CHAPTER 21

219 5 0
                                    

CHAPTER 21


"YOU'RE FUCKING PREGNANT, ZYRA FAYE. I DON'T WANT TO FUCKING LOSE ANOTHER CHILD AGAIN"

Natigilan ako dahil sa sinabi nyang 'yon. Hindi ko magawang maka pag salita. Para akong napipi at nabingi ng ilang minuto.

Paulit ulit ring nag play sa utak ko ang sinabi nya.

'I don't want to fucking lose another child again'


Nag kaanak sya at namatay? Sinong ina? Ang ex ba nya? kaya ba hindi sya maka move on?

"Nag kaanak ka?" mahinang tanong ko sakanya. Natigilan naman sya at napatitig sakin.

"Oo" sagot nya at napayuko.

"Andy, Out" walang emosyong sabi ko kay andy. Mabilis naman syang tumayo at lumabas kasama ang iba.

"What happened?" tanong ko sakanya ng makalabas na ang lahat ng kasama namin.

"What's the caused of death?" tanong ko pa ulit pero kinunutan nya lang ako ng noo.


"He's not dead. He's staying in the london with his mother, Irish." sagot nya.


At sa pangalawang pag kakataon ay hindi ako naka pag salita dahil sa gulat.

Irish. How can i forget that name? How can i forget the name of his ex girlfriend? Paano ko makaka limutan ang pangalan ng babaeng mahal na mahal nya?

Irish. Ang babaeng mahal na mahal nya. Ang babaeng dahilan kung bakit naging babaero si Marvin. Ang babaeng dahilan kung bakit ilang beses nag tangkang mag pakatamay si Marvin. Ang babaeng niluhuran nya sa airport. Ang babaeng iniyakan ng ilang taon. Ang babaeng bukang bibig nya tuwing mag kasama kami.

"Five years ago. Muntik na kaming ikasal pero tinakbuhan nya ako sa oras ng kasal. Ang rason nya ay hindi nya ako mahal. Sinabi nya ring buntis sya at ako ang ama pero 3 days before the wedding nakunan sya. 'Yon ang sinabi nya. She keeps on blaming me for what happened. But then I found out last year na hindi sya nakunan. Nag sinungaling sya sakin. Gusto nya lang talaga akong iwan para sumama sa lalaki nya. Ipinaako nya ang anak ko sa ibang lalaki. Gusto kong mag paka ama sa anak ko kaso hindi ko magawa dahil ibang lalaki naman ang alam nyang ama nya."

Mahabang paliwanag nya. Tahimik lang akong nakikinig sakanya habang nag kukwento sya.

"Aaminin ko naiinggit ako sa lalaking yon dahil sya ang kinikilalang ama ng anak ko. Gusto ko ring mag ka anak kaso ipinag kait saakin kaya naman–"

"Kaya naman binuntis mo ako para mag karon ka ng anak at kaya pinakasalan mo din ako dahil gusto mong mag karon din ng masayang pamilyang katulad ng sakanila. Para mag selos si Irish? Dahil Naiinggit ka sakanila kaya gusto mo ring bumuo ng sarili mong pamilya at ako ang napili mo?" pag tutuloy ko sa sasabihin nya.


Hindi ko alam kung bakit yon ang mga nasabi ko o bakit yon ang naisip ko pero hindi ko na mababawi pa ang sinabi ko kaya nanahimik nalang ulit ako.

"Slippery slope. Too much overthinking, baby" nakangising sabi nya na ikina kunot ng noo ko.

"What?" inis na tanong ko.


"What i will say is, Kaya naman– ngayong mag kakaanak tayo ay hindi ako papayag na itago mo sya sakin. And I will take all the responsibility for the both of you at mas lalong hindi ako papayag na mapahamak kayong dalawa." paliwanag nya pero inirapan ko lang sya.


"Don't think too much, baby. But yes tama ang ibang sinabi m–"


"Oh tamo. Aamin karin naman pala na hindi mo talaga ako mahal at ginagamit mo lang ako." pag puputol ko sa sasabihin nya.

Parang may kirot naman sa puso ko dahil sa sinabi ko. Pakiramdam ko din ay tutulo na ang luha ko anytime at parang naubusan na ng lakas ang katawan ko dahil nanghihina na ako.


"Hey baby, don't cry." malambing ang boses ni marvin habang sinasabi ang mga 'yon.


"Bakit ba ang hilig mong putulin ang mga sinasabi ko? Can you please let me finish?" ani pa nya sa malambing na boses. Dahan dahan akong tumango ng hindi tumitingin sa mukha nya.


"Tama ang iba sa sinabi mo kanina. Tama ka sa sinabi mong gusto ko ng anak at pinakasalan kita dahil gusto ko ng masayang pamilya. Tama 'yon. Pero dadagdagan ko pa. Pinakasalan kita dahil gusto ko ay akin ka lang. Pinakasalan kita dahil ayaw kong maka takas ka pa. Pinakasalan kita dahil mahal kita. Bunos nalang talaga si baby. Hindi ko naman inaasahan na mag bubunga pala ang ginawa natin but i'm the happiest person alive when i found that you're pregnant because finally magiging isang pamilya na rin tayo. Hindi ko inisip kung mahal mo ba ako o hindi. Ang plano ko ay gawin ang lahat para mainlove ka sakin tapos malalaman mo na mas nauna ka palang nahulog kaysa sa'kin. So please stop thinking na ginagamit ko lang kayo ni baby para mag selos si Irish dahil sa totoo lang ay wala na akong pakealam sa kanya. Sa anak namin meron pero sakanya wala na. Please Trust me, baby" mahaba nanamang paliwanag nya pero wala naman akong masyadong maintindihan don dahil nag bablanko na ang utak ko sa sobrang emosyon na nararamdaman.


Unti unti naring tumutulo ang luha sa mga mata ko at hindi ko na yon napigilan.


"May anak ako sa ibang babae. will you still accept and love me?" natigilan ako sa tanong nya pero agad din akong tumango.


Hindi naman talaga issue sakin kung may anak na ba sya basta wag lang ba nyang maiisipang makipag balikan sa ex nya.


"I din't understand anything that you said but as long as you love me and our child I will understand everything. But please don't leave us. Can you do that? Because i think, I can't live without you anymore."

Pag sasabi ko ng totoo at niyakap sya ng mahigpit.

Hindi naman siguro masamang maging totoo sa sarili natin kahit isang beses lang.

Ngayong alam ko na at sigurado na akong mahal nya ako. Hindi na ako papayag na mawala sya sakin. Hindi ako papayag na iwanan nya ako dahil talagang makaka patay ako.


This man named Marvin Acosta is mine. And I don't share.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now