CHAPTER 34

204 3 0
                                    

CHAPTER 34

"Don't you dare call her that dahil hindi sya katulad mo." malamig na ani ni marvin kay irish na ikina gulat ko.

"Ano bang meron jan sa babaeng yan na wala saakin at hindi mo sya magawang iwan para saamin ng anak mo?" malakas na sigaw ni irish na ikina tigil ko.

Iwan ako para sa anak nila?

Tama. May anak sila samantalang kami ni marvin ay wala na.

Napatingin naman ako sa tiyan ko at pasimpleng hinawakan yon. Wala na nga ba talaga?

Naalala ko pa ang sinabi ni marvin na gusto nyang mag kaanak at mag karoon ng kompleto at masayang pamilya na hindi ko na maiibigay ngayon dahil wala na ang anak namin. wala na nga ba talaga?

Damn It! That girl charm. Ginugulo nya ang utak ko.

Pero ang ex-fiance ni marvin ay nandito na at kasama ang anak nilang dalawa. Kung mawawala ako magiging kompletong pamilya sila. Kung mawawala ako magiging masayang kompleto sila at kung mawawala ako pwede ng bumuo ng bagong pamilya si marvin kasama si irish at ang anak nila.

"Mamili ka, Marvin. Kami ng anak mo o ang babaeng yan. I swear kapag pinili mo ang babaeng yan ay hindi mo na makikita ang anak mo" may babanta sa boses ni Irish.

Muli naman akong natigilan at napatitig kay marvin na ngayon ay naka tingin din saakin at nagulat pa ako ng bigla syang ngumiti saakin at hinalikan ako sa labi sa mismong harap ni irish.

"I choose my child.." para namang tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi ni marvin.

Pero paano ako? Stupid self. Ano bang laban ko ngayon? May anak na sila.

Nakita ko rin ang pag ngisi ni irish at akmang lalapitan na nya si marvin pero agad syang itinulak nito.

"... and my wife" dugtong nya na ikina kurap kurap ko dahil sa gulat.

"What did you say?" hindi maka paniwalang tanong ni irish. Ngumisi naman ang asawa ko at hinawakan ako sa bewang saka hinapit papalapit sakanya.

"Why would i choose if i can have both? I choose my son and my wife. Akala mo ba hindi ko alam na sinasaktan mo lang ang anak ko? At ngayong iniwan kana ng lalaking ipinalit mo sakin babalik ka? at gagamitin mo pa talaga ang bata? Kayang kaya kong kunin sayo ang anak ko, Irish"

Napaka lamig ng boses nya habang sinasabi ang mga salitang yon. So tama pala ako na sinasaktan nya ang anak nya.

"Papaligtasin pa sana kita kaso sumusobra kana talaga. Nilagyan mo pa talaga ng drugs ang inumin ko at anong ginawa mo hinubaran ako at tumabi ka sakin para ano? Para sirain kami ng asawa ko?"

Napako naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi ni marvin. Pakiramdam ko ay biglang kumulo ang dugo ko at gusto kong saktan ang babaeng nasa harapan namin.

"Tell me, Marvin. May nangyari ba sainyong dalawa?" madiing tanong ko kay marvin.

"Oo" si irish ang sumagot na ikina taas ng kilay ko.

"Manahimik ka. Hindi ikaw ang kinakausap ko" inis na sabi ko kay Irish pero nginisian nya lang ako.

"Bakit? hindi ka maka paniwala na may nangyari saminy dalawa? Kung nakita mo lang sana kung gaano nag enjoy si marvin kanin–" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nag salita na si marvin at tumingin sakin.

"No, Baby. Walang nangyari saamin. Trust me, kahit may drugs pa ang pinainom nya sakin ay alam kong walang nangyari dahil hindi hindi naman na ako papatol sa babaeng yan." tinitigan ko namang maiigi si marvin para alamin kung nag sasabi ba sya ng totoo.

"We can watch the CCTV footage here" malamig na ani ko at nginisian si irish na ngayon ay parang gulat na gulat.

"Why? Din't you know na may CCTV dito sa kwarto?" nakanging tanong ko sakanya.

Namula naman ang buong mukha nya sa galit at agad akong sinugod pero humarang sa harapan ko si marvin na ikina tigil ni irish.

