CHAPTER 2
"Malandi kang babae ka"
"Ikaw ang malandi nauna ako sayo"
"Mangaagaw"
"Kabet ka"
"Napaka walang kwenta nyo"
"Nilandi nyo sya kaya pumatol sa inyo"
"Akin lang sya"
Napapatawa nalang ako habang pinapanood ang pitong babae na mag away away sa harapan ko and yes pinag sama sama ko silang pito dito sa restaurant para isang trabaho lang ang gagawin ko no need ng isa isahin sila.
"Stop" malakas na na sabi ko na ikina tigil nilang pito. Sabay sabay silang tumingin sakin ng masasama pero inirapan ko lang sila.
"Lahat naman kayo malalandi. I am Marvin's wife" walang ganang sabi ko at pinakita sakanila ang singsing ko.
Nag lakihan naman ang mga mata nila at nag tinginan sa isa't isa bago sabay sabay na nag yuko na para bang mga hiyang hiya.
"1million for each of you para tigilan nyo na ang asawa ko" pag kasabi ko non ay nag labas ako ng pitong tseke na may perma ni sir marvin at sinulatan yon ng tigiisang milyon.
Iniabot ko yon sa kanila at nag lakad na paalis.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yon papunta sa bahay ko. Ilang minuto lang ay naka rating na ako don.
Ipinark ko ang sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bahay ko.
Ang bahay na ito ay kakapatayo ko palang 1year ago sa tulong padin ni sir marvin. kung titingnan sa labas ay simpleng bahay lang ito pero hindi.
Inaantok akong nag lakad palapit sa malaking painting at pinindot ang button na nasa gilid non. Napangiti ako ng bumukas ang malaking painting bumungad sa harapan ko ang elavator. Sumakay ako don at ini scan sa scanner ang mata ko. nang matapos ang mga proseso ay nag simula ng umandar pababa ang elevator.
Biglang pumasok sa isip ko si sir marvin. Ano na kayang ginagawa nya ngayon? Tapos na kaya silang mag usap ng mga magulang nya? o pumayag na kaya syang mag pakasal?
Pero imposible namang pumayag sya dahil alam kung hanggang ngayon ay hinihintay padin nya ang babaeng yon. Ang babaeng dahilan kung bakit nag kanda letse letse ang buhay nya.
I really hate that girl dahil sa mga ginawa nya kay sir marvin pero wala akong magagawa dahil mahal sya ng boss ko kaya nanahimik nalang ako.
Napabalik ako sa katinuan nang mag bukas na ang pinto ng elavator. Lumabas ako sa elevator at bumungad sakin ang mga taong abala sa pag gamit ng mga computer. Napatingin ako sa malaking screen na nasa gitna kung saan makikita ang mga nangyayari sa buong building ng M&Z Interprise.
Pati ang mga nangyayari sa labas ng building ay makikita din sa malaking screen na nasa harapan ko.
"Andy How's work?" nakangiting tanong ko sa lalaking incharge sa lahat ng camera. Humarap sya sakin nanlalaki ang mga mata at pag katapos ay bigla syang tumayo at sinalubong ako ng mahigpit na yakap na ikina tawa ko.
"Namiss kita maam zyra" napailing iling nalang ako dahil sa sinabi nya at humiwalay sa pag kakayakap nya.
"Nong isang buwan lang ay mag kasama tayo tapos miss mo na agad ako" tumawang sabi ko na ikina simangot nya.
Mag sasalita pa sana sya ng biglang tumunog ang mga alarm sa paligid na naging dahilan ng pag kaka gulo ng lahat.
Natatarantang bumalik si andy sa kinauupuan nya at nag pipinindot sa computer nya.
"Sir andy may problema sa CEO" malakas na sigaw ng isa sa mga kasamahan ni andy na si Jamie.
Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni jamie. May problema sa ceo? kay sir marvin?
Isang video ang play sa malaking screen. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sa office yon ni sir marvin. Nag tatapon sya ng mga gamit at paulit ulit na sinusuntok ang pader na ikina taranta ko.
Nag mamadali akong tumakbo paalis para puntahan si sir marvin dahil kapag hindi ko binilisan ay siguradong may gagawin nanaman syang pwede nyang ika pahamak katulad ng nangyari 3 years ago at hindi ako papayag na mangyari ulit ang bagay na yon.
Nang maka labas ako ay mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinaandar yon. Habang nag dadrive ay sinusubukan kong tawagan si sir marvin pero hindi nya sinasagot yon siguro ay patay ang cellphone nya.
Mabuti nalang at hindi traffic kaya mabilis akong naka rating sa kompanya ng walang kahirap hirap. Agad akong bumaba sa kotse ko at ibinigay sa guard ang susi para sya na ang mag park.
Hindi ko pinansin ang mga empleyado na bumabati sakin ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay ang puntahan si sir marvin bago pa sya lumabas ng office nya at gumawa ng gulo.
Nagawa kong gawan ng paraan ang nangyari 3 years ago pero kapag naulit pa yon ngayon ay siguradong hindi ko na magagawan ng paraan at baka this time ay maparusahan na sya kung hindi ko sya agad mapipigilan
Malapit na akong maka rating sa office nya nang makasalubong ko sya na kakalabas lang sa opisina nya.
"Boss ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ko sakanya pero hindi nya ako pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad. Agad ko naman syang sinundan para patigilin sa pag lalakad pero masyado syang mabilis mag lakad kaya hindi ko sya mahabol.
Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya at sa tingin ko ay may maka bangga lang sya ay manununtok na sya.
Kaya naman para maiwasan yon ay binilisan ko ang pag lalakad at iniharang ang sarili sa daan para pigilan sya sa pag lalakad.
"Bumalik na tayo sa office mo boss" mahinahong sabi ko at hinawakan sya sa kamay. Mukha namang natauhan sya dahil tinanggal nya ang kamay ko sa pag kakahawak sa kanya. Nag lakad sya pabalik sa office nya na ikina hinga ko ng maluwag.
Nang maka pasok kami sa office nya ay bigla syang nag salita na ikina gulat ko. Hindi dahil nag salita sya kundi dahil sa sinabi nya na hindi kapani paniwalang sinabi nya.
"Mag papakasal na ako"
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...