Chapter 35

2.7K 53 4
                                        

Nagising ako sa mga katok mula sa pintuan ng aking kwarto. Gamit ang isang matang bukas ay sinilip ko ang oras mula sa orasan sa ibabaw ng tokador. The digital clock says that it's only 23 minutes past 6.

I groaned and covered my head with the pillow. Mag-aapat na oras palang ang tulog ko dahil inabot na ako ng alas tres ng madaling araw sa pag-ayos ng mga disenyo. Pwede bang magpatulog naman ang baliw na nangiistorbo sa akin ng ganito kaaga?!

"Ven?" Napakunot noo ako dahil parang kay Yohan ang boses na iyon ngunit hindi ako sigurado. Ano naman ang gagawin niya dito ng ganito kaaga? Bahagya kong itinaas ang unan upang mas marinig ko ng maayos ang nasa kabilang bahagi ng pintuan and waited for another word.

"Ven? Are you up?" Siya nga! What the hell is this crazy guy up to now? Ang aga-aga mangbulabog!

I chose to ignore his calls and knocks. Ibinalik ko muli ang unan sa pagkakapatong sa aking ulo to block out his noise. Wala na naman sigurong magawang matino sa buhay niya kaya akin ang sinisira. Magsasawa din siya sa kakakatok. Papapikit na muli ako nang mas lumakas ang kanyang mga katok sa pintuan kung kaya't kahit nakatakip ng ulo ay rinig ko ang bawat kalabog.

"Ugh!" I irritably threw the useless pillow off my head. Bwisit! Hindi na ako makatulog ulit dahil sa ingay niya.

"Go away!" Sigaw ko ngunit imbes na tumigil ay nagpatuloy siya sa pagsigaw.

"Please open the door!"

"No! Go away!"

"Hindi ka na ba sasama sa Zambales?" Napakunot-noo ako sa kanyang tanong. Sasama sa Zambales? At ano naman ang gagawin ko dun? Bwisit talaga! Bahala siya diyan!

Babalik na sana ako sa pagtulog nang matigilan at unti-unting nanlaki ang mga mata. Agad na napaupo ako sa pagkabigla. Bloody hell! Is that today? Really? I quickly grabbed my phone to check on the date and confirmed that it is. Fuck! Naihilamos ko na lamang ang aking palad sa mukha. I completely forgot! Sa sobrang busy ko sa pag-edit ng ibang designs ay nawala sa isip ko ang tungkol sa planong Zambales trip ng barkada.

"I guess you are really not coming. Does Jobs know?" Masyado akong nabigla that I can't find the right words to say.

"Uhh...if not, I'll just tell him about it. Don't worry. I'll go now." Paalam niya. After hearing that, I completely panicked.

Hindi pwedeng wala ako doon! Jobs will be mad at me for not being there on his birthday and secret proposal to Lucy.

Ito ang isang napag-usapan noong makita nila kami ni Gabe sa coffee shop. We planned Jobs' birthday celebration. And, I remember how awkward it was for Gabe and I after that. Their presence didn't seem to ease up the tension. If any, they made it worse by teasing us nonstop.

"Ano palang ginagawa niyo kanina bago kami dumating?" Tanong ni Kik ng nakataas kilay habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Gabe matapos ko silang ipakilala sa isa't isa.

Rinig ko ang sabay naming pagtikhim ni Gabe. Nagkatinginan kami at sabay muling nag-iwas. We can't just say that we almost kissed.

"W-Wala.." I tried but I failed to sound nonchalant. I know that my stutter and defensive tone gave me away. Damn it! Yumuko ako at pumikit.

"Y-yeah, nag-uusap lang kami." Shit! Mas mariin akong napapikit sa naging sagot ni Gabe. His voice was cracking the whole time worst than mine did.

All of them snickered.

"It didn't seem like it." Yohan said sarcastically. Tinignan ko siya at naglaban ang mga mata naming dalawa. He looks angry, disappointed and sad? O baka guni-guni ko lang iyon.

Loving BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon