Nagkatitigan kami ni Yohan nang nilingon ko ang pagtawag niya ngunit ako din ang unang umiwas. Tumikhim ako at mabagal na tumalikod sa kanya. Noon ko narinig ang muling pagtawag ni Gabe sa pangalan ko mula sa kabilang linya. May halong pagtataka sa hindi ko pagsasalita.
"Ven?"
"Ah, yes Gabe, I'm here..." Ani ko sa pinasiglang boses. Pilit kinakalimutan ang kakaibang pakiramdam na dulot ng pagtawag sa aking pangalan.
"Hey, I've been trying to contact you for hours." He chuckled, not sounding disappointed at all.
"About that, I'm really sorry." Hingi kong paumanhin. My voice came out very soft and feminine.
Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko sinasadyang maging tonong malambing sa kanya pero siguro ay natural na iyon. He's just the type of guy you wanna talk calmly to and given our situation, me asking him favors, I think it's just right to talk to him this way.
Pumikit ako nang matantong masyado ko na namang iniisip ang mga bagay-bagay. Nang magmulat ay pasimple kong nilingon ang kinatatayuan ni Yohan kanina. Wala na siya doon kaya hinanap siya ng aking paningin. Nakita ko siyang nakatalikod at naglalakad na pabalik sa iba naming kaibigan.
Hindi ko alam kung bakit para akong nakahinga ng maluwag noong umalis siya. I don't like him to listen to Gabe and I's conversation. Pakiramdam ko ay hindi tamang marinig niya ang pag-uusap namin.
Pero bakit? Bakit ganito nalang yung nararamdaman ko para sa isang napakasimpleng bagay?
Huminga ako ng malalim at marahil narinig iyon ni Gabe.
"Ayos ka lang ba?" He asked laced with concern. I must have sounded problematic. I tried to laugh to ease the air.
"Bakit naman hindi? It's beautiful here. Sayang, wala ka, you don't get to see it."
Noon siya mahinang tumawa.
"Talaga? But, okay lang. I'm in a mission right now. I can go there next time, maybe."
Tumango ako kahit hindi niya nakikita at napangiti. Gabe is really such a nice guy. Ang simple ng kanyang sinabi pero naramdaman ko ang sinseridad na mas mahalaga sa kanya ngayon ang makatulong sa amin.
"Thank you..."
"No worries, it's the least I can do for my hero." He said full of humor.
"Sira! Stop it."
We both laughed. There has been a joke between us wherein he calls me his hero. He said I saved his life when I talked some sense into him back when I actually saved him from the bullies.
"Hmm, anong oras pala kayo nakarating sa bahay?" Tanong ko nang medyo humupa na ang aming mga tawa.
"Around noon, kumain na muna kami sa daan and para sure na wala na talaga kayo doon since we have no idea because someone isn't replying to me." Aniya na puno ng pagbibiro ang huling sinabi.
Tumawa ako bago humingi ng tawad.
"Sorry, I just enjoyed too much that I forgot."
"Uhuh..." Sagot niya sa tonong parang hindi naniniwala. Ngumuso ako at nagpigil ng tawa.
"Ba't parang ayaw mo maniwala?" Tanong ko sa kunwaring naiinis na tono. Narinig ko ang mahina niyang tawa na agad niyang itinigil at pilit nagseryoso ang boses.
"Sure kang hindi dahil iniiwasan mo ako kaya hindi ka nagrereply?"
Napalunok ako sa naramdamang guilt sa sinabi niya dahil may kaunting katotohanan iyon.

BINABASA MO ANG
Loving Bestfriend
RomanceCliché story of a girl who fell in love with her best friend. The boyish Veneia Angela Samonte fell in love with her best friend since birth, Yohan Vladimir Arevalo- the player. And the player fell in love with - oh no, not her but with some evil w...