CHAPTER 19

101 5 0
                                    

CHAPTER 19



"Ano wala pa ba ang asawa nyan?"

"Wala pa, boss"


"Baka naman mali yang kinuha nyo"


"Sya yon boss"


"Sigurado ba kayong yan ang asawa ni acosta?"


Napairap nalang ako sa hangin dahil sa pinag uusapan ng mga lalaking kumidnap sakin. Mga naka maskara silang kulay itim na katulad nong mga pumasok sa bahay ko kahapon.

Kanina pa ako gising at nag papanggap lang akong tulog. Kanina ko parin natanggal ang tali sa kamay at paa ko pero mukhang hindi nila napapansin yon dahi busy sila sa pag uusap.

Ang gagawin ko nalang ngayon ay tumakas na imposible kong magawa dahil napaka raming nag babantay sa loob at labas kung nasaan ako. Pero tingin ko naman ay kaya ko silang labanan lahat.


Naturuan naman na siguro ako ng andy ng tama at isa pa matagal na akong tinuturuan ni carren kung pano makipag laban.

"Patakasin nyo nalang kaya ako para wala ng dugo ang dumanak" walang ganang sabi ko at tumayo na sa upuan kong saan nila ako tinali.

Halata namang nagulat ang mga lalaking nasa harapan ko.

"I'm Zyra Faye Castillo–Acosta. Ako ba talaga ang hanap nyo o baka naman may ibang asawa ang asawa ko at sya ang kailangan nyo?" walang emosyong sabi ko.

Agad naman silang naalerto at pinalibutan ako na ikina ngiwi ko. I just hope dumating sila Marvin.


"Hulihin nyo yan" malakas na sigaw nong mukhang leader nila. Sya lang kase ang walang suot na maskara.


Akmang hahawakan naman ako ng mga lalaking naka maskara pero mabiis akong umiwas at kinuha ang baril nang isa sa kanila.

Nang makuha ko ang baril ay agad ko yong itinutok sa leader nila. Ini hawak ko sa leeg ng leader nila ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ko naman na may hawak na baril ay naka tutok sa ulo nito.


In just one minute nakuha ko na agad na hostage ang leader nila. I don't know why pero hindi ako nakakaramdam ng takot at kaba ngayon kahit na napaka raming baril ang naka tutok sakin.

"Subukan nyong lumapit sakin at sabog ang bungo netong leader nyo" banta ko sakanila habang nag lalakad paatras pero hindi nila ibinaba ang baril nila at patuloy lang sa pag lapit sakin.


Hindi ba sila naniniwalang kaya kong pumatay?


"Wag kayong maniwala sa babaeng 'to hindi nya kayang pumatay" naka ngising sabi ng leader nila na hostage ko.

Aba gago 'to ah!

"Tingin nyo ba talaga nag bibiro ako?" inis na tanong ko at mas idiniin ang baril sa ulo ng hostage ko.

Lihim naman akong napangisi dahil malapit na ako sa pintuan ng bahay na pinag dalhan nila sakin.

"Hindi mo naman talaga ako kayang barilin dahil mahina k–" hindi na natapos ang sasabihin dahil pinaril ko na sya sa paa at muling itinutok ang baril sa ulo nya.

"One more step and your leader will die" madiing ani ko. Mukhang natakot naman ang mga hangal dahil tumigil sila sa pag sunod sakin.

Malakas kong sinipa ang naka sarang pinto at hinila ang hostage ko na ngayon ay hindi maka lakad ng maayos dahil sa tama ng bala sa paa nya.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now