CHAPTER 5

345 7 0
                                    

CHAPTER 5

"Miss tinatanong ka namin sya ba ang lalaking sumaksak sayo" tanong ng isang pulis. Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko.

Unang tingin palang alam kong sya na 'yon pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa takot sa kanya. Natatakot ako sa uri ng pag tingin nya sakin na tila ba kaya nya akong patayin kahit na anong oras.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa inyo na sya ang lalaking yon dahil nakita ko din sya at sigurado akong sya din ang pumatay sa mga magulang ni faye bakit ba parang ayaw nyo pang maniwala?" inis na sabi ni marvin.

"Sigurado ba kayong sya yon ang sabi nyo ay naka mask ang killer" sabi pa ng pulis na mas ikina inis ko pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.

Mag sasalita pa sana si marvin pero biglang may lalaking dumating. Pamilyar sya parang nakita ko na sya sa balita o kung saan.

Nangunot ang noo ko ng mag si tayuan ang mga pulis at sumaludo sa lalaking bagong dating.

"Goodevening general" bati ng pulis na nasa harapan namin.

"Nandito ako para sa anak ko" ani ng tinawag nilang general at nilapitan ang hayop na lalaking pumatay sa mga magulang ko.

Now it all make sense. Kaya pala ayaw nila maniwala saamin na ang lalaking yon ang killer dahil anak sya ng general. Nakakatawa lang dahil hindi pala talaga patas ang mga tao dito sa mundo.

Tumayo din si marvin at nakipag usap sa pulis at sa general daw na tatay ng hayop na lalaking yon.

Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil malayo sila sakin pero isa lang ang nasisigurado ko hindi mapaparusahan ang mamamatay taong lalaking yon dahil bukod sa minor sya ay isang general ang tatay nya.

"Tangina ginagago nyo ba ako?" rinig kong sigaw ni marvin.

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit yon. Sobrang sakit na para bang binibiyak kumikirot nadin ang sugat ko na gawa ng pagsaksak ng hayop na yon, Mukhang napansin ako ni marvin dahil bigla syang tumakbo palapit sakin.

"Okay ka lang ba?" tanong nya pero hindi ko sya pinansin at tiningnan lang ang paalis na mag ama pero bago sila tuluyang mawala sa paningin ko ay nakita ko pa ang nakaka lukong ngisi ng hayop na yon.

Ipinapangako ko na hahanapin ko sya at ako mismo ang gagawa ng paraan para makulong sya o kung hindi naman sya makukulong ay ako mismo ang papatay sakanya.

"Mag babayad sya" matapos kong masabi ang mga salitang yon ay bigla nalang nag dilim ang paningin ko.

"ZYRA WHERE ARE YOU?"

Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni sir marvin. Gustong gusto kong sumagot sa pag tawag nya pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako hindi ko rin magawang imulat ang mga mata ko dahil natatakot ako na baka pag mulat ko ay bumungad sakin ang lalaking nakita ko kanina.

Naka rinig ako ng yapak na papalapit sakin kaya mas lalo akong nataranta at naiyak.

"W-Wag kang lalapit kung sino ka man" umiiyak na sigaw ko. Alam kong para na akong bata ngayon dahil sa pag iyak ko pero hindi ko mapigilang umiyak dahil sa sobrang kaba at takot.

Napahiyaw ako nang biglang yumakap sakin ng mahigpit at hinalikan ang ulo ko na para bang pinapakalma ako.

"Ako to zyra calm down"

Kumalma ang buong sistema ko nang makilala ko ang boses ng nag salita. Ang boses nya ay tila isang musika na kayang pakalmahin ang magulo kong sistema.

Nag bukas na ang lahat ng ilaw sa paligid kaya dahan dahan ko ng iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa'kin ang nag aalalang boss ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo? Kaya mo bang tumayo?" sunod sunod na tanong nya pero tango lang ang isinagot ko at dahan dahang tumayo.

Inilibot ko ang paningi ko para hanapin ang taong yon pero wala na sya. Namamalik mata lang ba ako? mali lang ba ako ng nakita? pero hindi eh sigurado ako na sya yon.

"Na-Nakita ko sya" utal kong ani. Nakita ko namang natigilan si sir marvin at nag aalang tumingin sya.

"Sigurado ka ba?" tanong nya. Tumango tango naman ako bilang pag sagot at nag lakad na palabas sa national book store baka maabutan ko pa sya.

Baka nasa labas pa ang lalaking yon. Kailangan ko syang mahanap dahil kailangan nyang mag bayad sa ginawa nyang pag patay sa mga magulang ko.

Sigurado akong ang lalaking sumaksak sakin nong gabing yon ay ang lalaking pumatay sa mga magulang mo. Kilala ko na sya ang buong pag katao nya pero hindi ko sya mahanap dahil sa tingin ko ay nag bago sya ng pag kakakilanlan at nag punta sa ibang bansa.

Marami na kaming naipon na ebidensya na mag papatunay na isang mamatay tao ang lalaking yon. Mga ebidensya na itinago ng mga pulis dahil nabayaran silang lahat ng tatay ng lalaking yon na general pero ngayong nalaman kong patay na ang general na yon at naka balik na dito sa pilipinas ang hayop nyang anak ay wala ng makaka pigil sakin.

Kung hindi ako matutulungan ng mga pulis ako mismo ang mag paparusa sakanya at gusto ko din malaman ang dahilan nya kung bakit nya pinatay ang mga magulang ko dahil kahit anong isip ko ay wala akong maisip na dahilan.

"Nakausap ko na si andy" napa balik ako sa wisyo nang mag salita si sir.

Naka sakay na kami ngayon sa kotse nya at sya ang nag dadrive.

"Anong sabi nya? nakita ba nya? o namamalik mata lang ako?" sunod sunod na tanong ko. Bumuntong hininga naman sya at saka nag salita.

"tama ka naka balik na nga sa pilipinas ang hayop na 'yon at nakita din sa mga cctv na palagi ka nyang sinusundan, mukhang ikaw ang target nya" natahimik ako dahil sa sinabi nya.

"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ko sakanya.

"Hindi natin pwedeng pag katiwalaan ang mga pulis dahil nalaman ko din mula kay andy na maraming kamag anak na mga opisyal ang lalaking yon" paliwanag nya. Naiyukom ko nalang ang kamao ko dahil sa sobrang galit.

"Ang magandang gawin ngayon ay panatilihin kang ligtas dahil ikaw ang target nya sigurado akong gagawa at gagawa sya ng paraan para masaktan ka nga at isang paraan lang ang naiisip ko para mapanatili kang ligtas at para maka pag plano tayo ng mga hakbang para maipakulong sya."

"Ano yon?" nag tatakang tanong ko at tiningnan sya. ngumisi naman sya at itinigil ang sa gilid ang sasakyan.

"Marry me and be my wife"

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now