CHAPTER 29

151 5 0
                                    

CHAPTER 29


NAGISING ako dahil sa mahihinang hikbi na naririnig ko mula sa gilid ko at kahit nakapikit pa ako ay kilala ko na kaagad kung sino ang umiiyak kaya dahan dahan akong nag mulat para tingnan ang asawa kong walang tigil sa pag iyak.

"Why are you crying?" nanghihinang tanong ko sakanya. Agad namang napunta ang atensyon nya saakin at nilapitan ako.

Mag tatanong pa sana ulit ako pero bigla nalang nya akong niyakap at walang tigil na umiyak sa balikat ko.

Hindi ko alam ang nangyari pero ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya dahil sa pag iyak nya.

Bigla namang pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari at isa lang ngayon ang inaalala ko.

Mahina kong itinulak si marvin at hinawakan ang tiyan ko. "Is my baby safe" tanong ko sa asawa ko pero imbes na sagutin ako ay umiyak lang sya ng umiyak na ikina inis ko.

"Answer me, Marvin. Is baby safe? May nangyari ba sakanya?" sunod sunod na tanong ko.

May kakaiba akong nararamdaman at naiisip dahil sa inaakto nya pero pilit kong tinatanggal yon sa isipan ko dahil hindi pwedeng mangyari yon.

"You had a miscarriage"

Apat na salita lang mula sa labi nya pero napaka laki ng epekto saakin. Tila tumigil ang mundo ko dahil sa mga narinig ko.

"You're joking right? Come on, Marvin. Hind magandang biro ang ganyang bagay" umiiyak na ani ko. Umaasa ako na sasabihin nyang biro lang ang sinabi nya pero hindi nya ginawa.

Naramdaman ko nalang ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko at hindi ko magawang pigilan 'yon. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit non.

"Hindi patay ang anak ko, Marvin" mapait akong tumawa at hinawakan ang tiyan ko.

"I c-can still feel him here. He's al-alive. My b-baby is not dead" umiiyak paring sabi ko habang hawak hawak ang tiyan ko.

Pero mukhang hindi naniniwala sakin ang asawa ko dahil panay lang ang iling nya habang umiiyak na naka tingin sakin at parang sinasakal ang puso ko habang pinapanood syang umiyak kaya agad akong nag iwas ng tingin.

Kinuha ko ang kamay nya at inipatong yon sa tiyan ko. "I can feel him in my stomach, baby. Please tell me that you can also feel him" umaasang sabi ko pero umiling lang sya at niyakap ako.


My parents died. My bestfriend died and now my baby is gone. Tangina. Parusa ba saakin 'to?

Ano bang kasalanan ko at kailangan kong maranasan ang lahat ng 'to? Lahat nalang ng mahahalaga saakin ay nawawala.




IT'S BEEN 2 WEEKS pero hanggang ngayon ay hindi parin ako maka paniwalang wala na ang anak namin.

Nandito ako ngayon sa kwartong ipinalinis pa namin para gagawing kwarto ng baby namin. Nandito lahat ng gamit na pinamili namin pero wala ng gagamit nito ngayon.

Sobrang saya ko pa habang binili namin ang mga gamit ng baby namin pero ngayon kabaliktaran na ang nararamdaman ko.

Hindi ko kayang maging masaya. Paano ako magiging masaya kung wala na ang anak ko? Siguro nga masama talaga akong ina. Kung hindi lang ako nag pumilit ng araw na yon sana hindi nawala si baby.

Kasalanan ko ang lahat ng 'to.

Hindi ko nanaman maiwasang mapaiyak habang tinitingnan ang mga gamit na pang baby na hawak ko. Naramdaman ko naman ang pag yakap saakin ng kung sino at hindi ko na kailangang tanungin kung sino sya dahil pabango palang nya ay alam ko na.

"Don't sress yourself too much, baby baka mag kasakit kana nyan" napa lambing ng boses nya habang sinasabi yon pero ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman nya.

Alam kong sobrang nasaktan sya dahil sa pag kawala ng baby namin dahil gabi gabi ko syang nakikita dito sa kwartong 'to at naririnig na umiiyak.

Sobrang sakit. Para bang sinasaksak ng libo libong karayom ang puso ko habang pinapanood syang umiiyak gabi gabi at tuwing umaga ayan sya nag papanggap na masaya at ayos lang ang lahat kahit hindi naman talaga.

"Iiwan mo na ba ako? Wala na ang baby natin at dahil yon sakin kaya maiintindihan ko kung iiwan mo ako" labag man sa loob ko pero pinili ko paring sabihin sakanya ang mga salitang 'yon.

Masakit isipin na iiwan nya ako pero ano bang magagawa ko? Wala na ang baby namin at dahil sakin yon.

"Don't blame your self, baby. It's not your fault please" napaka lambing ng boses nya kaya hindi ko nanaman maiwasang umiyak sa harapan nya.

"Our baby died because of me. Don't you hate me?" tanong ko. Kahit natatakot ako sa pwede nyang isagot ay tinanong ko parin.

"How can i hate the woman i love the most? I hate myself for not protecting you and our baby." sagot nya na talagang ikina bigat ng pakiramdam ko.

Pinahid ko na ang luha ko gamit ang panyo ko at hinarap ang asawa ko. Namumugto narin ang mga mata nya kakaiyak kaya pinunasan ko rin ang pisngi nya na puro luha.

"Ang mahal ko" mahinang sabi ko habang pinupunasan ang luha nya. Nang matuyo ko na ang pisngi nya ay mahigpit ko syang niyakap.

Pero agad din kaming hiwalay sa pag yayakapan ng biglang dumunog ang doorbell.

"Ako na ang mag bubukas" ani ko at nag lakad na palabas ng kwarto. Nang makababa ako ay agad kong binuksan ang pinto.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng bumungad saakin ang magandang babae na  napaka pamilyar saakin at may kasama syang bata na sa tingin ko ay limang taong gulang na.

Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at hindi naka takasan sa paningin ko ang pag irap nya saakin.

"So what are you doing in his house. Ms. Secretary" ang maarte boses nya ang nag pabalik saakin sa wisyo.

Diniinan pa nya ang pag banggit sa Ms. Secretary at para naman akong natauhan ng dahil don.

"Irish?" rinig kong gulat na sabi ng taong nasa likuran ko ng makita ang babaeng nasa pintuan.

Nakangiti namang pumasok derederetso ang babae at hindi ako pinansin saka sinalubong ng mahigpit na yakap si marvin.

Nang mag hiwalay naman sila sa pag yayakapan ay biglang hinila ni irish ang batang kasama nya.

"Baby, he's your real dad and starting today we will live here with him"

SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now