Chapter 25

2.5K 46 3
                                    

Nagising akong puro puti lamang ang nakikita. There was also something over my nose and mouth. Inangat ko ang aking kamay upang subukan sanang tanggalin kung anuman iyon ngunit hindi ko maingat ng tuluyan dahil sa panghihina. Inilibot ko na lamang ang aking mga mata upang malaman kung nasaan ako.

I realized that I am in a hospital room upon seeing the equipments. Nagtatakang inalala ko kung bakit ako nandito sa hospital ngunit wala akong makuhang sagot. I don't remember being brought here too. The last thing I remember was going to school and that's it.

Did something happen to me?

Binalikan ko ng tingin si Mommy na nakita ko kanina na nakahiga sa mahabang couch sa may tabi ng bintana at tulog na tulog. Naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib at pag-iinit ng mga mata kasabay ng pagpapakawala ko sa isang ngiti. Hindi ko alam bakit ganito nalang ang pakiramdam ko ngayon. There's just something about seeing her again.

Maya-maya pa ay narinig kong dahan-dahang bumukas ang pintuan at sumara. Maingat iyon na para bang ayaw makagawa ng ingay. Tahimik na hinintay kong makapasok ng tuluyan ang bagong dating. It was daddy and when his eyes met mine it instantly widened in shock. Pansamantala siyang hindi nakagalaw dahil sa gulat.

"Venny?" Tawag niya sa akin sa mahina at tila hindi pa rin makapaniwalang tinig. I managed a weak smile and called him softly.

"Venny! Oh thank God gising ka na!" Mabilis na nakalapit sa akin si Daddy at hinalikan ako sa noo. Napangiti muli ako sa kanyang nagging reaksyon at sa aking naramdaman. I felt the same sensation that I felt awhile ago. I am happy to see him again like there was a moment when I thought I won't anymore. It's really weird.

"Thomas?" Narinig kong tawag ni Mommy na mukhang nagising sa biglaang pag-iingay ni Daddy.

Lumayo si Dad ng kaunti mula sa akin upang makita ako ni Mommy. She gasped and her sleepy eyes widened just like Dad's when she saw me awake. Dali-dali siyang tumayo at lumapit sa akin saka umiiyak na niyakap ako ng mahigpit habang paulit ulit na nagpapasalamat sa Diyos.

She kissed me all over my face and when I think she had enough, she cupped my face.

"Don't scare us again like that, baby." Hindi ko man nakuha ng maayos ay pinili kong tumango at ngumiti na lamang.

"Why am I here?" Tanong ko sa kanila ng may namamalat pang boses. I wonder how many hours have I been out for my voice to quiver like this.

Nagkatinginan silang dalawa sa tanong ko at sabay na bumaling sa akin.

"You don't know?" Tanong ni Mommy kaya umiling ako.

"You don't remember the accident?" Kunot noong umiling muli ako.

"No. What accident?" Nagtatakang tanong ko. I don't remember getting into an accident.

We all went silent.

Lumabas si Daddy para ipaalam sa mga doctor at nurse na gising na ako. Bumalik siyang may tig-isang nurse at doctor na kasama. Ang sabi ng doctor ay normal lamang na nanghihina pa ako at hindi pa makapagsalita ng maayos dahil sa pinagdaanan. At lalong normal na wala akong matandaan sa gabi ng aksidente dahil sa natamo kong head injury. Ngunit nangilabot ako nang sabihin nilang apat na buwan akong comatose dahil sa nangyaring aksidente na hindi ko matandaan. I was comatosed meaning I could have possibly died!

Napansin siguro ng doctor ang aking pananahimik dahil sa gulat matapos ng nalaman kaya minabuti niyang payuhan akong magpahinga kaysa piliting isipin ang mga nangyari. Tumango ako at sinunod na lamang iyon. Nanatiling nakangiti at nakatayo sina Mommy at Daddy sa tabi ng aking kama hanggang sa tuluyan na akong lamunin muli ng antok.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon