CHAPTER 28
"We finally meet again, my love" sinamaan ko lang ng tingin ang lalaking nasa harapan ko dahil sa sinabi nya.
"Ano ba talagang kailangan mo sakin?" inis na tanong ko sakanya. Ngumisi naman sya ata marahas akong hinawakan sa panga na ikina daing ko dahil sa sakit.
Gusto ko syang sapakin ngayon dahil hindi naman ako nakatali kaso kailangan kong mag ingat dahil baka mapahamak ang baby ko.
"You to be my wife" ani nya na ikina ngiwi ko. Ipinakita ko naman sakanya ang daliri ko na may wedding ring.
"I am already someone's wife" walang emosyong ani ko pero tinawanan nya lang ako at bigla akong sinampal na ikina tumba ko.
"Then i will just kill him. Like how i killed your parents 10 years ago" natigilan naman ako dahil sa sinabi nya at mabilis na tumayo.
"Sa wakas umamin ka na rin na ikaw ang pumatay sa mga magulang ko" wala paring emosyong sabi ko.
"Gusto mo bang malaman kung bakit ko sila pinatay?" nakangisi paring tanong nya pero hindi ako nag salita at umupo lang sa upuan na nasa gilid.
"Hindi ko naman talaga sila papatayin eh. Siyempre bakit ko naman papatayin ang magiging mother and father in law ko diba? Eh. Kaso ayaw ka nilang ibigay sakin kaya ayon pinatay ko nalang sila" parang wala lang na pag kukwento nya na ikina yukom ng kamao ko.
"Pero alam mo nagawa ko lang ang lahat ng 'yon dahil mahal kita" sabi pa nya at dahan dahang inilapit ang mukha nya sa aakin.
"Mahal mo ako? Pero kinidnap mo ako alam mo bang isang malaking katangahan yon? Mahal mo ako pero ilang beses mong pinag tangkaan ang buhay ko. Napaka mapag mahal mo naman pala" Wala paring emosyong ani ko.
Pilit kong pinapatapang ang boses ko pero sa loob ko ay nanginginig na ako dahil sa sobrang takot.
"I really like your lips" sabi pa nya at muling hinawakan ang panga ko. Nakangisi nyang inilapit sakin ang mukha nya at nang malapit na ang mukha nya sakin ay saka ko lang sya sinipa ng malakas sa tiyan na ikina tumba nya.
Mabilis kong kinuha ang baril na naka tago lang sa ilalim ng pantalon ko at itinutok yon sakanya. Akmang kukunin pa nya ang kutsilyo na nasa maliit na mesa pero agad kong binaril ang kamay nya na ikina hiyaw nya sa sakit.
Sakto namang pumasok ang mga pulis at pinusasan sya sa kamay.
"Told yah katangahan lang ang pag kidnap saakin sa harap ng mismong bahay ko" ngayon ay ako naman ang nakangisi sakanya.
"Nasa labas nanaman si Marynard Cruz at mukhang balak ka nyang kunin ngayon dahil bumili sya ng Chloroform"
Pareho kaming napatingin ni marvin kay andy dahil sa sinabi nya. Nakatingin lang sya sa malaking screen kung saan kitang kita si Maynard Cruz na nasa labas ng bahay ko at may dalang kutsilyo.
"Should i go out and bait myself so we can catch him?" tanong kay marvin na ngayon ay kunot na kunot lang ang noo habang naka tingin sakin.
"Is that what you want?" tanong nya na walang emosyon mukha.
"Only If you will allow me" nakangiting ani ko. Bumuntong hininga naman sya at saka tumango tango na ikina lawak ng ngiti ko sa labi.
"Just be careful and don't use gun" puno ng pag aalala ang boses nya.
"I can handle my self and don't worry i won't let him hurt me and our baby. I know you will save if something happens. I trust you, baby"
Malambing ang boses na sabi ko sakanya at niyakap sya. "Then let's start the plan" sabi nya na ikinangiti ko.
"I already called the police and tyron to help us" ani ni andy at inabutan ako ng baril at hair clip na ikina kunot ng noo ko pero nang makita ko ang maliit na bagay na naka dikit don ay napangisi ako.
"Wear that so i can track you" sabi pa nya. Tumango lang ako at iniipit na sa buhok ko ang hair clip.
"Try to make him admit his crime, Zy para wala na talaga syang takas."
Sabay sabay kaming napa tingin sa pinto ng bumukas yon at pumasok si tyron.
"Can i shot him?" tanong kay tyron mukha namang nagulat din sya sa sinabi ko pero agad ding syang tumango na ikina ngisi ko.
Kaso mukhang hindi ata nagustuhan ng asawa ko ang sinabi ko dahil bigla nyang kinuha saakin ang baril na hawak ko at sinamaan ako ng tingin.
"I told you that you can't use guns because it's dangerous, baby. Ayaw kong mabahiran ng dugo ang kamay mo"
Tinitigan ko lang sya dahil sa sinabi nya at kinuha sa kamay nya ang baril. "Kaya nga baril ang gagamitin ko para hindi malagyan ng dugo ang kamay ko. At isa pa mafia boss ang asawa ko, hindi ba mas maganda kung kaya ko ring ipag tanggol ang sarili ko para hindi mo na kailangang mag alala sakin."
Mahabang sabi ko sakanya. Isang buntong hininga naman ang pinakawalan nya at niyakap ako saka hinalikan sa noo.
"My wife is really amazing" boses iyon ng asawa ko kaya agad akong tumingin sa pinanggalin non.
Then i saw him with andy and tyron.
"Baby" tawag ko at tumakbo palapit sakanya para salubungin sya ng yakap.
"You're a great actress, baby but i don't like it when he touched you and tried to kiss you. I want to kill him now" malamig ang boses nya habang nag titiim bagang na nakatingin kay Maynard Cruz na ngayon ay kasama na ni Tyron at Andy.
"My baby is jealous" nakangising sabi ko kay marvin at pinisil ang pisnge nya.
"You're mine, baby" nakangusong sabi nya na na ikina tawa ko dahil sobrang cute nya habang nag sasalita.
Mag sasalita na rin ako pero isang putok ng baril ang nag pa gulat saakin at naramdaman ko nalang ang pag tama ng bala sa tagiliran ko.
Nanginginig kong sinapo ang tagiliran kong may tama ng bala at tiningnan ang asawa ko na hindi malaman ang gagawin.
"Ang baby ko" huling salitang nasabi ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
YOU ARE READING
SECRETARY SERIES 3: THE CEO'S FAKE WIFE (COMPLETED)
RomanceAng pag papakasal ang isang bagay na kahit kailan ay hindi maimagine ni Zyra na mangyayari sa buhay nya. Dalawang bagay lang ang mahalaga sakanya at yon ay ang kayang pamilya at trabaho kaya naman nang alukin sya ng kanyang boss ng kasal ay tinangg...