CHAPTER 39

245 4 0
                                    

CHAPTER 39

"Are you ready to meet them?" tanong ni kuya ty na mas nag padagdag sa kabang nararamdaman ko.

Naka sakay kami ngayon sa kotse nya at papunta kami sa bahay ng mga magulang namin, for the first time. Hindi namin kasama si raze at marvin dahil ang sabi ni marvin ay kailangan ko daw maka usap ng maayos ang mga magulang ko.

"Kasalanan mo naman kung bakit ako kinakabahan" inis kong sabi sakanya pero tinawanan nya lang ako. Paanong hindi ako kakabahan ay panay ang kwento nya sakin na nakaka takot ang mga magulang namin.

Nang tumigil na ang sasakyan ay may lalo akong kinabahan. Hindi ko magawang lumabas ng kotse kung hindi pa ako hinila palabas ni ty.

"Para ka namang tanga nyan bagay ayaw mong pumasok" nang aasar na ani ni ty.

Kaya sinamaan ko lang sya ng tingin at naunang mag lakad papasok sa loob ng malaking bahay.

Nang maka pasok naman kami don ay bumungad saakin ang isang babae at isang lalaki na parang nasa 50+ na pareho.

Nakangiti lang sila habang naka tingin saakin at napatingin naman ako kay ty ng bigla nya akong akbayan.

"Mom and Dad. Meet my girlfriend" sabi ni tyron na ikina ngiwi ko. Tinanggal ko ang kamay nyang naka akbay sakin at sinamaan sya ng tingin. Mag sasalita pa sana ako para awayin si ty pero nagulat nalang ako ng may yumakap sakin ng mahigpit.

"Oh my gosh. My daughter. My baby zyra"

Paulit nyang bulong habang naka yakap sakin at naramdaman ko rin na nababasa na ang damit ko. She's crying while hugging me.

Gumanti ako sakanya ng yakap at hinagod hagod ang likod nya. Hindi ko kailan man naramdaman ang ganto ka gandang pakiramdam kapag niyayakap ko ang mga kinagisnan kong magulang.

Siguro ito nga ang pakiramdam kapag kayakap mo ang tunay mong magulang. Sobrang gaan sa pakiramdam.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba kaming mag kayakap. At nang humiwalay sya sa pag kakayakap sakin ay hinawakan nya ako sa kamay at pinaupo sa sofa.

"My baby zyra" nakangiting sabi nya habang hinahaplos ang pisngi ko.

"Call her mama, zy" mahinang bulong sakin ni ty na katabi ko lang.

"Ma, Pa, kumain na po ba kayo?" wala sa katinuang tanong ko habang naka tingin sa mag asawang nasa harapan ko–My parents.

Taka naman silang tumingin sakin habang si ty ay nag tatawa lang sa tabi ko.

"Hindi ka pa ba kumakain, Ija?" tanong ni papa.

"Hindi pa ho kase ako pinakain ni kuya ty." nakangising sabi ko na ikinatigil ni ty sa pag tawa. Pinanlakihan nya ako ng mata pero nag kibit balikat lang ako.

"Sakto may niluto ako. Halika at kumain na tayo" si mama naman ang nag salita at hinila ako papunta sa kusina kung saan mayroong malaking lamesa na punong puno ng mga pag kain na ikina nganga ko.

"Sino pong may birthday?" tanong ko.

"Wala, anak. Sadyang Oa lang ang mama mo at nag handa ng ganyan karami" sagot ni papa na ikina tawa ko ng mahina.

Sinamaan lang sya ng tingin ni mama at nakangiting inabutan ako ng pinggan may kanin at kung ano anong ulam.

"Let's pray first" nakangiting ani mama ng maka upo kaming lahat sa upuan.

"Lord, Thank you for bringing back our daughter. Thank you for everything. I wish my family a good health and life. Thank you."

Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil sa sinabi ni mama. Matapos naming mag dasal ay nag simula na kaming kumain.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now