"Bakit ba gustong gusto mo ang babaeng yan ha? May anak tayo, Marvin" galit na sabi ni irish kay marvin pero seryoso lang syang tningnan ng asawa ko.

"Nakalimutan mo na bang iniwan mo ako para sumama sa ibang lalaki? At itinago mo pa talaga sakin ang anak ko." walang emosyong sabi ni marvin.

Nagulat naman ako ng biglang lumuhod sa harapan ni marvin si irish at umiyak ng umiyak. "Take me back please. I will love you and I promise i will never leave you again just take me bac–"

"Hindi ko kailangan ang pag mamahal mo dahil may babae ng nag mamahal saakin ng higit pa sa pag mamahal mo at mahal na mahal ko rin sya." parang may yumakap sa puso ko dahil sa mga sinabi ni marvin.

Hindi ko na napigilan ang pag ngiti lalo na ng humarap sya sakin at nginitian ako saka hinalikan sa labi.

"Are you okay? Did they hurt you? I'm sorry kung hindi ako ang nag ligtas sayo. I was there but Charm told me to go home and throw the garbage that's staying in my house. Then I just realize that the garbage is irish. Charm also told about those edited pictures of me kissing that girl." mahabang sabi nya pero nginitian ko lang sya at inakit na sya pababa sa sala at iniwan sa loob ng kwarto si Irish.

"What are you going to do with irish? I saw the scars and Bruise in your son's arms"

"I already report her to the police for Child Abuse. Mayroon naman akong mga ebidensya laban sakanya kaya wala na syang laban." sagot nya sa tanong ko.

Napatango tango naman ako at agad na nilapitan ang bata na nag lalaro. Then iremember i don't know his name.

"Baby, May i know your name?" tanong ko sa bata. Ngumuti naman sya sakin at niyakap ako.

"Raze po" sagot nya at habang naka nguso na ikina tawa ko dahil sobrang cute nya.

"Bitawan mo ang anak ko." nagulat naman ako dahil sa pag sigaw ni irish at patakbong lumapit saamin ni raze.

Naramdaman ko naman ang pag lapit samin ni marvin para protektahan kami pero itinulak sya ni irish.

Sinamaan ako ng tingin ni irish at malakas ring itinulak na ikinatuman ko at saka naman nya marahas na hinila ang anak nya palayo.

Mabilis naman akong inalalayan sa pag tayo ni marvin at akmang lalapitan ang anak nya pero agad na tinutukan ng kustilyo ni Irish sa leeg ang sariling anak na ikina singhap ko.

Mukhang nasasaktan si raze sa uri ng pag kakahawak nya pero parang wala syang pakialam sa bata.

Walang hiya talaga ang babaeng 'yon.

"Bitawaan mo ang anak ko, Irish" malakas na sigaw ni marvin pero nginisian lang sya ng babae.

"Kasalanan mo 'to dahil ipinag palit mo kami sa babaeng 'yan" balik na sigaw ni irish at diniinan pa ang pag kakahawak sa kamay ng anak.

Nag iinit na ang ulo ko at gusto ko ng sapakin si irish dahil sinasaktan na nya ang bata pero hindi ko sya malapitan dahil baka saktan nya si Raze.

At mas lalo pang nadagdagan ang galit ko ng makita kong umiiyak na si raze and that's it nawalan na ako ng kontrol sa sarili ko.

Mabilis kong kinuha ang platic vase na nakapatong sa mesa na katabi ko at walang pag dadalawang isip na ibinato yon kay Irish.

Tinamaan naman sya sa ulo non kaya agad nyang nabitawan si raze at kinuha ko ang pag kakataon na yon para kunin si raze at ini bigay sa daddy nya.

"Hayop kang babae ka" sigaw saaakin ni irish at akmang sasaksakin pero agad kong sinipa ang kamay nyang may hawak sa kutsilyo at pag katapos ay malakas ko siyang sinampal sa mukha na ikima tumba nya.

Sakto namang dumating na ang mga pulis at inaresto si irish. Nag pupumiglas pa ang babae pero hindi sya maka takas dshil naka posas na sya.

Nilapitan ko naman si raze at kinarga sya saka itinalikod sa ina nya na hinihila ng mga pulis palabas ng bahay.

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now