CHAPTER 17

237 6 0
                                    

CHAPTER 17


"Ano bang iniisip mo at nag papaulan ka ha?" sigaw ko sa lalaking nasa harapan ko.


Kunot noo naman syang tumingin saakin at matagal akong tinitigan na para bang kinikilala ako.


"Zyra Baby, Is that you?" tanong nya habang hinawakan ang mukha ko. Mabilis naman akong tumango.


"Baby, Please talk to me" malambing na sabi nya na ikina tigil ko at mas lalo akong napa tigil nang yakapin nya ako.


Nagulat naman ako ng bigla syang lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.


"Baby, Please don't leave me." nag mamakaawang sabi nya na ikina nganga ko.

Malakas ang ulan pero rinig na rinig ko ang pag iyak nya habang nakaluhod and it breaks my heart.


"Wag mo akong iwan, Please. Ngayon pa kung kailan hulog na hulog na ako? Wag please, baby." sabi nya pa na ikinapanlaki ng mga mata ko.


Gustong gusto ko syang patayuin ay yakain pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na sa oras na gawin ko yon ay hindi ko na sya pakawalan pa.


"I already told you, Marvin. Ayaw kong makulong ka sakin dahil hindi naman ako ang mahal mo. Alam kong mahal mo parin ang ex mo" walang emosyong sabi ko.


"Trust me, Faye. Naka move on na ako sakanya. Gusto kong mag stay tayo as married couple dahil gusto kong mabigyan ng masaya at kompletong pamilya ang magiging anak natin." natigilan ako dahil sa sinabi nya.


"I want to be a good father, Faye. Ayaw kong balang araw mag tanong ang anak natin kung bakit hindi mag kasama ang mama at papa nya." dagdag pa nya.


Ngayon ay natulala na talaga ako dahil sa sinabi nya. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko. Kung hindi ako papayag sa gusto nya at mag didivorce kami parang sinira ko na ang pangarap nyang maging mabuting ama.


Kinagat ko ang pang ibaba kong labi para pigilan ang pag iyak at hinawakan sya sa kamay saka pinatayo sya.


"Naiintindihan kita, pero paano ka? kung mananatili tayong kasal alam mong habang buhay ka ng matatali saakin. Hindi mo na mababalikan ang babaeng mahal mo ayos lang ba sayo yon? Ayos lang ba sayong hindi ang babaeng mahal mo ang makaka sama mo habang buhay? Kase sinasabi ko sayo, Marvin. Marriage is not a game. Habang buhay mo na akong kasama kapag nag desisyon kang manatili tayong kasal. Ako na ang makakasama mo. Ako na babaeng hindi mo naman mahal" seryosong ani ko sakanya.


"Hindi ka mahirap mahalin, Faye. Malay mo nga hindi mo lang alam mahal na pala kita. O kung hindi man pag mamahal ang nararamdaman ko ngayon sayo. Then trust me baby kaya kitang mahalin kung hindi man ngayon, malay mo bukas o kung hindi man bukas time will come." napa nganga nalang ako dahil sa sinabi nya.


"Ay pano kung hindi dumating ang panahon na yan? Paano kung hindi mo ako matutunang mahalin? Paano kung bumalik ang babaeng mahal mo ha? Sige nga sagot."


Hamon ko sakanya. Kalmado ako ngayon pero naiinis ako. Naiinis ako kapag naiisip kong babalik ang ex nya at iiwanan nya kami ng anak ng para lang maka sama ang babaeng mahal nya.


"Hmm, I doubt that. Ngayon pa nga lang tingin ko ay nahuhulog na ako sa'yo" ani nya at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.


"Paano mo naman nasabi ha?" tanong ko. Nangunot naman ang noo ko ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at inilapat 'yon sa dibdib nya kung nasaan ang puso nya.


"Can you feel that? My heart beats so fast whenever you're near. You can cause chaos inside me and yet you are also the one who can make me calm. Now tell me what am i feeling if this is not love?" hindi ako maka pag salita dahil sa mga sinabi nya.


What the hell?


At nang handa na akong mag salita ay bigla nanaman syang lumuhod sa harapan ko.


"Tumayo ka nga jan" utos ko sakanya pero hindi sya tumayo. Nagulat nalang ako ng hawakan nya ang tiyan ko at marahang hinaplos yon at hinalikan.


"Baby, Can you please tell your mom to not leave me?" napaka lambing ng boses nya at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.


Pareho naman kaming natigilan ng may kotse na tumigil sa harapan namin at sumilip sa binta ang isang lalaki.



"Bakit ba jan pa kayo sa ulanan nag dadrama? May bahay naman kayo diba?"


Sigaw ng lalaki na pamilyar saakin.


"Lorenzo?" sabay na tanong ni marvin na ngayon ay naka tayo na.


"The one and only. So sasabay na ba kayo pauwi?" tanong nya.


"Nope. May dala kaming sasakyan" sagot ko sakanya.


"Okie, Babye" kumaway pa sya samin bago tuluyang paandarin ang sasakyan nya paalis.


Sakto namang pag alis ni lorenzo ay ang pag dating ni Mhirco. Agad ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan at hinila si marvin papasok don.


Nang mag simula ng umandar ang sasakyan ay saka lang ako naka ramdam ng lamig.


"Nilalamig ka?" tanong ni marvin. Tumango naman ako at saka niyakap ang sarili dahil sa lamig.


Napatingin naman ako kay mhico nang may iabot sya samin ni marvin na malaking paper bag.


"May mga damit jan"


Kinuha naman 'yon ni marvin at agad na inilabas don ang dalawang damit. Isang pang lalaki at isang pang babae at at dalawa ring shorts pero ang nag pa kunot ng noo ko ay ang undergarments na kasama ng mga damit.


"Regalo ko sana sa kapatid ko 'yan pero dahil kailangan nyo isuot nyo na." mabilis na sabi ni Mhico bago pa ako maka pag isip ng kung ano.



"Mhico close your mirror. My wife will change her clothes" maawtoridad at malamig na sabi ni marvin na ikina lunok ko. Nakakatakot sya kapag ganon ang boses nya.


Agad namang ginawa ni Mhico ang iniutos ni marvin. "Change your clother. Masama para sainyo ni baby ang maligo sa ulan" biglang naging malambing ang boses nya.


"Close your eyes" nakangiwing sabi mo sakanya. Agad naman syang pumikit kaya hinubad ko na ang basa kong damit. Pati ang panloob ko ay tinanggal ko at isinuot ang sports bra kulay asul at damit na kulay asul din na galing sa paper bag.



Sunod ko namang hinubad ang paltalon na suot na suot ko at isinuot ang panty and shorts.


Nang matapos akong mag bihis ay si Marvin naman ang nag bihis at tulad ng ginawa nya kanina ay pumikit rin ako.

Hanggang sa maramdaman kong nilalamon na ako ng antok.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now