CHAPTER 6

156 3 0
                                    

CHAPTER 6

"Marry me and be my wife"

"Wala na bang ibang choice?" tanong ko sakanya. Umiling naman sya para sabihing wala ng ibang choice. Napangiwi nalang ako at tumingin nalang sa bintana para makita ang dinadaanan namin.

Papunta kami ngayon sa kompanya dahil tumawag sakin si jhea isa sa empleyado na dumating daw kanina lang ang parents ni sir at kasama ang nag iisang anak na babae ni mr. and mrs. lacuin.

Mukhang alam ko na kung bakit last week nabanggit sakin ni Gab my bestfriend na ipina arranged marriage sya ng parents nya sa lalaking hindi nya kilala at si gab ang nag iisang anak na babae ng mga lacuin.

Gabrielle Marie Lacuin ang buong pangalan nya mabait, matalino at sobrang ganda pero mukhang hindi sila mag kakasundo ni sir marvin kung sakaling ipapa arrange marriage sila.

Nang maka rating kami sa kompanya at nag sakay agad kami ni boss sa elevator para mabilis maka punta sa office nya.

Sigurado akong hindi tatanggapin ni boss ang arrange marriage na yon at sigurado din akong hindi papayag ang bestfriend ko dahil isa syang man hater as in galit sya sa lahat ng lalaki.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harap na kami ng opisina ni boss. Kumatok ako don ng tatlong beses bago buksan ang pinto para maka pasok si boss.

"Mabuti naman at dumating ka anak i want you to meet gabrielle your future wife" bungad ni mrs. Acosta na ikina tawa ko ng mahina dahil sa lihim na pag irap ni gab.

Samantala isang mahigpit na yakap naman ang isinalubong sakin ni gab ng makita nya ako.

"Namiss kita" parang batang sabi nya pag kabitaw sa yakapan namin. Hinawakan nya ang braso ko at bumulong.

"Help me ayaw ko mag pakasal" natatawa ko syang tiningnan at itinuro ang boss na ngayon ay kunot na kunot ng noon.

"Ayaw din nya sa arrange marriage kaya di mo na kailangan mag alala" nakangiting sabi ko.

"Mabuti pa umuwi na kayo dahil hindi nyo ako mapapa payag sa arrange marriage na yan." malamig na sabi ni boss na hindi manlang tinapunan ng tingin ang mga magulang.

"Kailangan mong mag pakasal para matigil na ang mga bali balita na isa kang bak–" bago pa maituloy ng mommy ni boss ang sasabihin nya ay sinenyasan ko na si gab na gumawa ng paraan.

Nagulat ako ng bigla nalang matumba si gab kaya agad ko syang sinalo.

"Gab okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ko. Napunta naman samin ang atensyon ng mga magulang ni boss kaya nag mamadali silang lumapit samin.

"Anong nangyari?" tanong nila pero umiling iling lang ako at muling tiningnan si gab na ngayon ay walang malay.

"Gab wake up" tinapik tapik ko ang pisnge nya, Nag mulat naman sya na ikina hinga ko ng maluwag.

"Okay ka lang ba?" tanong ng daddy ni boss kay gab Tumango si gab at dahan dahang tumayo kaya inalalayan ko sya.

"Iuuwi na muna namin si gab mukhang masama ang pakiramdam nya" sabi naman ng mommy ni boss.

Inalalayan nila si gab sa pag lalakad at umalis na pero bago sila tuluyang maka alis ay lumingon pa sakin si gab at kinindatan ako na ikina ngiti ko, nag okay sign lang ako sakanya at nag babye.

"She's your friend?" napatingin ako kay boss dahil sa tanong nya. Nakangiti akong tumango at umupo sa sofa.

Nangunot ang noo ko nang may makita akong picture frame sa mesa ni boss, ngayon ko lang nakita ko yon kaya agad kong kinuha para tingnan.

Pero bago ko pa matingnan yon ay may kumuha na non sakin. Tiningnan ko kung sino yon at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si sir marvin yon na wala suot na damit kaya agad akong napa pikit.

"Sir ano ba mag bihis ka nga" inis na sabi ko at nag mulat na pero tinawanan nya lang ako kaya inirapan ko sya.

Tatayo na sana ako sa sofa ng may makita akong ipis. "Boss ipis" malakas na sabi ko nang makita kong papunta sa paahan ni sir ang malaking ipis.

Alam kong takot sya sa ipis kaya sinabi ko sakanya na may ipis sa paahan nya. Narinig ko ang pag mumura at ang lakabog ng mga nahulog na gamit.

Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari dahil namalayan ko nalang na naka dag-an sakin si sir habang pinag papawisan.

Tita tumigil sa pag ikot ang mundo ko habang pinag mamasdan ang gwapo nyang mukha na sobrang lapit sa mukha ko.

"Son nandito naiwan ko ang bag ko babalikan ko lang" narinig ko ang boses ng mommy ni boss kaya itutulak ko na sana ang boss ko na ngayon ay naka patong sakin  pero hindi ko sya magawang itulak dahil nanghihina ang mga kamay ko.

"I'm sorry faye but i need to do this"

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni sir. Nag tataka ko syang tiningnan, mag sasalita na sana ako para tanongin sya pero biglang nag bukas ang pinto ng opisina at kasabay din ng pag bukas ng pinto ay ang pag lapat ng labi ng boss ko sa labi ko na ikina panlaki ng mga mata ko.

"What is the meaning of this?"

Malakas kong naitulak ang boss ko at mabilis na tumayo dahil sa sobrang hiya. Nasa harapan namin ang parents ng boss ko at nakita nila lahat.

"Mali po kay–" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may marealize akong isang bagay.

Sinadya 'yon ng boss ko. Sinadya nyang makita kami ng mga magulang nya pero bakit?

"Kaya ba ayaw mong pag kasal dahil may relasyon kayo ng secretary mo?" hindi maka paniwalang ani ng daddy ni sir marvin.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling iling para tumanggi pero mukhang iba ang plano ng boss ko dahil sa bigla nyang pag akbay sakin.

"Mom and Dad i want you to meet my Lovely Girlfriend" napanganga ako dahil sa nga sinabi ni sir. Mahina ko syang kinurot sa tagiliran pero tiningnan nya lang ako na para bang sinasabing sumakay nalang ako sa kalokohan nya.

"Ang totoo nga nyan balak na naming mag pakasal next month"

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now