CHAPTER 33
"Hindi nya ako mahal, Charm. Bumalik na ang ex nya at may anak pa sila tingin mo ba mamahalin pa nya ako?" mapait akong tumawa at tiningnan sya.
"Hindi ka nya mahal?" parang nag tatakang tanong nya.
"Sinasabi mong hindi ka nya mahal pero alam mo bang lumuhod sya sa harapan ko para lang iligtas kita? Dahil hindi kaya ng Mafia Organization nya na kalabanin ang kumuha sayo. Hindi ka nya mahal pero nag makaawa sya saakin para tulungan ka."
May diin ang bawat salitang lumalabas sa mga bibig nya. Napatulala nalang ako sakanya habang pinapakinggan sya.
Si marvin lumuhod sa harapan nya para iligtas ako?
"Alam mo bang ang mga Acosta ang pangalawa sa mga Villamerious. Sa mundong ginagalawan namin isa sya sa mga pinaka nirerespeto pero lumuhod sya saakin para iligtas ka at kung hindi man yon pag mamahal eh ano yon? Trip lang?" sabi nya na ikina tigil ko.
"Pero ang ipinag tataka ko ay lumapit din saakin si Tyron Capozzoli para humingi ng tulong na iligtas ka" dagdag pa nya.
Hindi ko magawang mag salita dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi nag pafunction ng maayos ang utak ko.
"You're pregnant hindi ka pwedeng maistress" sabi pa nya na ikina inis ko.
Kanina pa nya ipinipilit na buntis ako kahit hindi naman na. Ibinabalik nya lang ang sakit na naramdaman ko.
Bigla naman syang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko saka inilagay yon sa tiyan ko.
"I know you can feel him. He's there. He din't leave you" nakangiting sabi nya.
Pinakiramdaman ko naman ng maayos ang tiyan ko at isa isa nanamang tumulo ang butil ng luha ko dahil sa kakaibang pakiramdam.
"Come with me" ani nya at inalalayan ako sa pag lalakad hanggang sa makalabas kami sa kwarto.
Napa lunok naman ako ng bumungad saakin ang mga patay na katawan ng mga lalaking naka maskara.
"Don't look at them" rinig kong bulong saakin ni charm kaya naman hindi ko nalang pinansin ang mga patay na katawan at nag patuloy lang sa pag lalakad hanggang sa maka rating kami sa labas ng building.
Nangunot naman ang noo ko ng makita ang mga lalaking nag dala sakin dito sa building.
"Hi, Madame" nakangiting sabi nong lalaking yumakap saakin kanina.
"Kalaban ba sila?" tanong ko kay charm pero tumawa lang sya saka umiling.
"Cloud, will take you home" sabi nya at itinuro ang lalaking yumakap saakin kanina.
"Where's marvin?" tanong ko sakanya.
"Umuwi na daw sa bahay nyo nong nalaman na kinakausap kita" sagot nya at pumasok na sa loob ng kotse nya ata yon.
"Tara na, madame" nakangiting sabi nong cloud at pinag buksan ako ng pinto ng kotse.
Walang imik naman akong pumasok don at nang maka pasok na rin sya ay pinaandar na nya ang sasakyan.
Buong byahe ay walang nag salita saaming dalawa hanggang sa maka baba ako sa sasakyan ay hindi parin sya nag salita kaya nauna na akong nag salita.
"Thank You sa pag hatid sakin at sa pag yakap kanina" pag papasalamat ko sakanya.
Tumango lang sya at saka nag pinaandar na ang sasakyan paalis.
Nang humarap naman ako sa bahay namin ni marvin ay napa pikit ako dahil sa sobrang kaba. Huminga lang ako ng malalim at nag lakad na papasok sa loob ng bahay.
"Mama angel" isang malakas na sigaw ng bata ang bumungad saakin. Mabilis akong lumuhod at nginitian sya. Patakbo naman syang lumapit sakin at niyakap ako.
"Mama angel, Hindi kana po iiyak? I already got revenge on daddy and mommy na po for making you cry." malambing na sabi nya pero natigilan ako dahil sa sinabi nyang pahuli.
Revenge?
"What did you do baby?" tanong ko sakanya.
"I Throw them things po. Binato ko po sila kanina and I told mommy and daddy that i hate them for making you cry po" napanga nga naman ako dahil sa sinabi ng bata.
"Baby, That's bad. You don't do that to your parents" mahinahong sabi ko sakanya pero sa loob ko ay medyo natuwa ako dahil sa ginawa nya.
"But they made you cry po. In my dreams you always save me that's why i want to save you too po" nakanguso paring sabi nya.
Nakangiti ko namang ginulo gulo ang buhok nya. "Stay here muna baby ha" sabi ko sakanya at nag lakad na ako paakyat sa taas para puntahan si marvin na mukhang nasa kwarto namin.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto namin ni marvin para kausapin sya pero napatigil ako ng marinig ko ang boses ni Irish sa loob ng kwarto.
Mag kasama silang dalawa sa kwarto namin.
"Take me back, Marvin please. Wala na kaming mapupuntahan ng anak mo" rinig kong sabi ni irish na nag mamakaawa may marvin.
Seryosong naka tingin lang sakanya si marvin. "I won't take you back. I'm married" yon lang ang naging sagot ni marvin na kahit papaano ay nag pasaya sa puso ko.
Nakita ko naman mula sa siwang ng pinto na aalis na sana si marvin pero bigla nalang syang hinila ni irish at hinalikan sa labi na ikina kulo ng dugo ko.
Mabilis ako pumasok sa kwarto at walang pag dadalawang isip na hinablot ang buhok ng babae at itinulak sya ng malakas na ikins hiyaw nya.
Kitang kita ko naman ang pag balatay ng gulat sa buong mukha ni marvin.
Nakita ko naman ang pag tayo ni irish at akmang sasampalin ako pero agad kong nasalo ang kamay nya.
"Ang kapal naman ng mukha mong babae kang sabunutan ako. Sino ka ba ha? Sekretarya la lang nama–" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil sinampal ko na sya ng malakas.
Nakangisi kong Ipinakit sakanya ang darili ko na may singsing. "A-KO LANG NA-MAN ANG A-SA-WA NG LA-LA-LA-KING HI-NA-LI-KAN MO" malakas na sabi ko at diniinan ko pa bawat pantig para mas madama nya ang galit ko.
Gulat naman syang tumingin saamin ni marvin pero agad ding ngumisi habang naka tingin saakin.
"Ang malanding sekretarya. Sabi ko na nga ba matagal ka ng may gusto kay marvin kaya hindi ka umaalis sa tabi nya. Malandi nga n–"
Isang malakas na sampal ang nag patigil sakanya sa pag sasalita pero hindi ako ang gumawa non kundi si marvin na ngayon ay sobrang sama ng tingin kay irish.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
Storie d'amoreAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...