindi ko magawa dahil bumabalik sa alaala ko ang mga nangayari noon at siguradong manananiginip nanaman ako ng masama.

It's been 10 years at sa loob ng sampung taon na'yon ay hindi ako nag karoon ng magandang tulog dahil palagi akong binabangungot o nananaginip ng masama.

Matapang ako pero ngayon ay hindi ko alam  ang gagawin ko dahil pakiramdam ko, sa oras na pumikit ako ay mapapanaginipan ko nanaman yon.

"Faye are you okay?" rinig kong tanong ni marvin.

"I can't sleep because of those nightmares" pag amin ko. Hindi naman sya nag salita pero naramdaman ko ang pag tayo nya at ang pag higa nya sa katabi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sobrang lapit na namin sa isa't isa at hindi ko mapigilang mapa tingin sakanya.

Nakatitig lang sya sakin na para bang nag aalala. At nagulat nalang ako ng bigla nya akong hilahin palapit sakanya at niyakap ako.

"My friend told me that hugs can stop those nightmares from bothering someone. So let me hug you until you fall as sleep" mahinang ani nya habang nakayakap saakin.

Naramdaman ko din na iniangat nya ang ulo ko at ginawang unan ko ang kamay nya habang yakap yakap padin ako na lihim kong ikinangiti.

Nakaramdam na ako ng antok kaya agad akong pumikit pero bago pa ako makatulog ay naramdaman ko ang malambot na bagay na lumapat sa noo ko.

"Goodnight, Baby" rinig kong sabi pa nya bago ako tuluyang makatulog.


VICEKATE|V.K

PS: I'm back... So balak kong tapusin 'to this month din. uunahin ko 'to bago yong kay hestia para maisunod ko na ang story drake.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now